❣️Power 18❣️

6.7K 398 3
                                    

Dolfer's Pov

Nahinto kaming lahat ng makaramdam kami ng malakas na pwersa.

Sobrang lakas nito na halos manginig ang aming mga tuhod.

Napatingin kami kang Dave na ngayon ay nakayuko at patuloy pa ring naglalabas ng malakas na pwersa ang kanyang katawan .

Bigla nalang humangin ng malakas kasabay ng pag-ihip ng malakas na hangin at biglang lumamig ang paligid pati rin ang lupa ay yumayanig.

Shit! Alam kong wala na sa sarili si Dave ngayon dahil kinain na siya ng kapangyarihan niya.

Hindi ko akalaing ganito siya kalakas. Halos hindi kami makapaniwala sa lakas ng kapangyarihan niya.

Dahan-dahang iniangat ni Dave ang kanyang ulo at nagulat kami sa hitsura niya ngayon.

Yung dalawang mata niya naging asul ang kulay, at ang buhok niya ay nahaluan ng kulay abo, berde, pula, asul at kayumanggi.

Nakangisi lang siyang nakatingin sa mga Darkona na ngayon ay napapaatras ng kunti dahil sa lakas ng pwersang pinapakawalan niya.

Maya-maya pa ay bigla nalang siyang nawala sa aming paningin .

Napatingin kami sa mga Darkona ng mapaluhod silang lahat habang hawak ang kanilang mga leeg na para bang nahihirapan sa paghinga.

Biglang sumulpot sa harap nila si Dave tsaka niya tinaas ang kanyang kamay at naramdaman naman ang paghampas ng malakas na hangin at lumakas rin ang pagbuhos ng ulan.

Maya-maya pa ay nagulat kaming lima ng biglang pinalutang niya ang lahat ng Darkona na ngayon ay nakahawak parin sa kanilang mga leeg.

Ilang sandali lang ay tumigil sa pagbuhos ang malakas na ulan kasabay ng paghinto ng malakas na hangin tsaka nakita namin ang katawan ng mga Darkona na ngayon ay dahan-dahang nasusunog.

Nakatayo parin kaming lima habang tulalang pinagmamasdan ang mga nangyari.

Sumigaw ang mga Darkona dahil sa sakit na naramdaman nila sa ginawang pasunog ni Dave sa mga katawan nila.

Ilang sandali ang nakalipas at naging abo nalang ang lahat ng Darkona.

Unti-unting humupa ang malakas na kapangyarihan na inilalabas ni Dave.

Kasabay ng pagkawala ng malakas na kangyarihang nilalabas niya ay siya ring pagbagsak niya sa lupa.

Doon lang kami natauhan.

Agad ko siyang pinuntahan tsaka binuhat ng pa bridal style.







Third Person's Pov

Nakaramdam ng sobrang lakas na pwersa ang buong Lightonia kaya mapaguro at estudyante man ay napahinto sa kanilang mga ginagawa at parang kinilabutan sila sa malakas na kapangyarihang naramdaman nila.



Sa palasyo naman ng Lightonia kung saan nandoon ang hari at Reyna ng Lightonia na si Haring Michael at Reyna Dabyrose ay napahinto rin ng makaramdam sila ng sobrang lakas pwersa.

Nagkatinginan ang mag-asawa.

"Welson ,naramdaman mo ba ang malakas na pwersang iyon?" Hindi makapaniwalang tanong ni Reyna Dabyrose sa kanyang asawa na si Haring Michael.

"Oo Antalia, parang katumbas ng isang diyos ang ganon kalakas na pwersa."  sagot naman ni Haring Michael sa kanyang asawa.

Parang bigla naman nagkaroon ng pag-asa si Reyna Dabyrose ng biglang may pumasok na ideya sa kanyang isipan.

"Michael ,.di kaya'y buhay ang ating anak ? At baka siya ang may gawa ng malakas na pwersang iyon?" Nakangiting sabi nito sa kanyang asawa.

"Imposible ang iyong sinabi Dabyrose. Matagal ng patay ang ating anak ng maganap ang digmaan noon sa pagitan ng Darkonia at Lightonia." Sabi naman ng hari sa kanya.

"Ngunit wala tayong sapat na impormasyon na nagpapatunay na patay na nga ang ating anak. Walang nakitang bangkay na katawan ng ating anak kaya hindi malabong buhay pa siya." Pagprotesta naman ng reyna Dabyrose.


"Maaring tama ang iyong hinala Dabyrose, siguro nga ay buhay pa ang ating anak." Pag sang-ayon ni Haring Michael sa kanyang asawa.

"Sana nga ay buhay ang ating anak." Sambit ni Reyna Dabyrose at di na mapigilang tumulo ang mga luha.







Habang sa kaharian ng Darkonia ay may isang galit na  Reyna na si Reyna Shanely ang galit na pinagsasabihan ang alagad niyang inutusan niya noon na paslangin ang anak nina Haring Michael at Reyna Dabyrose.

" Ang sabi niyo ay napatay niyo na ang anak nina Michael at Dabyrose!" Galit na sabi niya sa alagad niya.

"O-Opo n-napatay namin s-siya mahal na r-reyna." Utal na sabi ng alagad niya dahil sa takot na naramdaman niya habang nakatingin ngayon sa galit na Reyna sa harapan niya.

"Sinungaling! Kung napatay niyo na alam anak nila ay bakit may nagpakawala ng ganoong kalakas na pwersa?! Tanging Diyos lang ang makakapagpakawala ng ganon kalakas na pwersa at ang anak nina Michael at Dabyrose! Imposible namang isang Diyos ang may gawa nun ?! " Galit na sambit niya dito.

Sasagot pa sana ang kanyang alagad ng bigla niya itong binato ng malaking bolang itim .

"Yan ang mga nababagay sa mga alagad na walang kwenta ! Mga inutil! Arggggggg!" Sigaw niya dahil sa galit.









"Kung hindi ka man napatay ng mga alagad ko! Pwes, ako mismo ang papaslang sayo!" Galit na sambit ni Reyna Shanely.

____________________________________
Don't forget to vote and Comment 🙏

Dangerous Gay ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon