❣️Power 30❣️

6.2K 382 1
                                    

Dave's Pov

Hindi rin kami nahirapang talunin ang mga Cropem kaya kami uli ang tinanghal na panalo.

Ngayon ay nanonood kami sa labanan ng mga Hercon Students. Kasama na doon ang mga elementalist which is ang mga Prinsipe at mga Prinsesa.


Masasabi kong malalakas nga talaga ang mga Hercon Students basi sa napanood kong laban nila. Ngunit lamang parin ang mga elementalist.

Hindi nagtagal at ang mga elementalist nga ang nanalo.

Well , hindi na nakakapagtaka yun. Isa ang mga elementalist sa malalakas na Lakona sa buong Lightonia kaya inaasahan ko nang sila talaga ang mananalo.


Ngayon ay ang mga elementalist na ang makakalaban namin. Alam kong malalakas sila at hindi basta-basta matatalo pero gagawin parin namin ang lahat upang manalo sa gagawin naming labanan.







Nandito na kami ng mga kagrupo ko sa loob ng malaking stage kung saan kami maglalaban ng mga elementalist.

Nasa harap namin sila habang nakatingin lang sila sa amin ng seryoso. Kahit na si Dolfer ay seryoso ring nakatingin sa amin kaya tiningnan ko rin sila ng seryoso.


Nang marinig namin ang malakas na putok hudyat na nagsila na ang laban ay hindi namin namalayan ang biglang pagpakawala ng mga air spike ni Carlo kaya hindi kami nakaiwas at tinanggap nalang ang atake niyang yun.

Kita kong nasaktan ang mga ka grupo ko sa biglaang atakeng iyon ni Gary. Kahit ako ay nasaktan din.

Nang makabawi kami ng lakas ay nagpalabas ng malakas na kidlat si Gary patungo sa dereksyon nila ngunit nagulat ako ng gumalaw ang stage sa harap nila tsaka ito humarang sa kanila dahilan upang hindi sila natamaan ng atake ni Gary.

Alam kong si Ashira ang may gawa nun.

Inilapat ni Mary ang mga kamay niya sa stage tsaka may lumabas na malalaking ugat sa harap mismo ng mga elementalist at sinugod sila ngunit sinusunog lamang ito ni Leno.

Sinabihan kong gumawa ng illusion si Jane para hindi nila makita ang gagawin naming atake. Nang makagawa na siya ng illusion ay alam na nila ang dapat na gawin. Napagplanuhan na namin to na lalaban namin ng mano-mano ang mga elementalist nang sa ganon ay hindi nila magamit sa amin ang kanilang kapangyarihan. Hinarap ni Gary si Leno , si Diane naman ay si Carlo, si Mary naman ay si Aquina at si Jane ay si Ashira samantalang ako ay si Dolfer. Sinamantala namin ang pagkakataong hindi kami nakikita at mabilis namin silang inatake. Hindi ko muna pinag-tuonan ng pansin ang mga kasama ko at nakatutok lang ako sa kalaban ko ngayon. Isinantabi ko muna ang pagkagusto ko sa kanya at tinuring siyang kalaban sa ngayon.

Mabilis itong tumayo galing sa pagkakatumba at aktong iaangat na niya ang tingin niya sa akin ngunit mabilis akong nagpakawala ng malakas na suntok at tumama iyon sa sikmura niya. Mabilis siyang nakabawi at nagpalitan kami ng mga suntok at sipa.

Habang nagpapalitan kami ng mga atake ni Dolfer ay biglang nawala ang illusion na ginawa ni Jane .

Lilingon na sana ako sa pwesto nila ng mabilis akong tumilapon dahil sa lakas ng suntok na pinakawalan ni Dolfer. Hindi ako halos makatayo dahil sa pananakit ng aking katawan. Ramdam ko narin ang panghihina ngunit pinipilit ko paring bumangon. Pagtingin ko sa mga kasamahan ko ay nagulantang ako sa mga kalagayan nila.

Nakasalampak na silang apat sa sahig at kita ko sa mga mukha nila ang mga sugat at pasa na natamo nila.

Bigla akong nakaramdam ng galit sa nakikita kong kalagayan nila.

" Hindi ko akalain na seseryosohin niyo talaga ang labanang ito. Hindi ko inakalang kaya niyong saktan ang mga kagrupo ko ng ganyan kalala para lang manalo." Malamig kong sabi sa kanila ngunit mahihimigan sa tono ko ang galit.




" Gusto niyo ng seryosong laban sige pagbibigyan ko kayo." Malamig ko pa ring sabi sa kanila.



Third Person's Pov


Matapos marinig ng mga elementalist ang sinabing iyon ni Dave ay bigla silang nakaramdam ng kunting takot ng makita nila ang nakakakilabot na aurang unti-unting nilalabas ng katawan ni Dave.


Sa isang iglap lang ay biglang nawala sa harap nila si Dave. Nagpalinga-linga sila upang hanapin ito ngunit hindi nila ito mahanap.

Pati ang mga nanonood ay hinanap rin si Dave kasama na doon ang mga hari at reyna ngunit hindi nila nakita ito.

Maya-maya pa ay bigla sumulpot si Dave sa harap mismo ni Carlo na siyang ikigulat ng binata ngunit bago pa man ito makakilos ay magkakasunod na suntok at sipa ang natanggap niya mula kay Dave. Sa lakas ng mga suntok at sipa na pinakawalan niya kay Carlo ay agad itong nawalan ng malay.

Makikita mo sa mukha at katawan ni Carlo ang pasa at mga sugat na gawa ng mga atake ni Dave sa kanya.

Halos hindi makapaniwala ang mga manunood sa bilis ni Dave.

Biglang nawala muli ang presensya ni Dave at sumulpot ito sa harap mismo ni Leno at agad na hinawakan ang mukha ni Leno tsaka niya ito walang tigil na pinagsusuntok. Halos hindi na mamukhaan si Leno dahil sa pasa at sugat nito sa kanyang mukha. Tumigil lang si Dave sa ginawa niyang pagsutok kay Leno ng maramdaman niyang wala na itong malay.

Bumagsak si Leno sa lapag ng stage ng bitawan siya ni Dave.

Hinarap ni Dave ang tatlong natitirang mga elementalist at tiningnan ito ng walang emosyon.

Kahit si Dolfer ay nakaramdam ng takot sa katauhang ipinakita ngayon ni Dave.

Dahil ayaw ni Dave na saktan ng husto sina Ashira at Aquina ay pinalutang niya ang dalawa at mabilis na hinagis ng malakas dahilan upang malakas na sumalampak  ang katawan ng dalawang babae sa nasisilbing harang ng stage kaya mabilis silang nawalan ng malay.


Ngayon ay si Dolfer at Dave nalang ang nasa loob ng stage.

Tutok na tutok ang mga nanunuod sa stage na nasa harapan nila.

Nagtitigan sila Dave at Dolfer. Seryoso lang ang mukha ni Dolfer habang ang kay Dave naman ay walang emosyon na makikita.

Mabilis pa sa kidlat na nakalapit si Dave sa harap ni Dolfer at binigyan ito ng malakas na suntok sa sikmura kaya napaluhod si Dolfer sa sakit na naramdaman niya sa kanyang sikmura. Hindi paman ito nakabawi ay mabilis na sinipa ni Dave ang mukha dahilan upang sumalampak ito sa lapag ng stage dahan-dahang nilapitan ni Dave si Dolfer at yumuko dito ng kunti.



"Sorry." Mahinang sabi ni Dave kay Dolfer at nagpakawala ng malakas na suntok dito dahilan upang tuluyan ng mawalan ng ulirat si Dolfer.


Halos hindi makapaniwala ang mga manunuod sa kanilang nasaksihang labanan.

Hindi nila lubos akalain na natalo ni Dave ng walang kahirap hirap ang mga elementalist.

Kahit ang mga reyna at hari ay hindi rin makapaniwala sa kanilang nasaksihang labanan.

Maya-maya pa ay biglang napaluhod si Dave at natumba sa lapag ng stage.

Ngunit bago pa ito tuluyang mawalan ng malay ay may tumulong luha sa mga mata nito.


__________________________________
Don't forget to vote and Comment 🙏

Dangerous Gay ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon