CHAPTER 36

8.7K 216 1
                                    

Ynna's POV:

Nakatanaw lamang ako sa labas ng bintana at pinagmamasdan ang pag-uusap ni Tatay at Czech. Nakukuryos ako kung ano nga ba ang pinag-uusapan nilang dalawa, napaka seryoso kasi ng bawat anggulo ng kanilang mukha.

Minsan ay napapakunot ang noo ni Czech at napapatango, hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila dahil medyo malayo sila at di'ko marinig.

Tumayo ako at pumuntang kusina para uminom ng tubig ngunit agad akong napahinto dahil sa nasaksihan ko.

Nakaupo si Riana sa mesa habang nakatayo naman sa harapan niya si Enrage, bahagya pang nakapuloput ang magkabilang binti ni Riana sa baywang ni Enrage at ang kamay ng lalaki ay nasa baywang ni Riana ang isa ay nasa batok nito at sabik silang naghahalikan na para bang wala ng katapusan.

Di'ko maintindihan ang dalawang 'to, kadalasan nag-aaway tapos maya-maya niyan makikita mo na lang na naghahalikan na parang sila lang ang tao sa mundo, tsk,tsk,tsk. Nakakahya naman sa kanila.

Embis na uminom ako ay hindi ko na lang tinuloy baka makaabala pa ako sa pagro-romansa nila sa isa't isa. Pumasok na lang ako sa aking silid at humiga sa matigas na papag, bahagya akong napahawak sa aking tiyan at napangiti.

Kahit nasa loob pa siya ng tiyan ko mahal ko na siya at mas mamahalin ko pa siya kapag naipanganak ko na siya at sana bago pa nila mahalata ang unti-unting pag umbok ng tiyan ko ay masabi ko na sa kanila lalo na kay Czech at sana rin tanggapin niya ng buong-buo ang magiging anak namin.

Tumagilid ako ng higa at pinikit ang mata ko. Sana sa pagbalik namin hindi mag bago ang trato sa akin ni Czech ayaw ko ng bumalik na naman kami sa dati, ayaw kong pinagbubuhatan niya ako ng kamay.

Narinig kong bumukas ang pintuan at alam ko na kung sino ang pumasok, amoy palang niya alam kong si Czech na'to. Ang bango-bango niya kasi kahit di'pa nakaligo, palibhasa anak mayaman.

"Baby..." Tumibok na naman ng mabilis ang puso ko ng marinig ko ang namamaos nitong boses. Niyakap niya ako mula sa likuran at hinila palapit sa kaniya, napaka higpit ng yakap niya na para bang ayaw akong mawala.

"A-anong pinag-usapan niyo ni, Tatay?" Hanggang ngayon naninibago parin ako at hindi parin sanay sa presensya niya, dati hinahangad ko na sana balang araw mapansin niya ako at ito na ngayon.

"Saamin na'yun ni, Tatay." Bigla akong napaharap sa kaniya, ano daw, Tatay? Bakit niya naman tinawag na Tatay ang Tatay ko?

"T-tatay? Bakit tinawag mo siyang, Tatay?" Sa biglaan kong pagharap ay muntikan ng magdikit ang labi namin dahil ang lapit-lapit lang ng mukha niya sa akin.

"Because he's my baby's, Tatay."

"Huh?" Bahagya siyang natawa at inipit sa taenga ko ang buhok na tumatabing sa mukha ko.

"Nothing." Nanlaki ang mata ko ng nakawan niya ako ng mabilis na halik sa labi.

"You're so cute, baby." Agad akong napasimangot at pinalo ang braso niya, shutangina mga mari ang tigas!

"Bakit kaba nanghahalik." Tumulis ang nguso ko na mas lalong ikinatawa niya.

Pakiramdam ko tumigil ang mundo ko habang nakatitig ako sa mukha niya na matamis na nakangiti sa akin kahit ilang beses ko siyang nakitang tumawa o ngumiti ay kusang napapatulala ako dahil mas lalo siyang gumo-gwapo.

"Staring is rude." Biglang nawala ang ngiti niya na ikinasimangot ko.

"Ang guwapo mo pala pag nakangiti." Agad akong napatakip sa mukha ko ng mapagtanto ko ang sinabi ko. Nakakahiya!

"Matagal na." May pagka hangin din pala ang tuliling na'to. "Do you want to come with me?" Ayan na naman siya.

"Tagalog place." Ano na namang nakakatawa sa sinabi ko.

Serving The Señorito [Obsessed Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon