❣️ Power 49 ❣️

6K 314 40
                                    

Ashira's Pov

Nang makarating ako sa kaharian kung saan ang nasasakupan namin ng pamilya ko ay kita ko ang mga kasamahan ko na nakikipaglaban sa mga Darkona, habang ang iba namang walang kakayahang lumaban ay nagpursiging makatakas sa ibang Darkona.

Pinuntahan ko ang palasyo namin kung saan ang aking ama't ina. Nadatnan ko silang nakikipaglaban sa ibang mga Darkona. Alam kong malakas ang aking mga magulang pero hindi nila kakayanin ang sandamakmak na Darkonang patuloy na sumusugod dito. Parang hindi sila nauubos.


" Kailangan niyo po ba ang aking tulong ama?" Tanong ko sa aking ama ng akoy makalapit na dito. Abala ang aking ina sa pagtulong na makatakas ang ibang mga inosenteng Lakona upang hindi madamay sa gulong ito.


" Ako nang bahala dito! Tulungan mo nalang ang ibang makatakas sa maayos at ligtas na lugar!" Sagot naman nito sa akin habang patuloy na lumalaban sa mga Darkonang sumusugod sa kanya.

May ilan din namang mga Darkonang sumusugod papunta sa akin ngunit mabilis ko lang silang napapatay.

Tumango nalang ako sa aking ama tsaka pinuntahan ang aking ina upang tulungan siyang iligtas ang aming mga nasasakupang Lakona.

Nagulat nalang ako ng bigla nalang tumalsik ang aking ina sa pader kaya naman dali-dali ko itong pinuntahan tsaka tinulungang tumayo.

" Ayos lang po ba kayo ina?" Nag-aalala kong tanong sa kanya.

" H'wag mo akong alalahanin. Ayos lang ako." Sagot naman nito sa akin tsaka ngumiti upang makumbisi akong ayos lang talaga siya.


Tiningnan ko ang babaeng may gawa nito sa kanya at nakita ko itong nakangising demonyong nakatingin sa dereksyon namin.

" Tulungan mo na ang ibang tumakas ina. Ako na ang bahala sa babaeng ito." Madiing sambit ko sa aking ina.

Tumango lang ito tsaka tinulungan na ang ibang umalis upang tumakas.

Binalik ko ang aking tingin sa pashniyang babae tsaka ito tinignan ng masama.

" Oh! Ba't ganyan ka makatingin mahal na Prinsesa. Wala naman akong ginawang masama sa iyo ah." Painosenteng sabi nito sa akin ngunit hindi parin nawawala ang malademonyo nitong ngisi sa kanyang labi.

" Maari ngang wala kang ginawang masama sa akin, ngunit sa ibang mga Lakona at sa aking ina ay maaaring meron ." May diing sabi ko sa kanya.

Tumawa lang ang gaga na parang nababaliw  . Yung totoo? Baliw ka ba talaga sis?

" Hahahahaha! Ang hihina kase ninyo! Mga walang kwentang nilalang! Ang dapat sa inyo mamatay!" Sigaw nito pagkatapos ay tumawa ulit.

Okay . Confirm! Baliw nga ang gaga.

" Kung sino man ang mahina at walang kwentang nilalang dito, walang iba kundi ikaw yun. Nagpapauto sa Reyna nilang may saltik sa utak. Mga sunod-sunuran! Yan ang totoong walang kwenta!" Balik na saad ko dito tsaka ngumisi ng nakakaasar sa kanya.

Tumigil siya sa kakatawa tsaka pinukulan ako ng matalim na tingin.

" Ah ganon?! Mabuti pa sigurong patayin na kita upang malaman mong ikaw ang mahina at walang kwenta sa ating dalawa!" Sigaw nito tsaka umatake sa akin.

Ang maliit na pamaypay na kanyang hawak ay naging malaki tsaka niya ito iniwasiwas papunta sa dereksyon ko.

Nagkaroon ito ng matatalim na hangin tsaka tumungo papunta sa akin.

Mabilis ko naman itong iniwasan tsaka ko itinaas ang aking kaliwang kamay, biglang lumutang ang mga matatalim na mga biyak na bato tsaka ko ito itinutok sa kanyang dereksyon at ang kaninang mga lumulutang na mga biyak na bato ay tumungo papunta sa kanya.


Mabilis naman niyang iniharang ang kanyang malaking pamaypay tsaka ito ipinapagaspas sa kanyang harapan upang malabanan ang ginawa kong pag atake.

" Yon na yon?" Nang aasar na sabi nito sa akin.

Nginitian ko lang siya ng matamis.

" Hindi pa nga ako tapos. Masyado ka yatang excited sa iyong kamatayan. " Nakangisi kong sambit sa kanya.

Nanlaki ang kanyang dalawang mata ng may pumulupot sa kanyang mga ugat. Hindi lang ito basta ugat. Dahil may mga tinik itong napakatulis  na may nakakamatay na lason na kapag  ikaw ay natusok, wala pang sampong segundo ay malalagutan kana ng hininga dahil sa mabilis na pagkalat ng lason nito .

Ito ang bago kong natutunan na kakayahang kaya kong gawin bilang Earth Element User.


Nabitawan niya ang kanyang hawak na sandata tsaka ito nagsisisigaw dahil sa sakit na kanyang naramdaman. Kita ko rin ang unti-unting pag kulay itim ng kanyang balat.




" Sinabi ko naman sayo eh. Masyado ka pang mahina para kalabanin ang isang tulad ko." Sabi ko dito bago naging purong itim ang buong katawan nito at naging abo.









Leno's Pov

" Yan lang ba ang kaya mo?" Nakangising tanong sa akin ng lalaking nasa harap ko ngayon.

Malakas din ang isang ito ngunit walang-wala ito kung ikukumpara sa lakas ko.

" Actually , hindi ko pa ginamitan ng lakas ang mga ginawa kong atake sa iyo." Balik ko naman na sambit dito tsaka ko sya nginsihan pabalik.

Kita ko ang panlilisik ng kanyang mga mata ng marinig ang sinabi ko kaya mabilis ako nitong inatake.

Hindi paman siya masyadong nakalapit sa akin nang bigla nalang itong napaluhod at nagsisisigaw.

Mas lalong lumawak ang aking pagkakangisi habang nakatingin sa kanya na nahihirapan sa sakit habang hawak niya ang kanyang ulo.



" Well, yan ang bago kong natuklasan na aking kakayan. Kaya Kong sunugin ang utak ng kalaban sa pamamagitan ng pagtingin sa kanilang mga mata."  Saad ko sa kanya.

Bigla nalang itong humandusay sa sahig tsaka sumabog ang ulo nito.

Hindi nagtagal ay naging abo narin ang kanyang katawan.
















Aquina's Pov


Hinihingal ako habang hinahabol ang aking hininga.

Masyadong malakas at mabilis ang babaeng kalaban ko ngayon. Hindi ko masabayan ang kanyang bilis at galing sa pakikipaglaban.



" Oh? Ang hina mo naman pala Aquina! Naturingan kang prinsesa ng inyong kaharian ngunit ganyan ka lang pala kahina. Isa kang napakalaking kahihiyan sa kaharian niyo!" Natatawang sabi nito sa akin na siyang nagpantig sa aking tenga.


Unti-unti akong tumayo tsaka ako tumingin sa kayang ng walang emosyon.


" Ganun ba?" Malamig na saad ko dito.

Unti-unting nagkaroon ng tubig sa kanyang paanan . Sinubukan niyang umalis sa kanya kinatatayuan ngunit hindi niya magawang maihakbang ang kanyang mga paa.

Nanatili parin akong nakatingin sa kanya suot ang blankong ekspresyon sa aking mukha.


Bigla nalang pumalibot sa kanyang katawan ang tubig na galing sa kanyang paanan hanggang sa nakulong siya sa isang pabilog na tubig. Para siyang nasa isang aquarium na hindi magawang kumilos.


Kita ko ang unti-unti niyang panghihina at ang unti-unting pagkawala ng kanyang hininga.

Sinubukan niya pang gumalaw upang tumatakas ngunit ni daliri niya ay hindi niya maigalaw.









" Mahina pala ha ." Nakangisi kong saad dito bago ito tuluyang bawian ng buhay.


____________________________________
Vote and Comment 🙏

Dangerous Gay ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon