❣️ Power 50 ❣️

4.7K 299 34
                                    

Hehehe! Tagal kong di nakapag-UD no? Sorry na po kung ngayon lang ulit ako nakabalik. Medyo tinamad din kasi akong magsulat hahahaha. Basta sorry talaga. Labyow guyses!!!😍❣️😘







Carlo's Pov

"Ahh!" Sigaw ko nang matamaan ako ng kanyang atake.

P*ta ang sakit. Masasabi kong bihasa na sa pakikipaglaban ang isang to. Maliban sa magaling itong dumepensa ay halos di ko rin masabayan ang bilis nito.

Hinawakan ko ang kanan kong braso na ngayon ay duguan na rin dahil sa sugat na natamo ko galing sa kanyang atake.

" Ano prinsipe? Kaya pa ba? Hahahaha!" Nang-aasar na sabi nito sa akin tsaka sinundan ng malademonyong tawa.

Tsk! Minamaliit ba ako nang isang to?

" Bakit hindi?" Nakangisi kong sagot dito tsaka unti-unting nagkaroon ng kulay berdeng ilaw ang sugat sa may braso ko hanggang sa tuluyan itong nawala at nawala na rin ang sugat dito. Parang wala lang nangyari.

Kita ko ang panlalaki ng kanyang mata dahil sa kanyang nasaksihan.

Mas lumawak pa ang aking pagkakangisi dahil sa nakikita kong reaksyon sa kanyang mukha.

" Paano mo nagawa yun?!" Hindi makapaniwalang tanong nito sa akin habang nanlalaki parin ang kanyang mga mata.

" Isa yun sa bagong abilidad na meron ako. Kaya kong pagalingin ang aking sarili ng walang ka hirap-hirap." Nakangiting sagot ko sa kanya.

Bigla naman siyang ngumisi na para bang maliit na bagay lang ang aking abilidad.

" Kahit pa kaya mong pagalingin ang sarili mong sugat, sigurado naman akong hindi mo na mapapagaling ang sarili mo pag na-----" napahingo siya sa dapat niyang sabihin tsaka napatingin sa kanyang braso.

Ako naman ngayon ang napangisi sa kanya.

" Anong ginawa mo?!! Bakit nagka----Arghhhh!" Napadaing siya ng malakas ng unti-unting naging malaki ang sugat sa kanyang braso.

" Isa yan sa kaya kong gawin. Kung sino man yung gumawa ng sugat o sakit sa aking katawan ay napapagaling ko ito at yung sugat o sakit na natamo ko ay babalik sa Kung sino man ang may gawa nito at maging doble pa ang balik nito." Nangising paliwanag ko.

Kita sa mukha niya ang paghihirap dahil sa sakit at hapdi ng kanyang sugat at panghihina niya.

" Hindi ko na papatagalin pa ang laban na to, ipapakita ko sayo kung ano at kung pano tumapos ng buhay ang prinsipeng katulad ko!" Sigaw ko dito saka itinapat ang kanang kamay ko sa kanyang direksyon. Unti-unting umiilaw ng kulay berde ang aking kamay at ang dalawa kong mata tsaka nagkaroon din ng kulay berdeng pabilog sa kinaroroonan ng kalaban ko at pumalibot ito sa kanya.

" Tapos kana!" Sigaw ko pagkatapos ay nagkaroon ng malaking pagsabog sa kinaroroonan niya.

Ngumisi ako bago ito tinalikuran.

Dolfer's Pov

Pa'no niya nagawa yon?

Sinubukan kong tumayo ngunit hindi ko magalaw ni isang bahagi ng katawan ko. Para akong naparalisa.

" Ow! Ano na gagawin mo ngayon prinsepe? Gwapo ka pa naman, gusto pa sana kitang matikman." Malanding saad nitong babaeng higad habang pinasadahan ng mga daliri niya ang aking mukha at nakatingin sa akin ng malagkit.

" Sa tanang buhay ko hindi ko naisapang pumatol sa katulad mo .  Higad!" Singhal ko sa kanyang pagmumukha ngunit ngumisi lamang ito sa akin.

" Wala ka nang magagawa prinsepe. Hindi mo maigalaw ni isang daliri mo kaya paano mo ako mapipigilan sa gusto kong gawin sayo?" Malanding saad nito sa akin tsaka tumawa parang baliw.

" Siguro, bago kita patayin ay pagsasawaan ko muna yang katawan mo. Total hindi ka naman makalaban sa akin kaya malaya akong gawin kung ano man ang gusto kong gawin sayo."   Dagdag pa nito tsaka unti-unting bumaba ang kanyang mga kamay patungo sa aking dibdib.

Nakaramdam ako ng init sa loob ng katawan ko. Hindi dahil sa libog kundi sa inis at galit. 

" Minamaliit mo ba ako?" Malamig kong tanong dito na siyang nagpaatras sa kanya sa gulat.

Unti-unti akong tumayo tsaka tiningnan sya ng blangkong tingin.

"Pa-Paano ka nakatakas sa kapa---Ahhhhhh!" hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng bigla nalang lumalagablab sa apoy ang buo nitong katawan.

Patuloy pa siya sa pagsigaw dahil sa sakit na dulot ng pagkasunog niya.

Isa yan sa mga nadiskubre ko pa sa aking kapangyarihan. Kaya ko silang sunugin kahit tignan ko lang sila. Hindi lang ordinaryong apoy ang sumusunog sa katawan niya. Ito ang kulay asul na abo na  kahit bakal ay kaya nitong tunawin sa tatlong segundo lamang.

Naging abo nalang ang babaeng nasa harapan ko ngayon kaya tinalikuran ko na ito.

____________________________________
Vote and Comment 🙏




Dangerous Gay ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon