❣️Power 10❣️

7.5K 429 4
                                    

Dave's Pov

Nang mamukhaan ko ito ay nalaman kong si Dolfer pala ito.

Nakaupo lang ito sa may bench habang nakatingin ito sa kalangitan.

Lumapit ako sa pwesto niya at tumabi sa kanyang umupo.

"Ang ganda pagmasdan ng mga bituin sa langit no? Lalo na ang maliwanag at bilog na buwan." Basag ko sa katahimikang bumabalot sa amin.

Hindi siya nagsalita at nakatuon lang ang atensyon sa pagtingin sa taas.

" Bakit hindi ka nagsasalita? May deperensya ba sa lalamunan mo?" Ngunit wala paring epeyk.

Nagsimula na akong mainis sa lalaking to ha!

Gwapo nga ngunit suplado naman.

" Kaya siguro ayaw mong magsalita dahil mabaho yang bibig mo no?" Nang dahil sa sinabi ko ay tinititigan niya ako ng masama.

"Anong pakialam mo kung ayaw kong magsalita?" Masungit nitong sabi sa akin.

"Bat ba ang sungit at suplado mo? Pinaglihi ka ba ng nanay mo  sa sama ng loob ?char." Ngunit waley na naman. Ingnore na naman yung ate niyo.

"May problema ka ba? Halika pag-usapan natin ! Magaling akong mag advice lalo na kung tungkol sa pag-ibig." Nakangiti ko paring sabi sa kanya kahit  na nakaramdam na ako ng kunting inis.

"Sige na ! Wag kanang mahiya ! Alam mo bang it's better to talk with stranger dahil nasasabi mo yang kinikimkim mong problema jan sa loob mo." Pangungulit ko pa sa kanya.

"Bat ba ang kulit mo? Umakyat ka na nga sa kwarto mo at matulog na." Inis na sabi nito sa akin habang nakatingin parin sa kalangitan.

" Ayaw ko nga ! Gusto kong marinig yang kinikimkim mo sa loob mo." Hindi ko parin siya tinitigilan.

"Sige na nga! Ako na ang unang magkukwento. Ahemmmmmm! Alam mo ba yung feeling lumaki kang hindi mo kilala yung mga totoo mong mga magulang? Yung feeling na minsan mapapatanong ka na lang sa sarili mo kung mahal ka ba ng gumawa at nagluwal sayo sa mundong ito? O ni minsan ba sinubukan nila akong hanapin man lang." Hindi ko namalayang kusa na palang tumulo ang luha ko kaya pinahid ko muna ito bago nagpatuloy.

"Mabuti nalang may kumupkop sa aking mabubuting tao at tinuring akong totoong anak nila. Hindi nila pinaramdam sa akin na iba ako sa kanila . Pinaramdam nila sa akin kung gaano nila ako kamahal gaya ng pagmamahal nila sa tunay nilang anak. Ngunit dadating talaga tayo sa puntong mawawala sa atin ang mahal natin sa buhay. Isang araw may dumating na kakaibang nilalang sa bahay namin sa may bundok. May mga kapangyarihan din sila kagaya namin ngunit hindi ko alam kung anong klaseng nilalang sila . Pinatay nila ang mga tinuring kong mga magulang at ang nag-aruga sa akin mula nung sanggol pa ako. Kaya mula noon , ipinapangako kong hahanapin ko ang mga nilalang na pumatay sa kanila at maghigante." Pagkukwento ko sa kanya.

Kita ko sa ekspresyon ng mukha niyang medyo nalungkot siya sa kwenento ko ngunit hindi parin siya kumibo.

Tumayo na ako .

"Sige , mauna na ako sa loob . Magpapahinga na ako." Sabi ko at maglalakad na sana ako ng hinawakan niya ang kamay ko upang pigilan.

May naramdaman ako munting kuryento ng hawakan niya ako sa kamay ngunit hindi ko nalang ito pinansin.

"Akala ko ba pakikinggan mo yung kinikimkim kong problema."sabi nito sa akin.

Napangiti naman ako tsaka muling umupo sa tabi niya.

" May isang babaeng minahal ko. Sobrang bait niya at maaalahanin. Maganda rin siya at parang babasaging kailangang ingatan. Sa kanya lang ako nakakaramdam ng kakaibang saya sa tuwing kapiling at kasama ko siya. Sobrang sweet namin sa isa't- isa. Yung tipong halos hindi na kami mapaghiwalay pa at palagi lang magkasama . Ngunit dumating ang araw na bigla nalang siyang nawala na parang bola. Sinubukan ko siyang hanapin kung saan-saan. Halos mabaliw na ako sa kahahanap sa kanya ngunit ni anino niya ay hindi ko nakita. Kaya simula no'n ay naging mailap na ako sa iba at naging malamig na ang pakikitungo ko sa aking mga nakasalamuha." Kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata habang kenukwento niya sa akin yon.

" Hayaan mo't makaka move-on ka rin ! Hindi lang siya ang babae dito sa mundo . Marami pang iba diyan na deserving para sa pagmamahal mo. Maghintay ka lang at kusa siyang darating sa buhay mo. " Nangiti kong sabi sa kanya.

Matapos ang nangyaring madrama na kwentuhan namin ay nagkwentohan pa kami about sa ibang bagay.

Ngayon naiintindihan ko na kung bakit laging walang emosyon ang mukha niya at hindi masyadong nagsasalita.

Wag kang mag-aalala Dolfer.

May dadating para sayo.

Maghintay ka lang.

___________________________________
Don't forget to vote and Comment 🙏

Dangerous Gay ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon