🥀SPECIAL CHAPTER🥀

8.6K 346 59
                                    

Dave's Pov

Nagising ako dahil sa naririnig kong ingay na parang nagbabangayan.
Pamilyar ako sa mga boses na aking naririnig ngunit hindi ko parin minulat ang aking mga mata at patuloy lang silang pinapakinggan.

" Alam ko namang crush mo ako eh. Ba't di ka pa kase umamin eh halata naman na." May halong pang-aasar sa boses ni Leno ng marinig ko iyon.

" Wow! Akala ko si Carlo yung mahangin dahil nasa kanya ang brilyante ni amihan pero di ko inakalang mas mahangin ka pa pala! Ew! Assuming!" Rinig ko namang sagot ni Diane na parang diring-diri dahil sa tuno ng pagsasalita niya.

Binuka ko ng konti ang aking mga mata para makita sila.

Nakita kong kumunot ang noo ni Leno dahil sa sinabi ni Diane.

Teka? Bakit kung magkabangayan tong dalawang to ay parang kilalang-kilala na nila ang isa't-isa? Hmmmm. I smell something fishy.

" Hindi ako assuming dahil totoo naman talagang crush mo 'ko. At sino si Amihan? Anong brilyante yang pinagsasasabi mo?" Nagtatakang tanong ni Leno dito.

Boba talaga tong si Diane. Alam naman niyang hindi nila alam kung sino si Amihan tapos sasabihin niya ito. Tsk!

At yung ibang elementalist naman ay parang natutuwang pinapanood ang dalawang na nagbabangayan. Kulang nalang bigyan sila ng popcorn. Hindi ko makita si Dolfer sa loob. Asan kaya yung mokong nayon?

" Tss! Nevermind. Basta wala akong crush sayo! Mamatay ka man." Sagot ni Diane dito.

" Bakit ba pilit mong itinatanggi na wala kang gusto sa akin eh halata naman na noong una palang ay crush mo na ako." Mayabang na saad ni Leno kay Diane.

Gusto kong matawa sa hitsura ni Diane ngayon dahil para na itong bulkan na gustong sumabog dahil sa inis.

" Hoy for your information! Puwit mo may lotion , kapag na- infection. Congratulations!" Napuno ng tawa ang buong silid ng marinig nila ang sinabi ni Diane.

Hindi ko na rin napigilan at natawa narin ako kaya gulat silang napabaling sa  direksyon ko.

"Siiiiiiizzzzzzzssss!!!!!!!" Sigaw ni Diane ng makitang gising na ako at dinakma ako ng mahigpit na yakap.

Puta tong babaeng! Kay lakas makaputak ng bunganga. Kala mo nasa kabilang baryo yung tinawag niya sa lakas ng boses.

" Salamat at gising ka na rin sa wakas." Nakangiting sabi sa akin ni Ashira at dinambahan din ako ng yakap. Ganon din sina Aquina,  Leno, at Carlo. Tumingin pa ako sa likod nila kong nandoon ba ang taong kanina ko pang hinahanap ng mata ko pero ni anino nito ay hindi ko nakita.

" Wala siya dito. Pinauwi na muna namin siya upang makapagpahinga naman siya sa kababantay sayo nitong nagdaang isang linggo." Biglang sabi ni Aquina ng mapansin ang pagiging malikot ng aking mata.

Nahihiya ko silang nginitian pero nanlaki bigla ang aking mga mata ng mapagtanto ang sinabi ni Aquina sa akin.

" Isang linggo?! So isang linggo narin ako ditong walang malay?!" Gulat kong tanong na tinanguan nilang lahat.

Shyt! Ganon ako katagal na natulog?! Putsa.

" Pati rin ang mga magulang mo ay walang oras na hindi ka nila dinadalaw dito para e-check. Ngayon lang sila hindi nakadalaw dahil may importante daw silang inasikaso sa palasyo." Saad naman ni Carlo na ikinatango ko.

Huhuhu. Excited na akong makita at makayakap sila Ama't Ina.

At maliban sa kanila ay gusto ko naring makita ,mayakap at mahadkan ang taong mahal ko.

Dangerous Gay ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon