❣️ Power 12❣️

7K 438 2
                                    

Dave's Pov

So Balmek pala ang tawag sa hayop na yan.

Ngayon lang ako nakakita ng ganyang hayop.

Sumugod yung isang Balmek sa amin ngunit mabilis na nagpakawala ng malaking bolang apoy si Leno at hinagis papunta sa Balmek na pasugod sa amin.

Napasalampak ito sa malaking puno ngunit nagulat kami ng hindi man lang ito nasunog  at tumayo na parang hindi nasaktan sa atake ni Leno.

Sabay sabay nila kaming inatake kaya nagpakawala si Carlo ng isang malaking ipo-ipo at ipinatama sa kanila.

Sapol sa kanila ngunit maya-maya pa ay biglang nawala ang ipo-ipo at nakita namin silang hindi man lang nasaktan sa ginawang yun ni Leno.

Shuta! Anong gagawin namin? Mukhang hindi sila tinatablan ng ano mang atake.

"Anong ginawa ng mga Lakona dito sa kaharian namin." Narinig kong sabi nung nasa gitna na Balmek at nakatingin ito ng matalim sa Amin ngunit hindi bumuka ang kanya mga bibig.

Shitness! So isip ang ginamit niya upang magsalita.

"Hindi namin gustong mapunta dito,  dito kasi kami napadpad ng pumasok kami sa portal na patungo sana sa aming destenasyon." Sagot ko sa kanya gamit ang isip ko.

Nabaling naman ang tingin niya sa akin at parang nagulat sa ginawa ko.

"Narinig at naiintindihan  mo ko?" Tanong nito sa akin.

"Obvious naman diba? Syempre naiintindihan at naririnig kita." Sagot ko dito.

Nagtatakang nakatingin lang sa akin ang mga kasama ko at sa Balmek na kausap ko ngayon. Parang hindi nila naririnig ang pinag-uusapan namin base sa ekspresyon ng mga mukha nila.

"Imposible! Hindi basta-basta maiintindihan ng isang Lakona o naririnig ang mga Balmek." Sabi nong Balmek na nasa kanan .

" Nakikiusap ako, wag niyo kaming saktan ng mga kasama ko. Wag kayong mag-alala at aalis na kami sa teretoryo niyo." Nakikiusap kong sabi sa kanila gamit parin ang isip.

"Sige . Papalampasin namin ito dahil nakakausap mo kami. Nais rin naming humingi ng pasensya sapagkat basta-basta nalang kami sumugod. Akala namin ay mga kalaban kayo." Sabi nung Balmek na nasa kaliwa . Halata kong babae ito dahil sa tono ng kanyang boses.

Ang mga Balmek na kanina ay mababangis ngayon ay parang naging maamong Leon na.

"Maraming salamat mga kaibigan, kung ipapahintulot niyo. Pwede ko ba kayong mayakap?" Nakangiti kong tanong sa kanila.

"Sige Lakona." Sagot nung lalaking Balmek na nasa gitna.

Nagmadali akong tumakbo papunta sa kanila.

Narinig kong sumigaw sila at nais akong pigilan ngunit hindi ko sila pinansin sa halip ay nagpatuloy lang ako sa pagpunta sa mga Balmek at isa-isa silang niyakap.

Nakita kong nagulat ang mga kaibigan ko dahil sa aking ginawa.

Marahil inaakala nilang sasaktan ako ng mga Balmek na ito ngunit hindi iyon ang nangyari.

Nang matapos ko silang yakapin isa-isa ay nagpaalam na ako.

"Maraming salamat mga kaibigan. Paalam sa inyo." Sabi ko sa kanila.

"Walang anuman. Teka, alam ba ninyo ang kung saan ang daan palabas dito sa teretoryo namin?" Tanong nila sa akin.

Nag-aalangan akong umiling na parang nagsasabing hindi namin alam.

" Halikayo at sumunod kayo sa amin. Ihahatid namin kayo tungo sa labasan nitong aming teretoryo." Sabi nung babaeng Balmek at tumalikod tsaka nauna ng naglakad.

"Guys let's go, sundan natin sila at ihahatid nila tayo patungo sa labasan ng kanilang teretoryo." Nakangiti kong sabi sa kanila .

Kita kong halos hindi sila makapaniwala at nag-aalangan pa ngunit wala na silang nagawa kundi sumunod nalang.

____________________________________
Don't forget to vote and Comment 🙏

Dangerous Gay ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon