❣️ Power 36❣️

6.4K 366 21
                                    

Dolfer's Pov

Hindi ko alam pero nalulungkot ako sa mga nagdaang araw. Parang nangungulila ako sa kanya sa tuwing di ko siya makikita. Parang kulang ang araw ko sa tuwing hindi ko masulyapan ang kanyang mukha. Parang hinahanap ng sistima ko ang presensya.

Lagi ko siyang napapanaginipan tuwing gabi at sa bawat gabi na iyon ay hinihiling ko na sana hindi nalang ako magising.

Aaminin kong mahal ko na si Dave pero huli na. Hindi ko man lang naamin sa kanya na mahal ko siya. Gusto kong saktan ang sarili ko dahil sa mga kagaguhang nagawa ko sa kanya.    Ngayon ko lang narealize na mahal ko ngayong huli na. Ngayong wala na siya.


Isang buwan na ang nakalipas simula nung may nakapasok dito na mga Darkona sa academy. Hindi namin alam kung paano sila nakapasok sa loob ng academy ngayong may harang naman ang academy. Tila pala isipan parin kung paano sila nakapasok. 


Nuong sumugod nakipaglaban kami sa mga Darkona ay bigla nalang kaming nakarinig ng pagsabog at sumulpot ang isa sa pinakamalakas na alagad ni Reyna Shanely. Ang mga Varmiya. Pero ang mas kinabigla namin ay ang bigla ring pagsulpot ni Dave sa harap ng mga Varmiya.  Sinubukan namin siyang puntahan upang tulungan ngunit sa oras na iyon ay bigla nalang kaming napahinto. Hindi namin maigalaw ang ano mangparte ng aming katawan. Tila parang may pumigil sa amin kaya wala na kaming nagawa kong hindi ang panoorin si Dave sa harap ng mga Varmiya.

Sobra akong nag-aalala sa kanya sa mga oras na iyon. Pilit kong iginalaw ang katawan ko non upang iligtas siya ngunit hindi ko talaga magawa.  Mas lalo pa akong nag -alala sa kanya nung bigla siyang inatake ng isa sa mga Varmiya dahilan upang tumilapon siya.

Ngunit ang sumunod na nangyari ay siyang nagpagulat sa aming lahat. Nakita nalang namin na hawak na ni Dave ang tatlong ulo ng mga Varmiya habang ang mga katawan nito ay nakatayo lang habang wala ng ulo.

Hindi namin lubos akalain na ganon lang niya napatay ang isa sa mga pinakamalakas na alagad ni Reyna Shanely. Sobrang bilis na niya talagang hindi nasubaybayan ng mga mata namin kong paano niya nakuha ang mga ulo nito sa isang iglap lang. Tumingin siya sa amin non ngunit ang nakita namin sa kanyang mukha ay walang mababanaag na kahit anong emosyon. Medyo nasaktan ako sa pinakita niyang yun sa amin. Alam kong galit parik siya sa amin. Lalung-lalo na sa akin.

Bigla nalang siyang nawala sa aming paningin kasabay din non ay naigalaw na namin ang aming katawan.

Sinubukan kong puntahan si Dave sa kanilang Dorm ngunit sumalubong sa akin si Jelly habang umiiyak kaya nag-alala ako sa kanya. Sinabi niya sa aking namatay daw ang kanyang ama dahil pinaslang ng isa sa mga Darkona kaya inalo ko siya upang tumahan.

Nang mga araw na iyon ay hindi ko natuloy ang pagpunta kang Dave dahil na kay Jelly lang ang atensyon ko. Buong araw ko siyang inalo hanggang sa tumigil ito sa pag-iyak.




Makalipas ang tatlong araw simula ng mangyari yung labanan namin sa mga Darkona ay nabalitaan nalang namin na nawawala si Dave.

Nang malaman ko ang balitang iyon ay hindi ko alam kung anong gagawin ko. Parang bigla akong nilukuban ng takot dahil sa mga negatibong pumapasok sa utak ko. Sinubukan ko siyang hanapin sa buong Lightonia ngunit ni anino niya ay hindi ko makita.


Parang bigla akong nawalan ng lakas ng hindi ko siya mahanap.


Umabot ang isang linggo ngunit hindi parin siya nahanap hanggang sa ang isang linggo ay umabot ng isang buwan ngunit hindi parin namin siya nahanap.

" Dolfer hayaan mo ang baklang yun! Nandito naman ako! Bakit mo pa hinahanap yun eh baka patay yun!" Biglang sambit ni Jelly . Biglang nagpantig sa tinga ko yung sinabi niya.

Nilapitan ko siya tsaka sinakal.

" Hindi pa siya patay! At wag na wag mo siyang insultuhin sa harapan ko baka makalimutan kong babae ka." Madiing sambit ko dito.

Binawi ko ang kamay ko dahil naramdaman kong kinapos na siya sa paghinga.

Mabilis akong lumabas sa kwartong iyon tsaka tinungo ang dorm ni Dave.

Palagi akong pumupunta sa dorm niya. Nagbabakasakaling bumalik na siya.

Nang makarating ako dito ay kinatok ko ito at agad naman bumukas  ang pinto nito.

" Gary nandyan na ba si Dave?" Malungkot kong tanong sa dorm mate ni Dave ngunit tininglan ako nito ng walang emosyon.

" Wala siya dito." Walang ganang sambit nito tsaka ako pinagsarahan ng pintuan.

Napabuntong hininga nalang ako tsaka hindi na napigilan ang luhang tumulo sa aking mga mata.

Dave na nasaan ka ba? Miss na miss na kita.

Please Dave bumalik ka na.

Miss na kita.











Miss na kita mahal ko.

__________________________________
Don't forget to vote and Comment 🙏

Dangerous Gay ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon