❣️Power 11❣️

7.2K 421 10
                                    

Dave's Pov

"Halina na kayo at pumasok na tayo." Sabi ni Ashira habang nakaturo sa isang portal na ginawa nila.

Eh?

"Ano yan?" Bobong tanong ni Diane.

"Portal malamang! Ano teh ? Bobohan lang?" Pang aasar ko dito.

"I know na portal yan . Ang ibig kong sa sabihin ay bakit gumawa sila niyan." Pagpapaliwanag niya.

"Diyan tayo dadaan upang makarating sa ating destenasyon." Sabi ni Aquina.

Nauna ng pumasok si Dolfer at sumunod na yung apat.

"Lord wag niyo po akong  hahayaang mamatay, virgin pa po ako." Kuda nitong bruhang kapatid.

" Ay ! BELAT SA KABAW!!" sigaw niya ng itulak ko siya sa loob ng portal.

Yan kasi ! Puro dada pa.

Nag sign of the cross muna ako bago pumasok sa portal.

Para akong nahihilo ng makapasok na ako.

Omygosh! Yung paningin parang umiikot dahil sa hilong naramdaman ko.

Maya-maya pa ay bigla nalang akong bumagsak sa lupa.

"ARAY! BELAT! yung puwit ko!" Daing ko.

Nakita ko naman si Diane na sumusuka habang hinahagod ni Ashira ang likod nito.

Parang nawala yung pagkahilo ko ng bumagsak ako.

Shitness ! Ang sakit ng pwet ko!.

Nilapitan naman ako ni Leno tsaka tinulungang lumayo.

Nakita ko naman si Dolfer sa gilid ko na ang sama ng tingin kang Leno.

Problema nito?

Hindi ko nalang siya pinansin at paika-ikang naglakad habang inalalayan ako ni Leno.

Nang maiupo niya ako sa malaking ugat ng kahoy ay nginitian ko siya at  nagpasalamat sa kanya.

Kita kong sinundan ng masamang tingin ni Dolfer si Leno habang papunta ito kina Ashira.

Tsk! Bipolar yata tong lalaking to eh.

"Maging alerto kayo. Hindi natin alam kong anong mabangis na hayop ang nandito." Seryosong sabi sa amin ni Dolfer.

"Bakit dito tayo napadpad sa kagubatang ito ? Diba dapat ay sa harap tayo ng Palighten Academy bumagsak." Nagtatakang tanong ni Carlo sa mga kasama niya.

"Hindi ko rin alam, siguro dahil may kasama tayong dalawa kaya siguro dito tayo napadpad. Diba ang sabi ni Headmaster Yuro ay para lang sa limang Lakona ang pwedeng pumasok sa portal na yun." Sabi ni Aquina at kita kong napatango ang kanyang mga kasama kaya tumango narin ako. Bakit? Wala trip ko lang. Paki niyo?! Char.

Nakarinig kami ng kaluskos mula sa damuhan kaya naging alerto pa kami dahil baka may bigla nalang sumugod at sunggaban kami.

Ilang sandali pa ay may lumabas na isang malaking leon na yung buntot niya ay isang ahas. Hindi lang isa kundi tatlo.

Shitness mga ate! Nakakatakot yung mga itsura nila.

Parang lalapain nila kami ano mang oras.

"Mga Balmek!" Sigaw ni Leno.

___________________________________
Don't forget to vote and Comment 🙏

Dangerous Gay ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon