❣️ Power 47 ❣️

5.9K 339 21
                                    

Dave's Pov

"Salamat po sa tulong niyo Reyna Evelofia at sa inyong lahat na Naga'ng narito. Lubos po akong nagpapasalamat sa pagpapatuloy niyo sa akin dito . Hindi ko po kayo makakalimutan." Sensirong sabi ko sa kanila.

Ngayon na ang alis. Kahit na dalawang araw lang ako dito sa kaharian ng Edenzonia ay masasabi kong naging masaya ang bawat oras ko dito. Kahit hindi ko pa nakakasalamuha ang ibang nilalang dito sa kaharian ng Edenzonia ay masasabi kong sapat na ang dalawang nilalang na nakasalamuha ko.

" Hindi ka rin namin malilimutan Dave." Sabi naman ni Reyna Evelofia sa akin tsaka nito kinuha ang isang singsing na nasa mga daliri nito.

" Tanggapin mo ang munting regalo ko sa iyo Dave. Sa pamamagitan nito ay malalaman ko kung kakailanganin mo ang tulong namin." Dagdag pa ni Reyna Evelofia sabay abot sa akin ng singsing na hinugot niya kanina sa isa sa mga daliri niya.

Nakangiti ko naman itong tinanggap.

" Maraming salamat po Reyna Evelofia ." Nakangiti kong sabi dito at niyakap ito.  Ramdam kong nabigla siya sa ginawa kong pagyakap sa kanya. Marahil ay ngayon lang niya naranasan ang mayakap basi sa reaksyon nito.

Kumalas na ako sa pagkakayakap sa kanya tsaka nakangiti kong binalingan ang mga Naga'ng nakangiting nakatingin lang sa amin ni Reyna Evelofia.

" Paalam sa inyong lahat mga kaibigan. Hanggang sa muli." Nangiti kong pamamaalam sa kanila bago ko kinuha ang kulay violet na box at hinagis ito sa lupa.

Ang kulay violet na box ay unti-unting bumukas at may lumabas na kulay violet na usok hanggang sa naging isa itong portal.

Bumaling muna ako sa kanilang lahat at kumaway tanda ng pamamaalam ko sa kanila bago ako tuluyang pumasok sa portal na nasa harap ko.




Iniluwa ako nito sa harap ng office ni Headmaster Yuro at malapit pa akong matumba dahil na out of balance ako ngunit mabilis kong naitukod ang aking isang kamay sa dingding malapit sa pintuan ni Headmaster Yuro.

Mabuti nalang at walang mga Lakonang nandito sa hallway malapit sa opisina ni Headmaster Yuro marahil ay nasa kanya-kanya pa nilang klase ang mga ito.

Hindi na ako nag-aksayang katukin pa ang pintuan ng opisina ni Headmaster Yuro at pinihit ko nalang ang siradura tsaka pumasok sa loob.

Halatang nagulat ko si Headmaster Yuro na nakaupo ngayon sa kanyang upuan malapit sa kanyang mesa kaya hindi ko maiwasang mapatawa ng mahina dahil sa nakitang reaksyon ko sa mukha nito.

" Oh! Nandito kana pala Mahal na Prinsipe!" Gulat parin nitong sabi sa akin habang mabilis na tumayo at yumuko bilang paggalang kaya napatawa ulit ako.

" Ano ba Headmaster Yuro ! Di mo na kailangan pang yumuko bilang paggalang sa akin. Hindi ako sanay na parang pinupuri ako." Natatawang saad ko dito at umupo sa isa sa mga sopang nasa  loob ng kanyang opisina.

Naglakad ito patungo sa sopang nasa harap ko at umupo dito.

" Hindi ko inasahang ngayon ka darating. Grabe! Natapos mo lang ang misyong binigay ko sayo sa loob ng isang araw." Manghang saad nito sa akin.

Ngumiti lang ako dito tsaka dinukot ang maliit na bote sa aking bulsa na binigay sa akin ni Gomo na pinuno ng mga Hegan tsaka ito ipinakita sa kanya.

" Magaling ! Hindi talaga ako nagkakamali na binigay sa iyo ang misyon na ito." Nangiti nitong sabi sa akin habang nakatingin sa hawak ko.

Nginitian ko lang siya tsaka nagsimula na kami mag-usap tungkol sa gagawin naming hakbang.

Sinabi rin sa akin ni Headmaster Yuro na simula daw nong umalis ako dito sa academy para gawin ang misyon na binigay niya sa akin ay halos oras-oras daw na pumupunta dito si Dolfer habang panay ang tanong nito kung saan ako. Halos hindi daw ito mapakali habang patuloy ito sa pagtanong sa kanya kung saang lupalop ako nagpunta kaya  sinabi nalang ni Headmaster Yuro dito na may ginawa akong misyon. Halos gawin daw siyang yelo ni Dolfer ng malaman nito na binigyan niya ako ng misyon na mag-isa . Bakit daw hindi sinama ni Headmaster Yuro sila sa ginawa kong misyon. Paano daw kong may mangyari sa aking masama , paano daw kong mahirap ang pinagawa niyang misyon sa akin , at marami pa daw siyang sinabi. Ngunit nang sabihin daw ni Headmaster Yuro na ako ang nagsabi sa kanya na hindi ipaalam sa kahit na kanino lalung-lalo na sa kanila ay huminahon daw ito ngunit nandoon pa din daw ang galit at pag-aalala sa mukha nito. Tawa lang ako ng tawa sa kwenento sa akin ni Headmaster Yuro. Hindi alintana ang problemang kinakaharap namin ngayon.

Natigil kami sa pag-uusap ni Headmaster Yuro ng biglang bumukas ang pintuan ng opisina ni Headmaster Yuro at iniluwa nito ang hinihingal na si Dolfer.

Nang makita ako nito ay bigla itong tumakbo patungo sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

Natawa ako nang mahina sa inasta ni Dolfer. Para siyang isang batang matagal na iniwang ng kanyang ina.

Nakasunod pala sa kanya ang ibang elementalist .

" Ano ba Dolfer! Dalawang araw lang akong nawala ngunit kung makayakap ka ay parang ilang taon akong nawala." Natatawa kung sabi dito.

Kumalas naman siya sa pagkakayakap sa akin tsaka ako tiningnan ng seryoso.

" Bakit hindi mo sinabi sa akin ang ginawa mong misyon. Bakit hindi mo hinayaan na samahan ka namin, na samahan kita. Paano kung may nangyari sayong masama. Paano kung napahamak ka doon. Paano ku---" hindi na niya natuloy ang dapat niyang sabihin ng siilin ko ng isang mapusok na halik. Nakita ko pang nagulat siya sa aking ginawa at rinig ko rin ang pagsinghap ng mga taong nasa loob ngunit hindi ko na sila binigyang pansin.

Nang makabawi si Dolfer sa pagkakagulat at gumanti na rin ito sa ginawang paghalik ko sa kanya. Ramdam ko ang kanyang kasabikan sa pamamagitan ng paghalik niya sa akin.

" Ehemmmm! Tama na ang laplapan. Alam kong namiss niyo ang isa't-isa ngunit hindi ito ang tamang lugar upang gawin niyo iyan. Kunting respeto naman sa aming nasa loob." Pag- awat sa amin ni Leno kaya natigil kami sa aming halikan ni Dolfer  pagkatapos ay natawa kami.

Biglang may pumasok ulit sa loob ng opisina ni Headmaster Yuro at halos mabingi kaming lahat sa loob dahil sa lakas ng sigaw nang isang babae.

" Siiiiiizzzzsssssss!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" Malakas na sigaw nang bruha kong kapatid tsaka ito tumakbo patungo sa akin.

Nabigla ako ng bigla niyang iwaksi si Dolfer na nakadikit sa akin at niyakap ako.

Kita kong nainis si Dolfer sa ginawang pagwaksi sa kanya ni Diane ngunit hindi na ito umangal pa at simaan nalang Niya ito ng tingin.

" Huhuhu! I thought you left me na sizs! Huhuhu! I thought you sama-sama na sa ibang lalaki para makipagtanan. I thoug---ARAYYY! Ano ba bat ka nambabatok nalang bigla." Nakanguso nitong sambit sa akin.

" Teh! Wag kang ngumuso . Ang chaka mong tignan. Nagmumukha kang si Barney." Ako naman ang nakatanggap ng batok galing sa kanya dahil sa sinabi ko.

" Hey! Wag mong saktan ang baby ko!" Bigla namang intrada ni Dolfer sa aming dalawa.

" Awww! Ang sweet na jowabels mo sizs! Ang sarap niyong e untog sa isa't-isa!" Masungit na sabi ni Diane sabay irap nito sa amin kaya natawa nalang kami.



" So ano nang plano natin? Hawak ni Reyna Shanely si Reyna Dabyrose at Haring Michael ngayon. Sigurado akong gagamitin niya ang mga ito laban sa atin." Biglang sabi ni Ashira kaya biglang naging seryoso ang ang atmosphere sa loob ng opisina ni Headmaster Yuro.

Ngumisi lang ako sa kanila.


















" Tingnan lang natin. Sisiguraduhin kung siya na mismo ang luluhod sa harap ko at hihilingin nalang ang kanyang kamatayan ."

____________________________________

Don't forget to vote and Comment 🙏

Dangerous Gay ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon