❣️Power 20 ❣️

6.8K 401 8
                                    

Dave's Pov

"Wow!" Bigla kong naibulaslas ng marating namin ang kaharian ng Limptonia.

Graveh! Ang ganda naman ng kahariang ito. May mga fairy na lumilipad , may mga ibon na iba't-iba ang kulay, may mga iba pang magagandang hayop na ngayon ko lang nakita sa tanang buhay ko.

Maya-maya pa ay bigla kaming sinalubong ng isang babae. May mga kasama itong mga kawal.

"Maligayang pagdating dito sa Limptonia mga prinsipe at prinsesa. Ikinagagalak ko ang ginawa niyong pagbisita dito sa aming kaharian. Ako po si Abing ang inutusan ni Pinunong Molver na sumalubong sa inyo. Sundan niyo lang po ako." Sabi nung babaeng nagpakilala bilang Abing.

Habang sinusundan namin siya ay hindi ko parin maiwasang mamangha sa bawat paligid na aming nadadaanan.

May nakita akong isang fairy na parang nanghihina ito. Naawa ako sa itsura nito dahil parang pinipilit parin nitong gumawa ng potion kahit hinang-hina na ito.

Tumakbo ako at nilapitan ang kinaroroonan nito.

"Hi! Ako nga pala si Dave, nakikita kong parang nanghihina ka. Okay ka lang ba?" Nag-aalala kong tanong dito.

"Ako po si Lofa , at opo . Ramdam ko parin ang panghihina ng katawan ko dahil sa pagsugod ng mga Darkona dito noong isang araw." Ang cute ng boses niya habang nagsasalita siya.

"Halika . Lumapit ka sa akin." Sabi ko sa kanya.

Kahit na nagtataka siya ay lumapit parin siya sa akin.

Ang cute niya talaga. Maliit lang siya parang kasing laki lang niya ang tatlo kong daliri sa kamay.

Nang makalapit siya ay hinawakan ko ang maliit niyang mga kamay. Kita kong nagtataka parin siya basi sa hitsura ng mukha nito ngunit hindi naman niya ako pinigilang hawakan ang mga kamay niya.

Ipinikit ko ang aking mga mata tsaka pinakiramdaman ang enerhiyang dumaloy sa aking katawan patungo sa aking mga kamay.

Ramdam kong uminit ang aking mga palad ngunit hindi naman masyadong mainit. Yung tamang-tama lang.

Ilang sandali pa ay iminulat ko na ang mga mata ko at kita ko ang saya sa mukha ng cute na si Lofa dahil sa biglang pagbalik ng lakas nito.

Nginitian ko lang siya.

Bigla niya akong nilapitan at yumakap siya sa leeg ko. Medyo nakiliti pa ako sa ginawa niyang pagyakap sa akin.

"Maraming salamat po kuya Dave. Hindi ko akalaing kaya mong gumamot ng isang fairy. Wala pang nakakagamot sa sino mang fairy kahit ang mga potion pa na gawa namin." Maluha-luhang sambit nito dahil siguro sa saya na naramdaman niya.

"walang anuman Lofa. Pero bakit walang sino man ang makakagamot sa inyong mga fairy ? Diba ang kaharian ng Limptonia ang pinakamagaling sa larangan ng panggagamot?" Tanong ko dito.

"Kahit na ang kaharian namin ang pinakamagaling na manggagamot sa buong Limptonia ay hindi parin namin kayang gumamot ng mga fairy. Kaya tuwing may mangyayaring digmaan o labanan ay agad kaming pinapatago ng mga Limpton dahil ayaw nila kaming masugatan o manghina dahil nga sa walang ano mang nakakagamot sa amin. Kaya nakakapagtaka ngang kaya mong gumamot ng fairy eh." Mahabang salaysay nito.

So kung ganon ay ako palang ang kauna-unahang nakagamot ng fairy? Wow! I'm so proud to myself. Char.

"Hehehe, sige na Lofa. Mauna na ako at baka kanina pa ako hinahanap ng mga kasama ko." Paalam ko dito.

"Sige po kuya Dave. Maraming salamat po uli." Cute na sabi nito.

Bumalik na ako sa lugar kong saan ko sila iniwan kanina.

"Saan ka naman nagsususuot?!! kanina pa kami hanap ng hanap sayo dahil bigla ka nalang nawala na parang bula!" Singhal sa akin ni Dolfer ng makita niya ako.

Napayuko naman ako dahil sa hiyang naramdaman ko. Nakatingin lang sa amin ang mga kamasa namin pati si Abing.

"Pinuntahan ko lang naman yung fairy dahil nakita kong nanghihina ito. Naawa ako dito kaya ginamot ko siya." Mahinang sagot ko dito.

"Ano?!!!! Kaya mong gumamot ng isang fairy?!!" Gulat na sambit nilang lahat ng marinig ang sinabi ko.

Tumango lang ako sa kanila bilang sagot.

"I-Imposible ! Wala pang kahit na sino ang kayang gumamot ng isang fairy." Di makapaniwalang sabi ni Ashira.

"Oo nga. Kahit kami na siyang pinakamagaling na manggagamot sa buong Lightonia ay hindi kayang gumamot ng fairy." Hindi rin makapaniwalang saad ni Abing.

"Kakaiba ka talaga Dave." Yan nalang ang nasabi nila.

__________________________________
Don't forget to vote and Comment 🙏

Dangerous Gay ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon