❣️Power 51 ❣️

5K 294 2
                                    

Dave's POV

Patuloy Lang ako sa pagtugis ng mga Darkonang aking nakikita, walang bahid awa ko silang pinagbubura sa mundong ito gamit ang kapangyarihan ko.

Tinutulungan ko rin yung ibang estudyanteng hirap na talunin ang mga Darkona.

Patuloy lang ako sa pakikipaglaban sa mga pashniyang ito ng bigla nalang akong tumalsik papunta sa sementadong building.

Shyt ! Ang sakit ng katawan ko. Parang nagkabali-bali yata yung buto ko sa lakas ng pag talsik ko.

Unti-unti akong tumayo kahit masakit yung katawan ko , rinig ko pa nga yung pagtunog ng mga buto ko.

Nang balingan ko ng tingin kung sino ang may gawa nito ay para akong natuod sa aking kinatatayuan.

Nakatayo ang dalawang tao sa harap habang walang makikitang bakas ng emosyon sa mga mata nito. Para silang natutulog ng nakabukas ang mga mata.

Kita kong itinapat ng aking Amang Hari ang kanyang kanang kamay sa dereksyon ko kaya hinanda ko ang aking sarili.

Alam kong napasailalim lang sila sa itim na kapangyarihan ng bruhang si Shanely kaya kung maaari ay hindi ko sila sasaktan.

Naramdaman ko ang malakas na pwersang papalapit sa akin kaya ipinagharap ko ang aking dalawang kamay at bumuo ng isa ring malakas na pwersa tsaka ipinangtapat sa paparating na pwersa sa aking dereksyon.

Nakaroon ng malaking pagsabog sa harap ko matapos kong gawin iyon.

Nang mawala na ang mga alikabok na sanhi ng malakas na pagsabog na iyon ay kita ko ang bilog na liwanag na papunta sa akin kaya mabilis akong umiwas dito.

Nasundan pa iyon ng maraming bolang liwanag  papunta sa akin kaya patuloy rin ako sa pag iwas.

Ang aking Inang Reyna ang siyang may gawa nito kaya hindi na ako nag aksaya pa ng oras.

Nagteleport ako sa harap nilang dalawa tsaka ko itinapat ang aking dalawang kamay sa kanilang dalawa.

Nahinto sila sa sanay gagawin nilang atake sa aking matapos kong pahintuin sa paggalaw ang kanilang mga katawan.

Hindi na ako nagsayang pa ng oras at mabilis kong kinuha ang maliit na buti sa aking bulsa at pinainom sa kanila ang laman nito.

Unti-unting nagkabuhay ang mga mata nila matapos kong ipainom sa kanila ang luha ng Holvia na bigay sa akin ng mga Hegan ng ako'y pumunta sa Edenzonia

Bigla nalang silang bumagsak at namawalan ng malay.

Pinalutang ko ang kanilang mga katawan tsaka ako nagteleport papunta sa clinic nitong academy.

Mabilis naman silang inasikaso ng mga manggagamot dito pagkakita nilang ang hari at reyna ang aking dinala rito.

Hindi na ako nag aksaya pa ng oras at bumalik na ako sa labas.

Wala na akong mga Darkonang nadatnan pagkalabas ko. Mga professor nalang at yung mga estudyanteng naglakas loob na makipaglaban nalang ang nandito. Yung iba sa kanila ay may mga sugat at yung iba naman ay okay lang.

Napatingin kami sa kalangitan nang unti-unti itong dumilim kahit hindi pa gabi. Nag-aagaw ang liwanag at dilim.  Dahan-dahan ring lumitaw ang buwan ngunit ito'y nahaluan nang dugong kulay.

Kita ko ang pangamba at takot ng mga estudyante pati narin ang mga professor.

Biglang lumitaw sa aming harap ang mga elementalist na parang hindi man lang napuruhan. Kita ko pa ang pag-aalala sa mukha ni Dolfer ngunit ng makita niya akong ayos lang ay bigla itong nawala.

Maya-maya pa ay bigla nalang kumulog ng malakas sa kalangitan at lumabas doon ang mukha ng walang kasing sama na Reyna ng mga Darkona.

" Hello mga minamahal kong mga Lakona! Excited na ba kayong mamatay? Hahaahahaha!  Gusto ko lang sabihin sa inyo na sa dulo  Lightonia at Darkonia magaganap ang gagawin nating digmaan kaya naman ihanda niyo na ang inyong mga sarili dahil di magtatagal at maglalaho narin kayo sa mundong ito. Hahhahahahahaha! Huwag niyo akong paghintayin ng matagal at baka kami na susugod at jan mismo sa paaralan niyo dadanak ang inyong mga dugo. Yun lang naman mga Lakona ang gusto kong sabihin. Bye hahahahaha!" Tapos niyang sabihin yun ay nawala na ang kanyang mukha sa kalangitan.

Kita ko ang takot na namutawi sa mukha ng mga estudyante.

Pumunta ako sa gitnang bahagi nila tsaka ako lumipad pataas, tama lang para makita at marinig nila akong lahat.

" Ngayon na magaganap ang tunay na digmaan. Sigurado akong may mamamatay at mamamatay parin sa oras na lumaban tayo o hindi. Gusto ko lang sabihin na kung sino man sa inyo ang may lakas na labanan ang ating mga kaaway at ipaglaban ang ating kaharian ay malaya kayong sumama sa digmaang magaganap ngayon ,at kung sino man yung natatakot o naduduwag na lumaban ay hindi ko kayo pipilitin na sumama. Ang labang ito ay para sa ating lahat. Sinisiguro ko sa inyo na gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang manalo sa digmaang ito. Hindi ako papayag na magwagi ang kasamaan dito sa buong Lightonia! Lalaban tayo!" Pagkatapos kong sabihin ang mga iyon ay nagsigawan rin sila nang 'lalaban tayo!' na para bang walang kinakatakutan. Makikita mo sa kanilang mga mukha ang katapangan at determinasyon na manalo.

"Kung ganon ay tayo na at sugpuin ang kasamaan sa buong Lightonia!" Sigaw ko sa kanila tsaka ako gumawa ng malaking portal patungo sa gagapan ng digmaan.

Pagdating namin doon sa napag usapang lugar ay sumalobong sa amin ang libo-libong mga Darkona sa aming unahan habang sa dulong itaas nito ay may nakalutang na maharlikang upuan at nakaupo dito ang bruhang si Shanely habang may iniinom sa isang baso at sa likod nito ay may anim na mga Darkona na sa tingin ko ay isa sa mga malalakas niyang kawal.

Tumayo ang bruhang si Shanely sa harap tsaka tumawa ng pagkalakas-lakas.

" Yan lang ba ang bilang ninyo?! Hahahha eh hindi pa yan nakakalahati sa bilang ng mga nasasakupan ko, baka minuto lang ang abutin niyo at patay na kayong lahat." Tumatawang sambit nito .

" Huwag ka munang pakasiguro Shanely. Masyado ka naman yatang kampanti." Nakangising sagot ko dito.

Maya-maya lang ay nagkaroon ng limang portal sa likod namin at lumabas doon ang iba't-ibang hari at reyna ng iba't-ibang kaharian kasama ang mga kawal nila.

Kita ko pang medyo nagulat si Shanely sa nakita Niya. Akala niya siguro ay napatay na ng mga pinadala niyang mga Darkona ang mga hari at reyna.

____________________________________
Yieeeeee. Patapos na po siya.

Don't forget to Vote po❣️

Dangerous Gay ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon