❣️Power 1❣️

15K 584 13
                                    

Dave Pov

"Diane gumising kana! Kaimbyerna tong babaeng to!" Inis kong paggising sa unggoy kung kapatid.

"Ano ba Dave! Ang aga aga pa eh tapos nanggigising kang bakla ka! Sayang yung maladyosa kung panaginip!"inis ding sabi ng babaeng ito sabay nagtalokbong uli ng kumot.

"Hoy babae! Nakalimutan mo bang ngayon ang unang pasok natin sa University na ating papasukan! Gusto mo bang mawalan tayo ng scholarship! Male- late na tayo oh!" Inis kong balik uli sa kanya pero ang ate niyo waley! Kaloka tung babaeng to ang hirap gisingin.

Napangisi ako ng may biglang kalokohan ang pumasok sa isip ko.

Ayaw mong gumising ha? Sige tingnan natin kung hindi pa magigising nang tuluyan yang kaluluwa mo sa gagawin ko.hahaha.

Kinumpas ko ang kamay ko tsaka pinataas ang tubig sa may planggana na nasa gilid ng kama namin.

Itinapat ko ito sa kanya tsaka unti-unti kong inalis ang kumot na nakatalukbong sa kanyang buong katawan.

Nang maalis ko na ito ay pinalamig ko ang tubig na kasing lamig ng yelo.

Nagbilang muna ako ng isa hanggang lima bago ko pinakawalan ang napakalamig na tubig at ayon sapol sa mukha niya.

"Omygoshhhhh!!!!!! Pak u kang bakla!!! Ahhh humanda ka sa akin!" Inis na kuda nito sa akin.

Tawa lang ako ng tawa hanggang sa may naramdaman akong bagay na tatama sa mukha kaya kinumpas ko ang kamay ko at napatigil ang suklay  sa ere na sana ay tutuloy sa mukha ko.

" Kala mo ha! Malakas tong instinct ng maganda mong kapatid!" Nakangisi kong sabi sa kanya.

"Tsk ! Heler? Anong maganda?!!  Pinagtiisan ko nga lang tingnan ka kahit ang sakit mo na sa mata!" Pang- aasar nito sa akin.

Kaembyerna tung babaeng to.

Ibabato ko sana ang suklay sa kanyang kinaruruonan pero ang bakla! Biglang nawala !

Tsk! Pasalamat siya kaya niyang magteleport .tsk!

Maya-maya lang ay rinig ko na ang lagaslas ng tubig na nanggaling sa loob ng banyo.

Napailing-iling nalang akong lumabas ng kwarto niya tsaka tumuloy sa kwarto ko upang magbihis na ng uniform ko.

Kanina pa ako nakaligo matapos kong magluto ng agahan namin.

Nang matapos akong magbihis ay lumabas na ako ng kwarto at tinungo ang hapagkainan para makapaghanda na ng agahan namin.

Hindi pa pala ako nakakapagkilala mga teh no?! Sige magpapakilala ang magandang dyosang bida sa kwentong ito. I'm Dave Ramos and I'm 18 years old. Maganda, maputi at makinis ang aking malaporselanang skin at syempre mabait rin ako sa taong mabait sa akin.

Nais ko ring ipakilala sa inyo ang isa pang dyosa ng kadanhan. Wag kayo ha! Pangalawa lang yun sa akin heler? Mas maganda ako don ng ilang paligo. Oh sya! Tama ng kaitchingan! Siya nga pala si Diane Ramos 18 years old.

Kung nagtataka kayo kung bakit pareha kami ng edad ay dahil sa inampon lang ako ng totoo niyang mga magulang.

Alam din naming hindi kami normal na tao ngunit hindi rin naman abnormal. Kunti lang charot!.

Well may mga kangpayarihan kasi kami at kami lang ang nakakaalam nito.

Walang nakakaalam na iba tungkol sa totoong pagkatao namin.

Sabi kasi nina mama at papa nung buhay pa sila ay dapat hindi namin pinapakita ang kapangyarihan namin sa mga tao baka daw pagkaguluhan kami o baka pag ekspermentohan.

Bumaba na ang embyerna kong kapatid kaya nagsimula na kaming kumain.

Matapos naming mag agahan ay naghanda na kami para pumasok sa University na aming papasukan.

Hey Losford University, wait for us dahil darating na ang dalawang dyosang magpapatibok sa puso ng buong kalalakihan. Char!

____________________________________
Ayan na po yung chapter 1 guys . Sana po magustuhan niyo.

Don't forget to vote and Comment 🙏.

Dangerous Gay ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon