❣️Power 8❣️

7.6K 441 12
                                    

Dave's Pov

Nandito kami ngayong pito dito sa office ng Dean.

Umalis muna saglit si Mrs. Salvation upang bigyan kami ng oras na mag-usap.

Ang taray ni Mrs. Salvation , siya pa talaga ang nag adjust para lang mabigyan kami ng time na makapag-usap.

Tahimik lang kaming pito .

Ilang sandali pa ay nagsalita na yung babaeng kulot ang dulo ng buhok .

" Mukhang hindi tayo makakapag-usap ng maayos kung tatahimik lang tayo at hindi kikibo." Sabi niya sa amin ng nakangiti.

Char. Taray ni ate curly ! Nakangiti na ngayon samantalang kapahapon gusto na kaming patayin dahil sa ginawa niyang malaking kamay na lupa.

" Koreyk ka jan teh! Mukhang nawalan ng bibig yung iba jan." Kuda bigla nitong bruha kong kapatid.

Taray din nitong kapatid ko no ! Feeling close eh kung bigla nalang gumawa ulit ng malaki na lupang kamay yang si Curly girl tapos hambalosin. char! Kaloka din tong imahenasyon ko no.

"Sizs! Wag feeling close okay! Nakipag-usap ka sa kaharap mo without knowing na ang baho ng bunganga mo! Ew kadirdir ka!" Sambit ko sa kanya.

Narinig kong mahinang natawa yung dalawang babae at dalawang lalake ngunit yung lalakeng medyo kulay gray yung buhok ay nanatili paring seryoso at walang emosyon tong mukha.

Kaloka to si kuya! Gwapo sana para nga lang estatwa.

"Hoy pak u ka! Nagtoothbrush ako ng maayos kanina at nagmouth wash And take note ! Nilagyan ko pa ng kunting Downy yung bibig ko kaya sigurado akong mabango ang hininga ko." Dahil sa sabi niya ay tuluyan ng natawa yung apat sa harapan namin.

Kahit yung lalakeng may seryosong mukha ay natawa din ng mahina.

Shitness mga teh! Ang gwapo niyang ngumiti.

Nabalik sa pagka seryoso yung mukha niya ng mapansin niyang nakatingin ako sa kanya kaya iniwas ko ang aking mga tingin.

"Hahaha grabe ! Hindi ko akalaing mahilig kayong magpatawa." Natatawang sabi nung lalaking medyo may pula yung buhok.

Shitness ka kuya! Ang gwapo mo! Buntisin mo ko please!! Char.

"Makatawa kayo 'kala niyo close niyo na kami? Tsk di pa nga kayo nagpakilala." Mataray kong sabi sa kanila.

"Hahhahah, sorry i can't help it . By the way I'm Leno , I'm fire elementalist." Pakilala nung may pula yung buhok.

" Carlo is my name, Air elementalist." Nakangiting pakilala sa amin nung may kulay berdeng buhok  sa amin sabay kindat.

Fuckingtape ka kuya! Teh pakitingin yung pante ko baka nalaglag. Char.

Halatang chickboy tong isang to.

"Hi ! Ako nga pala si Aquina , water elementalist! " Nakingiting pakilala sa amin nung babaeng may kulay blue yung buhok.


"I'm Ashira! Earth Elementalist.!" Masayang pakilala ni Curly girl.

"Hi I'm Di-" hindi na natuloy ni Diane ang dapat niyang sabihin ng sumingit ako.

"Dave is my name I'm the top on my day! Char! Ang kangpayarihan ko ay kayang pahintuin o kontrolin ang ano mang bagay." Pakilala ko sa kanila. Hindi ko na sinabing may iba pa akong kakayahan. Bakit? Ayaw ko lang ! Pake niyo! Char.

" And last but beautiful! I'm Diane and kaya kong n
Magsummon ng anumang bagay." Nakangiting pakilala ng bruha kong kapatid.

Tumingin kami sa dereksyon nung lalaking suplada.

Hinihintay naming magpakilala siya.

"Ts. Dolfer , ice elementalist." Walang emosyong pakilala nito.

Tsk! Suplado. Pasalamat ka gwapo ka.

Mabilis kaming nagkagaanan ng loob maliban don sa lalaking pinaglihi sa sama ng loob.

Sana magiging masaya ang paghatid nila sa amin doon sa paaralan nila.

Excited na me!

___________________________________
Don't forget to vote and Comment 🙏

Dangerous Gay ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon