❣️ Power 46❣️

5.7K 352 15
                                    

Dave's Pov

Nandito ako ngayon sa pugad ng mga Naga Kung saan ang mga nasasakupan ni Reyna Evelofia.

Matapos naming mag usap ni Reyna Evelofia ay dinala Niya ako dito sa kanyang mga nasasakupan upang makapagpahinga.  Bukas ko na daw ipagputoy ang pagpunta sa pugad ng mga Holvia at sasamahan Niya daw ako Kung saan ang daan papunta dito. Hindi naman ako nakaramdam na anumang panganib sa kamay ni Reyna Evelofia at SA kanyang mga nasasakupan. Mababait Ang mga ito tulad NG katangian na meron Ang kanilang Reyna Kaya madali ko Lang nakagaanan ng loob Ang mga ito.

Sa tansya ko ay  nasa alas 3 or 4 na ng madaling  ngunit hindi parin ako dinadalaw ng antok. Kahit pa ipinikit ko na ang aking mga mata at piliting matulog ngunit di ko magawa. Siguro ay namamahay Lang ako.

Pumasok bigla sa isip ko si Dolfer. Kahit isang araw ko palang siyang di nakikita ay namimiss ko na agad ito. Batid ko sa sarili ko na Mahal na Mahal ko na talaga ang lalaking ito at sigurado na akong siya na ang gusto Kong makasama sa aking buhay hanggang sa aming pagtanda. Ngunit di ko rin maiwasang mangamba at makaramdam ng takot at lungkot sa tuwing maisip Kong lalake pa Rin siya at babae pa rin ang hahanap-hanapin nito. Kahit pa sabihin nating Mahal niya ako kahit na hindi ako totoong babae ay hindi parin mawawala Ang katotohanang lalaki parin siya . Natatakot akong sa pagbalik ko ay iba na siya. May iba nang nagmamay-ari ng kanyang puso. Iisipin ko pa Lang ang ganoong sitwasyon ay parang pinapatay na sa sakit Ang aking puso. Hindi ko Alam kong ano Ang gagawin ko Kung sakali mangyari man ang bagay na iniisip ko.

Napabuntong hininga nalang ako at iwinaksi Ang mga agam-agam na pumapasok sa aking isipan. Mahal niya ako at Yun Ang panghahawakan ko hanggang sa makabalik ako.



Habang nakadilat Ang aking mga mata na nakatingin sa kisami nitong silid na tinutuluyan ko habang hinintay na dapuan ng ay   antok ay bigla nalang naging maingay sa labas. Rinig ko Ang ilang boses ng mga Naga na sumisigaw. Kaya naman ginamit ko ang kakayahan Kong magteleport patungo sa labas.

Bumungad sa akin Ang ilang mga Naga na napapalibutan ng mga nilalang na di ko mawari Kong ano. Kulay berde Ang kulay ng mga malahiganteng katawan nito, maroon ring silang sungay sa noo na Parang katulad NG baboy ramo habang mayroon lamang silang isang mata. May roon silang dala na Parang baseball bat na may mga tinik sa dulo. Ito siguro Ang kanilang sandata.

Unti-unti na rin palang sumisilip Ang liwanag ng araw Kaya nakikita ko ng maayos Ang hitsura ng mga nilalang na ito.

Nakita ko sa kanang bahagi ng mga higanteng nilalang si Reyna Evelofia habang pilit kumakawala sa pagkakahawak ng dalawang heganteng nilalang sa kanyang magkabilaang kamay habang nasa harap ito ng pinakamalaking hegante na sa tingin ko ay leader nila.

" Pakawalan niyo sila." Malamig Kong tugon sa kanila habang walang emosyon nakatingin sa mga heganteng ito.

Bumaling sa aking Ang lahat ng atensyon nila NG marinig nila Ang aking boses.

" Oh! Isang Lakona! Aba'y napaka swerte naman namin ngayon at may masarap na putahi kaming makakain sa araw na ito." Tila hayok na sambit ng leader nila.

" Tumakas kana Dave! Hindi mo kakayaning labanan Ang mga Hegan ! Masyado silang marami at malakas!" Sigaw sa akin ni Reyna Evelofia habang pilit paring kumakawala sa pagkakahawak sa kanya ng dalawang Hegan.

So Hegan pala Ang tawag sa MGA pangit na heganteng ito? Nice. Hegan short for hegante. Char .

Hindi ko pinansin ang sigaw sa akin ni Reyna Evelofia.

" Binibigyan ko kayo NG pagkakataong tumakas at pakawalan ang mga Naga na hawak niyo." Madiin kong sabi sa kanila.

Rinig ko Ang tawanan ng mga Hegan na pinangungunahan ng pangit na tawa ng kanilang Leader.

Third Person Pov

" HAHAHAHAAHAHA!! narinig niyo Yung sinabi niya? Hahahaha. Sinong tinatakot mo Lakona? Kami?! Hahhaha! Akala mo ba makakaya mo kami?! Kahit pa---" hindi na natuloy natuloy ang dapat na sabihin ng leader ng mga Hegan nang makita niyang gumulong Ang dalawang ulo ng dalawa niyang kasamahan na may hawak kang Reyna Evelofia.

Lahat ay nagulat at halos hindi makapaniwala sa ginawang bilis ni Dave. Hindi nila lubos akalain na napatay niya ang dalawang Hegan sa loob lamang ng ilang segundo. Pati Ang Reyna ng mga Naga ay nagulat din sa ipinakitang bilis ng binata.

Bumakas Ang takot at kaba sa mukha ng leader NG mga Hegan habang dahan-dahan itong napapaatras habang hindi makapaniwalang nakatingin ngayon sa walang emosyon na mukha ng binata, ganon din ang mga kasamahan nito.

" Sinabihan ko na kayong umalis at pakawalan nalang ang mga Naga ngunit di kayo nakinig." Malamig paring tuno na pagkakasabi ng binata habang unti-unti itong humahakbang patungo sa leader NG mga Hegan na ngayon ay paatras naman ng paatras dahil sa nakikitang nakakatakot na aura na nakapalibot sa katawan ng binatang nasa harap niya.



Biglang tumigil sa paghakbang si Dave habang nakayuko ang ulo.

Namayani ang katahimikan sa kanilang lahat at walang sino man ang sumubok na bumasag sa katahimikang ito.

Mahahalata mo parin Ang takot at kaba na bumabalot sa lahat NG Hegan lalung-lalo na sa leader nila ngayon na tahimik paring nakatitig sa nakayukong binata sa harap niya.


Pati Rin Ang mga Naga ay tila nakaramdam ng kaba sa nakikitang aura na pumapalibot ngayon sa buong katawan ng binatang si Dave.



" Binibigyan ko kayo ng pangalawang pagkakataon na tumakas at pakawalan ang mga Naga na hawak niyo." Ngayon ay nakatingin na siya NG seryoso sa leader NG mga Hegan na nasa harap niya ngayon habang binabanggit Ang mga salitang iyon.



" S-Salamat Lakona . Maraming salamat. Paumanhin na rin sa ginawa naming panggugulo sa iyo at sa lahat ng Naga na narito. " Sensirong sabi ng leader NG mga Hegan habang nagpapasalamat sa binatang nasa harap niya.


May kinuhang maliit na bote ang  leader NG mga Hegan sa loob ng bulsa nito tsaka lumapit kang Dave. Nagtataka namang tiningnan ni Dave Ang leader NG mga Hegan.


" Tanggapin mo ito bilang tanda ng aking pasasalamat sa Hindi pagkitil sa aking buhay at sa mga kasamahan ko . Alam kong Yan  Ang kailangan mo Kaya ka naparito sa kaharian ng Edenzonia dahil Wala ng ibang rason pa Ang mga Lakonang pumupunta dito Kundi Yan Lang." Mahabang Saad NG leader ng mga Hegan sa harap niya.


Kahit naguguluhan si Dave Kung ano Ang laman ng boteng ibinigay SA kanya NG leader ng mga Hegan ay tinanggap Niya nalang ito at nagpasalamat .

" Bago kami umalis ng mga kasamahan ko ay nais ko munang magpakilala at makilala ka Lakona. Ako nga pala si Gomo ang pinuno ng mga Hegan." Nakangiting pagpapakilala ng leader ng mga Hegan kang Dave.


" Ako naman si Dave." Ang maikling pagpapakilala ni Dave habang may ngiting napusli sa kanyang mga labi.


Matapos nilang magpakilala sa isa't Isa ay nagpaalam na ang mga ito.


Nakangiti namang lumapit Ang Reyna ng mga Naga sa nakatayong binatang nakatingin sa boteng hawak Niya.



" Mapalad ka Dave at hindi muna kailangan pang pumunta sa pugad ng mga Holvia upang kumuha ng luha nila. Ang laman ng boteng hawak mo ngayon ay Ang luha ng mga Holvia. Laging may dalang ganyan Ang mga Hegan para hindi sila mapapasailim ng itim na mahika Kung sakali mang lumalabas sila ng Edenzonia. " Nangiting Saad ni Reyna Evelofia kang Dave.

Gulat at tuwa Ang naramdam ni Dave ng sabihin sa kanya ni Reyna Evelofia Kung ano ang laman ng boteng hawak Niya.



Tumingin siya daan Kung saan tumungo paalis Ang mga Hegan habang may ngiti SA labi.















" Salamat , kaibigan."




____________________________________

Malapit na ang katapusan nitong kwento guys. Hehehe

Don't forget to vote and Comment 🙏

Dangerous Gay ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon