CHAPTER 26

9.8K 245 6
                                    

Ynna's POV:

Parang gumuho ang mundo ko habang nakatingin kay senyorito na unti-unting bumagsak sa semento ng kalsada. Pakiramdam ko napako ako sa kinauupoan ko at hindi makagalaw.

Kamakailan lang magkasama kami. Kahit naman hindi maganda ang pakikitungo niya sa akin ay hindi man lang mabawasan itong nararamdaman ko sa kaniya.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko, tatayo ba ako at lalapit sa kaniya? O, titingnan ko na lang siya habang nanghihina? Ang dami-daming tanong sa utak ko na hindi ko masagot.

Sana hindi pa huli ang lahat, dahil gusto ko pa siyang makasama. Gusto kong malaman niya itong nararamdaman ko sa kaniya kahit hindi niya masuklian ang mahalaga masabi ko sa kaniya kahit sa huling sandali.

"B-baby..." Nakatingin lang ako sa kaniya habang umo-ubo ng dugo. "C-come... h-ere." Hinang-hina niyang sabi at tinaas niya ang kaniyang kamay upang ayain ako.

Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko at tumayo ako kahit na nanginginig pa ang magkabila kong tuhod, ang lakas-lakas rin ng kabog ng dibdib ko.

Kung hindi dahil sa katigasan ng ulo ko hindi mangyayari ito, kung sana sumunod ako sa mga payo ni nanay at tatay wala ako sa sitwasyong ito.

Nang makalapit ako sa kaniya ay agad akong napaupo at hinawakan ang kaniyang ulo upang ipatong sa aking hita.

Napahawak ako sa bandang likuran niya at may nakapa ako doon na parang basa, kahit nanginginig ang kamay ko ay tiningnan ko parin iyon ngunit ganun na lamang ang pag sunod-sunod tumulo ang luha ko ng makitang punong-puno ng dugo ang palad ko.

Nang mapatingin ako sa mukha niya ay namumutla na ito kahit na nanghihina ay tila nilalabanan parin nito na huwag mapapikit.

Dahan-dahan niyang itinaas ang kaniyang nanginginig na kamay at hinaplos ang pisngi ko, napapikit naman ako at dinama ang kaniyang haplos.

Bahagya kong tinaas ang aking kamay at hinawakan ng mahigpit ang kamay nitong nasa aking pisngi.

Nang imulat ko ang aking mga mata ay ganoon na lamang ang aking pagka gulat dahil para bang natutunaw sa paningin ko si senyorito, parang unti-unti siyang naglalaho na parang abo.

"H-hindi... hindi--Czech..." Taranta akong napayakap sa kaniya at pinipigilan ang pag laho nito.

"Ynna... I love you..." Hinang-hina niyang sabi at ngumiti sa akin.

"H-hindi... hindi huwag m-mo'kong iwan. Czech! Czech!" Pakiramdam ko guguho na ang mundo ko, hindi ko pa nasasabi sa kaniya ang gusto kong sabihin.

"Y-Ynna..." Hindi niya ako puwedeng iwan. Sabi niya mahal niya ako dapat panindigan niya 'yon. Kasi diba sabi nila pag mahal mo huwag mong iwan? Pero bakit naman ang dali lang sa kaniya ang iwan ako?

"Ynna!" Umiling-iling ako at tila nahihibang habang luhaan ang magkabilang pisngi.

"Czech! Huwag mo akong iwan!"

"Ynnnnaaaaaa!" Ganun na lamang ang pag baligkwas ko mula sa pagkakahiga at umubo ng umubo dahil sa dami ng tubig na pumasok sa ilong ko.

"Sino ba 'yang jek na'yan at kanina mo pa binabanggit habang tulog ka?!"

Napangiwi ako sa lakas ng buliyaw ni nanay habang nakapamaywang ito sa harap ko at may dalang maliit na planggana na sa palagay ko'y iyon ang nilagyan niya ng tubig na sinaboy niya sa akin.

Serving The Señorito [Obsessed Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon