❣️Power 19❣️

6.8K 407 6
                                    

Dave's Pov

"Dave."rinig tawag sa akin ng isang boses babae.

"Dave." Tawag naman na naman sa akin ngunit ito ay boses lalaki na.

Puti lang lahat ang aking nakikita sa aking paligid. Walang ibang kulay na nakahalo dito.

"Kailangan mo nang maghanda sa darating na digmaan. Ikaw lang ang makakatapos nito at makakapagbigay ng katiwasayan sa buong Lightonia." Sabi na naman ng ibang boses.

"Anong sinasabi niyo ?! Magpakita kayo sa akin!" Sigaw ko sa kanila.

Maya-maya pa ay biglang may lumitaw na tatlong nilalang sa harap ko.

Nagulat ako sa hitsura nila dahil wala silang mga mukha.

"Sino kayo?! Anong kailangan niyo sa akin?" Agad kong tanong sa kanila.

"Kami ang mga Diyos at Diyosa ng bawat elemento. Ako Emei Ang Diyosa ng Lupa." Pakilala sa akin nung babaeng walang mukha at kulay kayumanggi ang kulay ng bawat bahagi ng katawan niya.

"Ako naman si Cerela ang Diyosa ng Tubig." Pakilala nung babaeng kulay asul ang bawat parte ng katawan .

"Ako naman si Judy ang Diyos ng Hangin." Pakilala nung lalaking kulay berde ang bawat parte ng katawan.

"Ako naman si Etei ang Diyos ng Apoy." Pakilala naman nung lalaking puro pula ang kulay ng bawat parte ng katawan niya.

"Ako si Daryl ang Diyos ng Yelo." Pakilala nung lalaking kulay abo ang bawat parte ng katawan.

Shitness! So sila ang mga Diyos at Diyosa. Bakit sila nagpakita sa akin? Sa pagkakaalam ko ay tanging sa mga elementalist lang sila nagpapakita , yan ang sabi ng guro namin sa history.

"Hindi ko maintindihan. Ba't kayo nagpapakita sa akin? Diba dapat sa mga elementalist lang kayo nagpapakita?" Naguguluhan kong tanong sa kanila.

"Tama ka  Dave, sa mga elementalist lang nga kami nagpapakita ngunit nagpapakita kami sa iyo dahil espesyal ka." Sabi ni Diyosa Cerela.

"Alam kong nagugulahan ka sa ngayon Dave ngunit maiintihan mo rin ito pag alam mo na ang ang totoo . Kung sino at ano ka talaga." Sabi naman ni Diyos Judy.

"Anong totoo? Anong sino at ano ako? Hindi ko kayo maintindihan." Naguguhan Kong sabi sa kanila.

"Malalaman mo rin sa tamang panahon ang katotohan Dave ngunit hindi pa sa ngayon. Ang kailangan mong gawin sa ngayon ay maghanda sa malaking digmaan na magaganap." Sabi ni Diyos Etei.

" Bakit ako? Di ba dapat sa mga taga pangalaga ng elemento niyo iyan sabihin. " Sabi ko sa kanila.

"Hindi na namin kailangan pang sabihin sa kanila ito Dave. Sayo namin sinabi ito dahil hindi ka isang pangkaraniwang Lakona lang." Sambit naman ni Diyosa Emei.

" Ikaw ang pag-asa ng buong Lightonia Dave. Sayo nakasalalay ang mga kapalaran nila. Wag mo sana silang biguin." Sabi ni Diyosa Cerela.

"Kung ganon kailangan ko ring sabihin sa kanila na may magaganap na digmaan para makapaghanda rin sila." Sabi ko sa kanila.

"Huwag mong sabihin sa kanila ang digmaang magaganap Dave. Kaya sayo namin ito pinaalam dahil ikaw ang may hawak ng kapalaran ng bawat isa. " Sambit naman ni Diyos Etei.

"Kung ganon ay kailangan ko na talagang ihanda ang sarili ko." Seryosong sabi ko sa kanila.

" Wag kang mag-alala Dave. Kami mismo ang mag-eensayo sayo kung paano mo palabasin at gamitin ang iba mo pang kapangyarihan. Sasabihan ka namin kong kailan ka namin sasanayin." Sabi ni Diyos Daryl.

"Wag mo ring sasabihin sa kahit na sino ang ginawa naming pagpakita at pagkausap sa iyo." Paalala sa akin ni Diyosa Cerela kaya tumango ako bilang sagot.

" Gumising kana at kanina ka pa hinintay ng mga kasama mo. Kanina pa sila nag-aalala sayo." Pagkatapos sabihin ni Diyosa Emi iyon ay unti-unti na silang naglalaho.

Unti-unti kong minulat ang aking mga mata at mga mukhang nag-aalala sa akin ang aking nabungaran ng lubusan ko nang maimulat ang aking mga mata.

"Omygosh! Salamat at gising kana!" Masayang sabi nina Aquina at Ashira tsaka nila ako niyakap.

"Kanina pa kami naghihintay na magising ka. Sobrang nag-aalala kami sayo." Maluha-luhang sabi ni Ashira ng kumalas na sila sa yakapan namin.

"Ano ba kayo! Strong kaya to no! Atsaka ayaw ko namang mamatay na virgin  no! Gusto ko pang makatikim ng hotdog. Char." Pagbibiro ko sa kanila para mapalitan ang ekspresyon ng mga mukha nila.

Natawa naman sila sa sinabi ko.

"May hotdog ako dito Dave. Baka gusto mong tikman? Ipapatikim ko naman sayo eh." Pilyong sabi ni Carlo.

Binatukan naman siya ni Ashira dahil sa sinabi niya. Kita ko namang biglang tumalim ang titig ni Dolfer kay Carlo.

Problema ng lalaking to ?.

"Alam mo, kanina pa yan nag-aalala sayo. No'ng wala ka pa ngang malay ay halos hindi siya mapakali eh." Bulong sa akin ni Aquina.

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

Tinuro naman niya ang kinaroonan ni Dolfer.

Huh? Si Dolfer nag-aalala sa akin?

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Shitness ! May sakit na ba ako sa puso. Kailangan ko na bang magpa check? Char.

Pero hindi ko alam at nakaramdam ako ng kakaibang saya ng sinabi ni Aquina na kanina pa nag-aalala si Dolfer sa akin.

Shitness! Gusto ko na ba siya?

___________________________________
Don't forget to vote and Comment 🙏

Dangerous Gay ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon