❣️ Power 21❣️

6.6K 388 0
                                    

Ashira Pov

Grabe! Hindi parin ako makapaniwala na kayang gumamot ni Dave ng isang fairy. Wala pang kahit na sino man ang kayang gumamot sa mga ito.

Kahit nung kaninang ginawa naming pakikipaglaban sa mga Darkona. Hindi namin lubos akalain na ganon siya kalakas. Nakaya niyang paslangin ang ganong kadaming Darkona ng walang kahirap-hirap.

Kahit kaming mga elementalist na isa sa mga pinakamalakas sa Lakona sa buong Limptonia ay hindi kayang talunin ang ganong kadaming Darkona.

Nandito na kami ngayon sa harap ng malaking pintuan kung saan ang office ni Pinunong Molver.

Nang buksan ito ni Abing ay bumungad sa amin ang may katandaan ng Limpton na nakaupo sa upuan.

"Pinunong Molver nandito napo ang mga prinsipe at prinsesa ng Lightonia." Sambit ni Abing kay Pinunong Molver.

"Maligayang pagbabalik dito sa kaharian ng Limptonia mga prinsipe at prinsesa. Ikinagagalak ko ang inyong muling pagbisita dito." Nakangiting sabi sa amin ni Pinunong Molver at ramdam mo galak sa boses nito.

Ngumiti lang kami dito.

Napabaling naman ang tingin niya kay Dave at medyo napakunot ang kanyang noo.

"At sino naman tong bago niyong kasama? Bakit ramdam ko ang kakaibang aura sa kanyang katawan." Tanong ni Pinunong Molver sa amin.

"Siya nga pala si Dave, Pinunong Molver. Galing siya sa mundo ng mga tao." Pakilala ko kay Pinunong Molver sa kasama naming si Dave.

Nag-aalalangan namang ngumiti si Dave dito tsaka bahagyang yumuko.

Matagal Niya pang tinitigan si Dave bago niya ito pinutol at bumaling sa amin.

"Maupo muna kayo." Alok nito sa amin sa upuang nasa harap ng mesa niya.

"Alam kong kaya pinadala kayo ni Headmaster Yuro dito sa kaharian ng Limptonia dahil dumating na sa inyo ang balitang sinalakay kami ng mga Darkona noong isang araw para piliting umanib dito." Sabi nito sa amin ng maka upo na kami.

"Opo Pinunong Molver. Kanina nga po , habang naglalakbay kami patungo dito sa kaharian niya ay bigla nalang may mga Darkonang humarang sa amin at sinugod kami." Sabi naman ni Aquina kay Pinunong Molver.

"May naramdaman akong malakas na pwersa kanina. Kung hindi ako nagkakamali ay galing ito sa bagong kasama niyo ngayon hindi ba?"tanong ni Pinunong Molver.

Nagkatinginan muna kami bago tumango habang si Dave naman ay nakayuko lang ang ulo.

"Balita ko ay malaking pinsala ang dinulot ng pagsugod ng mga Darkona di sa Limptonia." Pag-iiba ni Dolfer sa usapan marahil ay ramdam niya hindi komportable si Dave sa usapang iyon.

Huminga muna ng malalim si Pinunong Molver bago nagsalita.

"Sa katunayan nga ay maraming namatay na mga Limpton dahil sa ginawang pagsugod sa Amin ng mga Darkona. Kunti lang kaming mga nakaligtas sa kanila." May lungkot na sabi nito sa amin.

"Wag po kayong mag-alala Pinunong Molver. Nandito po kami upang bantayan kayo kung sakali mang lulusob muli ang mga Darkona dito sa Limptonia. Hindi namin hahayaang may mamatay pa dahil sa kanila." Seryosong sambit ni Leno.

"Maraming salamat sa inyo. Malaking tulong ang gagawin niyong pagbabantay at pagligtas sa amin kung sakali ngang lumusob muli dito ang mga Darkona." Nangiting pasalamat sa amin ni Pinunong Molver.

Ngitian lang namin.

"Oh sige na. Alam kong pagod kayo sa ginawa niyong paglalakbay at pakikipaglaban sa mga Darkona kaya ipapahatid ko na kayo sa inyong mga silid na paglalagian." Sabi ni Pinunong Molver at tinawag si Abing tsaka inutusang dalhin kami sa aming magiging silid.

Nang makarating kami sa aming mga silid ay agad kong inayos ang mga dalang gamit ko .

Pagkatapos kung ayusin ang mga gamit namin ay may kumatok sa pinto ng silid ko tsaka sinabing kakain na kami.

Lumabas na ako ng kwarto tsaka ko sinundan ang babaeng sumundo sa akin.

Nakita kong nakaupo na silang lahat sa hapag kainan at hinintay nalang ako upang magsimula ng kumain.

"Wow! Ang sarap ng mga pagkain ." Rinig ko pang bulong ni Dave ng magsimula na kaming kumain kaya mahina akong natawa.

Narinig ko ring natawa ng mahina ang mga kasamahan ko marahil ay narinig din nila ang sinabi ni Dave.

Nang matapos kaming kumain ay bumalik na kami sa aming kanya-kanyang silid.

Nang makapasok ako sa aking silid ay nilock ko ang pinto tsaka ko hinagis ang aking katawan sa malambot na kama.


Hay! Sa wakas ! Makakapagpahinga na rin.

___________________________________
Don't forget to vote and Comment 🙏

Dangerous Gay ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon