CHAPTER 18

9.3K 287 9
                                    

Ynna's POV:

Nakatanaw lamang ako sa labas dahil naka bukas naman ang bintana ng sasakiyan hindi ko na rin marinig ang putok ng baril dahil naka layo na kami hindi ko alam kung saan kami patutungo nitong kasama ko.

Kanina pa siya tahimik at tila ba nag iisip ng malalim gusto ko sanang mag tanong sa kaniya kung bakit bigla na lang may nagpaulan ng bala kaso lang baka itapon pa niya ako sa labas.

Isa-isa na lang ang nadadaanan naming bahay at puro na lang matatayog na punong kahoy na ang aming dinadaanan.

Bigla akong kinabahan dahil hindi ako pamiliar sa lugar na'to. Hindi naman talaga pamiliar sa akin dahil ngayon ko lang ito nakita at nadaanan!

"A-ahm... saan po tayo p-pupunta ser?" Lakas loob kong tanong sa kasama ko at binalingan ng tingin.

"Nandito na pala tayo." Huminto ang sasakiyan at tumingin naman ako kung saan siya nakatingin literal na nanlaki ang mata ko dahil ang daming aswang!

Di joke lang haha, bumungad sa paningin ko ang tila sinaunang panahon pa itong bahay katakot naman wala na ring bahay dito kun'di ito lang.

"Baba na d'yan." Bumalik ang diyosa kong kaluluwa ng magsalita iyong kasama ko, nakababa na pala siya at naka dungaw sa akin.

Kinuha ko naman 'yong maliit kong bag at tumayo ngunit ganoon na lamang ang pagka bagsak ko mula sa pagkakaupo habang sapo-sapo ko ang aking bunbunan dahil sa pagka untog.

Ang tanga ko naman kasi kitang nasa loob pa ako ng sasakiyan tapos bigla akong tumayo ede nauntog ako sa bubong ng sasakiyan putangs! May naka kabit pang garter saakin, garter ba'to?

"Fuck! Hahaha. Tama nga si Czech your so stupid--pfft!" Binalingan ko siya ng masamang tingin dahil pag tawanan ba naman ako may pahawak-hawak pa sa tiyan.

"Tanggalin mo kasi 'yang seatbelt mo." Malay ko ba kung seatbelt pala ang tawag dito kala ko garter?

Hinawakan ko sa may bandang braso ko ang sinasabi niyang seatbelt at hinila iyon para matanggal ngunit napangiwi lang ako.

Paano ba naman kasi tanggalin ito hinila ko sa taas at sa baba ngunit hindi parin matanggal.

"Psst... Pst!" Aba't! Bingi pala ito di man lang tumingin saakin kitang tinatawag ko eh.

"Psssttt! Hoy!" Napatalon siya sa gulat at sa wakas tumingin na rin sa akin.

"Ano na naman ba?" Busangot na ang muka niya.

"May gunting kaba?" Napa kunot ang noo niya at nagtataka.

"Saan mo gagamitin?"

"Dito sa putang inang seatbelt ng sasakiyan mo ang hirap tanggalin!"

Kinalikot ko ang sasakiyan niya at ganun na lamang ang tuwa ko ng may nakita akong gunting lagot ka ngayon wahahahaha tawang demonyo 'yan ah.

"H-hoy! Anong gagawinn mo?!" Saglit ko siyang tiningnan at nanlalaki ang mata niya at tarantang pumunta sa may tabi ko at binuksan ang pintuan ng kaniyang sasakiyan.

Ngunit huli na ang lahat dahil na-gunting ko na ang sagabal na seatbelt.

"Why did you do that to my car?!!" Napatakip ako sa magkabila kong tenga ng sigawan niya ako.

"Huwag mo nga akong sigawan! Tabi d'yan."

Sigaw ko rin pabalik sa kaniya at tinulak ko, ewan ko ba hindi ako makaramdam ng takot sa kaniya pero pagdating kay señorito mata palang nanginginig na ako.

Serving The Señorito [Obsessed Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon