❣️ Power 33❣️

6.2K 373 12
                                    

Dave's Pov

" Ano bayan! Ang boring naman!" Walang ganang sambit ni Diane habang patitingin-tingin  sa paligid.

Nandito kami ngayong dalawa sa likod ng building sa dorm namin. Inaya ko kasi siya dahil nais kong mag- ensayo at konrolin ang iba ko pang kapangyarihan.

Nagpakita na naman kasi yung mga diyos at dyosa na kailangan ko na munang mag ensayo pansamantala habang nandito pa daw ako sa Lightonia. Sinabi rin nila sa akin na may nagbabadyang  panganib.  Sinabihan nila akong hindi basta-basta magtiwala sa mga taong nakakasalamuha ko maliban kay Diane at sa mga elementalist. Alam niyo naman na sila lang ang nakakaalam na may iba pa akong tinatagong kakayahan. 

Sabado ngayon kaya wala kaming pasok. Inaya ko si Diane na samahan ako dito upang mag ensayo. Kanina pa nga siya nagrereklamo dahil kanina pa daw siya nabo-bored. Ayaw naman niyang mag-ensayo. Ayaw daw muna niyang mahaggard. Tsk. Kala mo naman maganda. Char.

Ibinalik ko ang aking atensyon sa pag eensayo. Ipinikit ko ang aking mga mata tsaka pinakiramdaman ang paligid. Unti-unting lumakas ang hangin tsaka bigla ring lumamig ang paligid.

Hindi ko parin iminulat ang aking mga mata at iniisip na may bolang apoy sa kamay ko.

Bigla nalang nawala ang lamig sa paligid pati na rin ang paghampas ng hangin sa paligid.

Unti-unti kong nararamdaman ang pagdaloy ng aking enerhiya patungo sa aking mga palad.

Maya-maya pa ay naramdaman kong uminit ito ngunit hindi yung init na nakakapaso.

Unti-unti kong minulat ang aking mga tsaka tiningnan ang aking dalawang kamay. 

Nagtagumpay akong makabuo ng bolang apoy ngunit ang mas ikinamangha ko ay hindi ito yung klase ng apoy na kulay kahil. Ang nabuo kung bolang apoy ay kulay asul na may halong pula .

Kita ko rin ang pagkamangha sa mukha ni Diane ng tignan ko ito.

Tumingin ako sa malaking kahoy  na nasa harapan namin tsaka ko binato dito ang fire ball na nabuo ko at boom! Ang lakas ng impact. Isang malaking kahoy lang yung pinatamaan ko pero nadamay yung iba. Ganon ba kalakas ang bolang apoy na nabuo ko? God!

"Graveh ka sizs! Ang lakas ng tira mong yun! Akalain mo yun? Halos makalbo na yung mga puno!" Manghang sambit sa akin ni Diane.

Nginitian ko lang siya pagkatapos ay bumalik na ako sa konsetrasyon ko.

Ngayon naman ay gusto kong makabuo ng isang napakalaking golem na gawa sa yelo. Ngunit sa puntong ito ay hindi ko na pinikit ang aking mga mata.

Nag focus lang ako at inisip na may golem na lumabas sa harap ko.

Ilang sandali pa ay unti-unting lumamig ang paligid. Kita ko pa sa gilid ng mata ko ang panginginig ni Diane ngunit hindi ko na siya binalingan at nag focus lang ako sa ginagawa ko. Maya- maya pay biglang umulan ng snow sa harapan ko. Nakita ko ang unti-unting pagkabuo ng isang golem sa harap ko. Unti-unti itong lumaki hanggang sa nabuo ko na nga ito ng tuluyan.

Nakita ko si Diane na mukhang natakot sa malaking golem na ginawa ko at nagsummon pa siya ng mga malalaking espada sa harap niya kaya natawa ako sa kanya.

" Dave! Umalis ka sa harap ng halimaw nayan! Baka bigla ka niyang atakihin!" Sigaw sa akin ni Diane kaya napahalakhak na talaga ako ng tawa.

Tumingin naman siya sa akin na tila nagtataka sa ginawa kong pagtawa.

" Hahahaha! Pa'no naman ako aatakihin ng golem na nasa harap ko eh ako mismo ang may gawa niyan!" Natatawa kong sambit sa kanya.

Nakita kong napaawang ang bibig niya sa sinabi ko kaya lalo akong natawa.

" I-Ikaw ang g-gumawa niyan?" Hindi makapanilawang tanong nito sa akin.

Tinanguan ko lang siya bilang sagot at binalingan ang malaking golem sa harap ko na ako mismo ang may gawa.

Ilang sandali lang ay unti-unti na itong natutunaw hanggang sa naging tubig nalang ito.

Pagkatapos kong mag-ensayo ay inaya ko si Diane na pumunta sa cafeteria dahil bigla akong inatake ng gutom dahil sa pag-eensayo ko.

Nang makarating kami sa cafeteria ay oorder na sana kami ng may bumangga sa akin.

"Ouch!" Maarteng wika ng babaeng nabangga ko.

Nang tingnan ko ito ay ang talim ng tingin niya sa akin na para akong kakainin ng buhay.

" Bulag ka ba?!! Or sinadya mo talaga akong banggain?!!" Galit na sabi na sabi nito sa akin.

Tsk! Ako daw yung bulag eh siya nga tung bumangga sa akin.

"Sorry miss hindi ko sin---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng malakas ako nitong sampalin.

Pak!

Shitness! Ang sakit nun ah?!

Tiningnan ko siya ng masama ngunit tinaasan lang ako nito ng kilay.

Aktong sasampalin ko narin sana siya ng may biglang magsalita sa likod namin.

" Jelly ? Dave?" Sabi ng boses sa likod namin kaya napatingin ako dito.

Nakita ko si Dolfer at ang mga elementalist.

Bigla naman lumapit si Jelly kang Dolfer.

" Babe. Binangga ako ng bakla yan tapos ng humingi ako ng pasensya ay bigla niya akong sinampal." Lumuluhang sabi nang babaeng sumampal at bumangga sa akin.

What?! Ako?! Sinampal siya?!
Eh siya nga tung bumangga at sumampla sa akin eh.

" Hoy ik---" hindi na natapos ni Diane ang sasabihin niya ng bigla akong hawakan ng mahigpit ni Dolfer sa akin braso. Napangiwi pa ako dahil sa higpit nito.

" Bakit mo siya sinampal?!! Ikaw na nga yung bumangga sa kanya ikaw pa ang may ganang sampalin siya!!" Galit na sambit sa akin ni Dolfer.

So naniwala sa sinabi ng babaeng yan?

" Hindi ko s----" hindi ko na naman natapos ang sasabihin ko ng bigla niya akong itulak ng malakas kaya napahandusay ako sa sahig.

" Sa oras na saktan mo pa ulit si Jelly ay sisiguraduhin kong ako na ang makakalaban mo!! Tandaan mo yang bakla ka!!" Galit na sambit nito sa akin tsaka siya tumalikod at inalo ang umiiyak na si Jelly.

Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi niya sa akin.

Hindi niya ko hinayaang magpaliwanag at basta nalang naniwala sa sinabi ng babaeng yan.

Tiningnan ko sina Ashira at Aquina ngunit masamang tingin lang ang ibinigay nila sa akin. Pati sina Leno at Carlo.

So pati sila naniwala sa kasinungalingan ng babaeng yan?

Bigla akong nakaramdam ng sakit sa bandang dibdib ko. Parang tinutusok ang puso ng libo-libong karayom.

Siguro nga mahal pa niya yang babaeng yan.

Siguro kailangan ko ng kalimutan tung nararamdaman ko sa kanya.

Simula ngayon hindi na ako muling magpapauto pa sa kanya.

Simula ngayon ay hindi na ako ang Dave na kilala ng lahat.





Simula ngayon ay Dave na ang makikilala ng lahat.

_________________________________
Don't forget to vote and Comment 🙏

Dangerous Gay ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon