❣️Power 6❣️

7.9K 446 13
                                    

Dave's Pov

Para kaming ninja ni Diane ngayon habang papasok ng unibersidad.

Tingin sa kaliwa.
Tingin sa kanan.
Tingin sa likod.
Tingin sa harap.

" Ano bayan sizs?! Nagmumukha tayong shunga sa ginagawa nating to." Inis na sambit ni Diane.

" Eh? Ba't mo naman nasabi eh matagal kanang shunga ." Kuda ko sa kanya habang patingin-tingin parin sa paligid.

Baka kasi bigla nalang susulpot yung mga peste tsaka babatohin kami ng fire ball edi sunog yung ate niyong maganda. char.

Owh ! Hindi ko pa pala nasabi sa inyo kung bakit natuto na naming gamitin ni Diane ang aming mga kapangyarihan.

Well, ginagawa talaga namin ang lahat para lang makontrol at matutunan namin kong paano palabasin at gamitin ang aming mga kapangyarihan pagkatapos pumanaw ng aming mga magulang.

Nung buhay pa kasi sila ay tinuturuan nila kami kung paano gamitin at kontrolin ang mga kapangyarihan namin kaya natuto kami ngunit hindi pa kami masyadong bihasa sa paggamit nito noong bata pa kami.

Matapos kasing patayin sina mama at papa ng mga nilalang na hindi namin kilala ay pinangako namin sa sarili namin ni Diane na gagawin namin ang lahat upang mapalabas at makontrol namin ang aming kapangyarihan at hindi nga nagtagal ay naging bihasa na kami sa paggamit nito.

"Haiyz! Sa wakas ! Nakarating din natin tong classroom namin matapos nating mag a ala ninja moves! Kaloka ! Na stress ako don!" Kuda nitong si Diane ng makarating kami sa harap ng aming classroom.

" Koreyk ka jan sizs! Nahahaggard sa ginawa nating mala ninja moves at nadagdagan pa ito nung nakita ko yung mukha mong kamukha ni Imaw!" Sambit ko sa kanya na may halong pang aasar.

At si bakla! Halatang naasar sa sinabi dahil sinamaan niya ko ng tingin.hahaha. char.

"Pak u kang Hagorn ka! Tara na nga at baka dumating nayong unang prof natin." Asar na sambit nito at nauna ng pumasok sa classroom namin.

Hindi nga nagtagal at dumating na ang unang prof namin.

Discuss.
Discuss.
Discuss.
Quiz.

Tring! Tring! Tring!

Sa wakas lunch break na.

Inayos na namin ang aming mga gamit pagkatapos ay lumabas na ng classroom tsaka tinungo ang ang cafeteria.

Ganon parin ang ginawa namin ni Diane habang tinutungo namin ang cafeteria. Nag mala ninja moves.

Nang marating kami sa cafeteria ay nilinga linga namin ang aming paningin sa loob at sabay kaming napahinga ng malalim nang masiguro naming wala silan. Salamat naman sa maykapal.

Matapos naming makapag order ni Diane ng aming kakainin ay umupo na kami para kumain.

Hindi pa ako man ako nakasubo ng kakainin ko ng maramdaman kung may malagkit na bagay ang tumama sa ulo ko at ng kapain ko ito ay doon ko napagtantong itlog ito.

Nakita kong may basag na itlog din ang nasa ulo ni Diane matapos niya itong kapain.

Shitness !

Nakarinig kami ng tawanan kaya sabay kaming napalingon ni Diane sa aming likod kung saan ito nanggaling at nakita namin sina Ella kasama ang dalawa niyang alipores na nagtatawanan habang nakatingin kami sa dereksyon nila.

Pashniya tong mga alagad ni Bathlumang Eter! Ginagalit talaga ang dyosang kagaya ko.

Hindi na kami nakapagtimpi pa ni Diane at nilapitan namin sila Ella at ang dalawa niyang alipores.

Natigil naman sila sa pagtawa at tiningnan kami ng nakataas ang isang kilay !.

Ang taray! Para silang si lotlot and friends! Char.

" Ano bang ginawa namin sa inyo at kami ang pinagtitripan niyo? " Galit na tanong sa kanila ni Diane.

"Isn't it obvious bitch? Ginagawa namin to dahil hindi kayo nababagay dito ! Dapat doon kayo sa  public school kung saan nag-aaral ang mga hampas lupa na kagaya niyo! Eww ! Kadiri kayo." Mataray na sabi sa amin ni Ella at nag kunwari pang nandiri sa amin.

" As far as i know ay pwedeng pumasok sa University na to ang kung sino mang gustong mag- aral dito. At isa pa, kung makapagsabi kang hindi kami nababagay dito kala mo kung sino kang maganda eh mukha ka namang clown dahil jan sa kapal ng make up mo! Anong akala mo? Na nababagay ka dito ? Tsk! Tingnan niyo nga yang mga sarili niyo! Mayayaman nga kayo ngunit kulang naman kaya sa attitude at desiplina! Mga spoiled brat! And sizs! Dahil sa sobrang yaman niyo pati yang mga ngipin niyo pwede ng minahin dahil mukhang marami ng naipong mga gold! Yucks! Kadirdir ka teh?!" Mahaba kong balik sa kanya.

Natawa naman ang mga estudyante sa Cafeteria dahil sa mga sinabi ko.

Anong akala niya niya? Magpapaapi kami sa kanila? No way!

Kita ko ang pagtagis ng bagang  nila dahil sa galit.

Kinuha ni Ella ang juice na nasa mesa niya at ganon din ang ginawa ng mga alipores niya at akong ibubuhos na niya sa amin ito ngunit mabilis kong kinontrol ang kamay niya at iniligo sa sarili nila. Hahaha.

"Omygosh!!!" Sabay nilang sabing tatlo.

Mas lalong lumakas ang tawanan ng mag estudyante sa cafeteria dahil sa nasaksihan nila.

" Know your place bitches." Huling sabi ko sa kanila bago namin sila inirapan ni Diane at lumabas na ng cafeteria.

___________________________________
Don't forget to vote and Comment 🙏

Dangerous Gay ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon