Prolugue

26.1K 662 11
                                    

"Mga anak umalis na kayo! Kami na ng ama niyo ang haharap sa kanila! Iligtas niyo ang mga sarili ninyo!" Sigaw sa amin ni Mama.

Patuloy lang kami sa pag-iyak ng kapatid ko habang lumuluhang pinagmamasdan ang aming mga magulang na nakikipaglaban sa mga katulad naming may mga kapangyarihan.

Gusto kong tulungan ang aking mga magulang ngunit hindi ko pa masyadong alam kong paano gamitin ng maayos ang kapangyarihan ko.

"Mga anak tumakas na kayo! Hayaan niyo na kami! Iligtas niyo ang mga sarili niyo!" Sigaw naman sa amin ni papa habang patuloy na nakikipaglaban.

Nakita kong may nabuong maitim na parang bola sa kamay ng kalaban ni papa.

Hindi ko alam kong anong uri ng nilalang ang kalaban ngayon nina mama at papa.

Naiiba rin ang kasuotan nito kumpara sa amin.

Unti-unting lumaki ang bolang itim sa kamay ng kalaban pagkatapos ay walang pag-aalinlangan niya itong hinagis papunta sa dereksyon ni papa.

Nakita kong biglang may kulay dilaw na liwanag na nanggaling sa dalawang kamay ni papa at sinangga ang ataking ibinato sa kanya ng kalaban.

"Mga anak makinig kayo sa papa ninyo! Tumakas na kayo ! Sige na!" Sigaw niya ulit habang pilit na iniwasan ang mga ataking ibinabato sa kanya ng kalaban.

Wala na akong nagawa ng hilahin na ako ng aking kapatid paalis ng bahay namin.

Takbo lang kami ng takbo sa loob ng mga kakahuyan.

Nang makaramdam ako ng pagod ay tumigil ako sa pagtakbo ganon din ang aking kapatid.

"Dave wala na tayong oras ! Kailangan nating makaalis bago pa tayo abutan ng mga kalaban!" Hinihingal na sambit sa akin ni Diane.

"Diane kailangan nating balikan sina mama at papa! Kailangan natin silang tulungan!" Sambit ko rin pabalik sa kanya habang pilit hinahabol ang aking paghinga dahil sa hingal at pagod.

"Tanga ka ba! Anong maitutulong natin sa kanila?! Oo may mga kapangyarihan tayo pero hindi pa natin masyadong alam kung paano gamitin ito!" Singhal niya sa akin.

Muli na naman tumulo ang aking luha ng maalala sina papa at mama.

"Bahala ka! Kailangan kung tulungan sina mama at papa!" Lumuluhang sambit ko sa kanya tsaka tumakbo pabalik sa kung sa saan naroon sina mama at papa.

"Dave!!" Rinig ko pang sigaw ni Diane ngunit wala narin siyang nagawa kundi ang sumunod nalang.

Halos manlumo ako sa kinatatayuan ko ng makita ang hitsura ng aming tahanan.

Pumasok ako sa loob habang nakasunod lang sa akin si Diane.

Tahimik na sa loob ng bahay namin.

Wala na akong naririnig pa na anomang ingay.

Napako ako sa kinatatayuan ko at nanginginig ang tuhod na nakatingin sa may gilid.

Nag unahan narin tumulo ang aking mga luha sa nakita ko.

Tumakbo ako papunta sa dereksyon kung saan nakahandusay ang mga magulang ko.

Narinig Kung napahagulgol na si Diane sa nakitang kalagayan ng aming mga magulang.

Niyakap ako ni Diane kaya niyakap ko rin siya pabalik at parehas na kaming napahagulgol ng iyak.

Halos maligo sa sariling dugo sina mama at papa. Marami rin silang natamong mga sugat.

Kumalas ako sa yakapan namin ni Diane at muling binalingan ang wala ng buhay na katawan ng aming magulang.

Napapikit ako ng mariin at napakuyom ng kamao.

"Hindi ko mapapatawad ang may gawa sa inyo nito mama at papa. Sisiguraduhin kong ipaghihigante ko kayo at hahanapin ang mga demonyong may gawa sa inyo nito." Madiin kong sabi habang mahihimigan ang labis na galit sa aking boses habang sinasabi ang mga katagang yun.

"Hahanapin ko sila kahit saan pa man silang lupalop ng mundo."







"Kahit pa sa impyerno."

____________________________________
Oh ayan na ang Prolugue guys!☺️💕

Hope you support me at sana magustuhan niyo ang fantasy story kung ito.😘😍💕.

*Dangerous Gay
------------------------------

Dangerous Gay ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon