❣️ Power 9❣️

7.5K 408 2
                                    

Dave's Pov

"Wow! Gara naman ng mansion na ito! Hindi ko akalaing ganito kayo kayaman." Namamanghang sabi ni Diane ng makapasok na kami sa loob ng malaki at magarang mansion.

Kahit ako ay nalulula sa ganda ng mansion.

Hindi lang sa labas maganda kundi pati ang loob.

"Tong mansion nato ay pagmamay-ari ni Dolfer. Ito ang tinutuluyan namin pag may misyon kami dito sa mundo ng mga tao." Sabi sa amin ni Aquina.

Hindi ko akalaing ganito pala kayaman si Dolfer.

Pagkatapos kasi naming mag-usap kanina ay hinatid pa nila kami sa aming inuopahang boarding house para kumuha ng mga gamit at damit na aming dadalhin.

Konte lang naman yung dinala naming mga damit at gamit dahil sabi nila ay provided na daw ng school na aming papasukan ang mga uniform , damit at iba pang gamit na kakailanganin kaya wala ng poproblemahin pa.

" Bakit nga pala kayo nandito sa mundo ng mga tao?" Tanong ko sa kanila ng makaupo kami sa malambot na sopa dito sa malawak na sala ng mansion ni Dolfer.

"May mission kasi kami dito sa mundo ng mga tao." Sagot ni Ashira sa aking tanong.

"Mission? Ano namang mission?" Takang tanong sa kanila ni Diane.

" Inutusan kasi kami ni Headmaster Yuro para hanapin ang Blood Crystal Stone dito sa mundo ng mga tao." Sagot naman ni Carlo sa tanong ni Diane.

"Bakit niyo naman kailangang  hanapin pa ang Blood Crystal Stone nayan eh isa lang naman yang bato." Sambit ni Diane.

"Hindi lang ito isang ordinaryong bato. Isa ito sa mga makapangyarihang bato na kayang magpagaling ng hindi pangkaraniwang sakit o karamdaman mayroon ang isang tao." Paliwanag ni Aquina sa amin.

Wow ! Ang cool naman ng batong iyon.

"Char! Kaya rin ba niyang pagalingin ang sakit na meron si Dave?" Seryosong tanong ni Diane.

Huh? Anong sakit?

Wala naman akong maalalang may sakit ako eh.

"Bakit? Ano bang sakit ni Dave?" Nagtatakang tanong ni Leno.

"Tsk! Di pa ba obvious."

"Ano nga?" Tanong ni Aquina.

"Edi yung KAPANGITAN NIYA!" at dahil sa sinabi niya ay napahalakhak sila ng malakas.

" Shuta ka kang babae ka! Anong kapangitan ka diyan?! Excuse me?! Tong munkhang to ?! Pangit? Are you drunk or something ghurl?" Char na napa English si akitch!

Sarap batukan ng bruhang to !

Kung anu-anong naiisip.

"Hahaha ! Akala ko kung ano na !" Tumatawang sambit ni Leno.

Matapos naming magkwento at mag asaran ay tinuro na sa amin ang aming magiging kwarto.

Bukas pa daw kasi kami aalis kaya dito muna kami matutulog.

Matapos kung ayusin ang mga gamit ko ay bumaba na ako upang kumain kami ng dinner namin.

Pati sa hapagkainan patuloy lang kami sa pag- ookrayan ni Diane kaya yung mga kasama namin , halos di na makahinga sa kakatawa maliban dun sa isang pinaglihi sa sama ng loob.

Matapos naming kamain ay umakyat na kami sa aming kanya-kanyang mga kwarto upang magpahinga.

Alas onse na ng gabi ngunit hindi parin ako dinadalaw ng antok.

Pagulong-gulong lang ako dito sa malambot na kamang kinahihigaan ko.

Nang makaramdam ako ng uhaw ay lumabas muna ako ng kwarto para tunguhin ang kusina upang uminom ng tubig.

Matapos kung uminom ng tubig ay aakyat na sana ako ngunit may napansin akong bulto ng isang lalaki sa labas ng bahay malapit sa may fountain.

Shitness! Sino yun?

____________________________________
Don't forget to vote and Comment 🙏

Dangerous Gay ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon