❣️ Power 39 ❣️

7.1K 383 17
                                    

Dave's Pov

" Omygosh sizs!!! I miss you !!" Malakas na sigaw sa akin ni Diane at sinalubong ako ng mahigpit na yakap.

"Huhuhu! Sobrang nag-aalala kami sa iyo teh noong nawala ka bigla." Umiiyak na sabi ni Diane habang nakayakap parin sa akin.

Medyo natawa naman ako sa tinuran niya. Hindi kasi si Diane yung tipong iyakin. Oo madalas at kalog siya pero hindi siya yung tipo ng tao na iyakin.

" Tsk! Tumigil ka nga sa kakaiyak mo! Hindi bagay sayo! Nagmumukha ka talagang si Imaw." Pang aasar ko dito para timigil siya sa pag- iyak.


Kumalas naman siya sa yakapan namin tsaka ako tiningnan ng masama.

" Hindi kailan man naging si Imaw tong ganda ko. Sadyang insecure ka lang talaga sa aking taglay na kagandahan." Pagmamayabang nito sa akin.

" Ayan ka naman sizs eh! Nag aasume ka na naman na maganda ka . Sa buhay natin teh kailangan nating tanggapin kung pangit talaga tayo. Katulad mo." Nakingisi kong balik asar dito.

Medyo napatitig naman siya akin at tila sinusuri ako .

"Pansin ko lang teh .  Bakit parang bigla nalang kuminis at pumuti yung balak mo. Yung mata mo naman ay naging kulay abo. Pati yung buhok iba-iba ang kulay. Saan ka ba nagpasalon ang ng ma try ko naman." Biglang sambit nito ng mapansin niya ang new look ko.

" Tsk . Kahit pa magpasalon ka hindi parin mababago yang kapangitan mo. Kung gusto mo teh magpawelding ka nalang baka sakaling gumanda ka pa ng kunti." Nakangisi kong pang-aasar dito. Ayaw ko munang sabihin sa kanya kung bakit naging ganito ang hitsura ko.

Ang ate niyo napikon ata sa sinabi ko kaya ayon nag walk out patungo sa upuan niya habang nakanguso na parang tukmol kaya hindi ko maiwasang matawa sa tinuran niya.

Nandito ako ngayon sa classroom ng unang klase namin.

Matapos ko kasing makausap si Headmaster Yuro kahapon at ang ginawa ko hindi pagpansin sa mga elementalist ay dumeretso na ako sa dorm namin ni Gary.

Nagtataka nga ako ng makarating ako sa dorm namin ay hindi ko naabutan si Gary doon. Hanggang sa sumapit ang gabi ay wala paring Gary ang aking nakita sa dorm.

Paggising ko kaninang umaga ay hindi ko parin nakita si Gary. Medyo nag-alala narin ako sa lalaking yun baka may nangyaring masama na doon o lumipat na siguro siya ng dorm pero imposible naman yun dahil nasa dorm pa ang mga gamit niya ng tingnan ko sa kwarto niya.

Ako lang mag-isa ang tumungo sa  unang klase ko dahil hindi ko kasama si Gary.

Bumuntong hininga nalang ako tsaka tinungo narin ang aking upuan. Naabutan ko doon si Diane na nakanguso parin at ng makita niyang nakatingin ako sa kanya ay inirapan niya ako kaya natawa ako ng mahina.

Hindi nagtagal ay dumating na ang unang guro namin. Medyo nagulat pa nga siya ng makita ako. Tinanong niya pa ako kung saan daw ako nanggaling dahil isang buwan akong nawala ngunit sinagot ko lang siya na bumalik ako sa dating mundo ko sa mundo ng mga tao dahil namiss ko doon. Hindi na naman pa nagtanong ang aming guro at nagsimula nalang mag discuss.


Nang dumating na ang lunch break ay kaming dalawa lang ni Diane ang tumungo ng cafeteria. Yung ibang estudyante nga na nadadaanan namin ay napapatingin sa amin , or should i say sa akin. Siguro nagtataka sila kung bakit naging ganito yung hitsura ko . Hindi ko nalang pinansin ang mga tingin na pinupukol nila sa akin at nagpatuloy lang kami sa paglalakad.

Nang makarating kami sa cafeteria ay napatangin din sa amin ang mga estudyante sa loob. Yung ibang kalalakihan ay tinapunan ako ng mga malalagkit na tingin. Nakita ko rin nakatingin sa amin ang mga elementalist na nasa gilid nakaupo lalong lalo na si Dolfer. Napangisi ako ng may naisip akong kalokohan.  Nang matapos makaorder ni Diane ay pinauna ko na siya para makahanap ng aming mauupuan.

Naglalakad na ako patungo sa table kung saan nandoon si Diane. Nakasunod parin sa akin ang tingin ng mga elementalist. Napansin ko rin si Jelly na parang papatayin na ako sa uri ng tingin na pinupukol niya sa akin.

Nang mapadaan ako sa grupo ng kalalakihan na nakatitig sa akin ay sinadya kong magpatisod-tisod sa harap nila . Hindi naman ako nabigo sa aking binabalak at nakita kong tumayo yung apat na lalaki tsaka nila ako tinulungan.

"Okay ka lang miss?" Nang-aakit na tanong sa akin nung lalaking sime kalbo yung gupit na bumagay sa gwapo niyang mukha.

Ngitian ko naman siya tsaka sinabing okay lang ako.

Nakita ko sa gilid ng aking mata na biglang nagbago ang aura sa katawan ni Dolfer at nagbabaga ang kanyang mga tingin sa dereksyon namin. Success!

Nakita kong malagkit parin na nakatitig sa akin ang lalaking kaharap ko ngayon kaya tinitigan ko rin siya ng malagkit na tingin na siyang nagpangisi sa kanya. Unti-unti kong nilapit ang aking bibig sa kanyang tenga. Dinilaan ko ang gilid ng kayang tenga at sinigurado kong makikita yung ni Dolfer. Bumulong ako sa tenga ng lalaki na salamat pagtapos ay tinignan ko ito at aktong hahalikan ko na ito sa pisngi ng bigla nalang bumagsak sa lapag ang lalaking kaharap ko na siyang nagpagulat sa akin.


Nang tingnan ko kung sino ang gumawa nito ay nakita ko ang malademonyong anyo ni Dolfer habang galit na galit na pinagsusuntok ang lalaking nilandi ko kanina.

Hindi rin makalapit ang mga kasamahan ng lalaki dahil siguro sa alam na nila na wala silang laban kang Dolfer at isa pa ay isa itong Prinsipe.

Kahit ako ay nakaramdam ng kunting takot ng makita ko ang anyo ngayon ni Dolfer. Talagang papatay siya ng Lakona sa nakita kong aura niya ngayon.

Kahit medyo nakaramdam ako ng takot ay pinilit ko paring lapitan si Dolfer at inawat.

Nang tigilan niya ang kanyang pambubugbog sa lalaki na ngayon ay wala ng malay na nakahandusay sa sahig habang puno ng dugo ang mukha.

Medyo naguilty ako sa aking nakita sa ayos ng lalaki ngayon.

Bigla akong hiwakan ni Dolfer ng mahigpit sa aking kamay at kinaladkad ako palabas ng cafeteria.

Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ni Dolfer kaya patuloy lang ako sa pagpupumiglas sa kanya.


" Ano ba Dolfer?!!! Bitawan mo nga ako !!" Pagrereklamo ko dito habang pilit tinatanggal ang aking kamay sa ginawa niyang panghahatak dito ngunit hindi niya ako pinansin at patuloy lang siya sa pagkaladkad sa akin sa kung saan man.





Nakarating kami sa likod ng dorm ng mga elementalist at may nakita akong maliit na bahay dito .

Pumasok kami sa loob at dumeretso kami sa isang silid.

Nang makapasok kami ay bigla niya akong ibinalibag sa kama.

" Ano bang pro--" hindi ko na natuloy ang dapat kong sabihin ng pumatong siya sa ibabaw ko at walang pag-aalingan na siniil ako ng halik sa labi.

Lumaki ang mata ko dahil sa gulat ng paghalik niya.

Patuloy lang siya sa paghalik sa akin. Marahas , mapaghanap at sabik na sabik ang uri ng halik na pinukol niya sa aking mga labi .

Tumigil siya saglit at tumitig sa mga mata ko. Nagtitigan kami.











" Mamarkahan ko na ngayon ang pagmamay- ari ko."

________________________________
Don't forget to vote and Comment 🙏

Dangerous Gay ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon