❣️ Power 44 ❣️

7K 365 38
                                    

Dave's Pov

" Gary! " Sigaw ko sa kanya sabay takbo at sinalubong siya ng yakap.

Omy! Namimiss ko talaga ng sobra ang lalaking to. Siya ang nagsisilbing boy bestfriend ko dito sa loob ng academy sa ilang buwan na pamamalagi ko dito. Kahit na binasted ko siya pero nanatili pa rin siya at nanatiling kaibigan ko.

" Hindi halatang namimiss mo ako ng sobra." Pagbibirong sambit nito sabay gante nito ng yakap sa akin. Hinampas ko ng mahina yung dibdib niya dahil sa biro niya.

" Oo naman no! Bakit ikaw , di mo ba ako namiss?" Lungkot-lungkutan kong sabi dito.

" Syempre namimiss rin kita ng sobra!" Sagot nito at hinigpitan pa ang kanyang pagkakayakap sa akin.

Shitness mga teh! Ang bango niya. Sarap kainin! Rawrr! Char. May boyfriend na ako kaya bawal ng lumandi.

Ako na ang unang kumalas sa aming yakapan.

" Bakit ngayon ka lang? Saan ka nanggaling?" Parang nanay kong tanong dito.

Kita kong medyo nagbago ang timpla niya ng tanungin ko siya non pero agad niya ring binalik sa dati ang mukha niya at nginitian ako.

" A-Ah k-kase pinuntahan ko yung pamilya ko. Namimiss ko na kasi sila kaya naman nagbakasyon muna ako sa amin." Ang medyo utal nitong sagot sa akin.

Bakit parang hindi ako kumbinsido sa sagot niya?

Haiyz! Hayaan na nga. Ang importante nandito na siya.

-

" Ahh. Ahhh. Uhghhh. Ahhhggg." Wag kayong DM ha! Hinihingal kasi ako dahil naisipan ko munang mag exercise dahil maaga akong nagising ngayong umaga.

Matapos kong mag exercise ay pumasok ako sa banyo upang maligo na . Nanlalagkit na kasi yung katawan ko dahil sa pawis na pawis ito.

Matapos kong maligo ay agad na akong nagbihis ng uniporme ko sabay tingin sa malaking salamin na nakadikit sa pintuan ng aparador ko.

Nang masigurado kong maayos na yung hitsura ko ay lumabas na ako ng kwarto.

Sumalubong saakin ang mabango at nakakagutom na amoy na nanggagaling sa kusina kaya naglakad ako patungo dito habang sinusundan ang masarap na amoy.

Bumungad sa akin ang gwapong lalaki na naghahain ng pagkaing niluto niya. Nakasuot na rin ito ng unirporme katulad ko.

Ng makita ako nito ay sumilay sa kanyang labi ang matamis na ngiti na lalong nagpagwapo sa mala anghel nitong mukha.

" Hoy! Mamaya mo na ako pagpantasyahan baka lumamig na yung pagkain." Pagpukaw nito sa akin kaya napabalik ako sa tamang wisyo.

Shitness nakakahiya! Nahuli niya akong nakatitig sa kanya.

" A-Anong pinagpapantasyahan kita?!  Kapal mo ha!" Depensya ko dito pero di ko parin maiwasang pamulahan ng pisngi.

Tumawa lamang si Gary at inaya na niya akong kumain ng aming umagahan.

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at sinunggaban ko na ang masarap na pagkaing nakahain sa mesa. Narinig ko pang mahinang natawa si Gary sa harap ko ngunit hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa aking pagkain.

Pagkatapos naming kumain ni Gary ay sabay na kaming pumasok sa unang klase namin.

Nang makapasok na kami ay nakakabinging sigaw ng bruha kong kapatid ang pumuno sa buong silid ng makita niya si Gary na kasama ko.



Dangerous Gay ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon