❣️Power 26❣️

6.3K 371 2
                                    

Dave's Pov

Nandito kami sa likod ng building ng dorm namin.

Dito namin naisipang mag ensayo. Bukod sa malaki ang pwesto ay tahimik din ang paligid.

"So dahil grupo tayo ay dapat may gagawin tayong leader." Biglang sabi ni Jane.

"Oo nga no?! Pwedeng si Dave nalang ang magiging leader natin. Bukod sa matalino ay madiskarte din siya pagdating sa mga ganitong bagay." Sabi ni Diane.

Tututol sana ako ng magsalita si Gary.

" Agree ako sa suggestion ni Diane na si Dave ang gagawin nating leader." Pagsang-ayon ni Gary.

Shuta tong dalawang to! Kaembyerna at ako pa talaga ang naisipang gawing leadr sa grupo namin.

"Okay! So Dave na ang magiging leader natin." Nakangiting sabi ni Mary kaya wala na akong nagawa kundi ang pumayag na maging leader nila.

"Okay. So ang una nating gagawin ay kailangan nating matutong lumaban ng mano-mano. Hindi sa lahat ng oras ay nakabasi lang tayo sa ating mga kapangyarihan. Hindi ibig sabihin na may kapangyarihan tayo para gamiting panlaban ay may pag-asa na tayong manalo. Kailangan nating matutong makipaglaban ng hindi tayo nakadepende sa ating mga kapangyarihan. " Mahabang sabi ko sa kanila.

Kita ko naman sa mukha nila na sang-ayon silang lahat sa sinabi ko.

" Hindi talaga kami nagkakamali na ikaw ang gawin naming leader." Nakangiting sabi ni Jane.

"Sabi ko naman sa inyo eh! Matalino yang sizsteret ko pagdating sa mga ganitong bagay." Pagmamayabang ni Diane sa kanila.

Sinabi ko sa kanilang uumpisahan na namin ang aming pag-eensayo kaya pumwesto na kami sa gitna.

" Okay guys! Una sa lahat ay kailangan natin matuto kung paano depensahan ang ating sarili sa malapitan. Hindi sa lahat ng oras ay nakapag atake tayo sa ating kalaban ng malayuan lalo na sa mano-mano. Kaya kailangan nating matuto kung paano natin depensahan ang ating sarili sa malapitan." Mahabang sabi ko sambit ko sa kanila.



"Naks! Feel na feel ang pagiging leader ah!" Pang-aalaska sa akin ni Diane kaya pinakyuhan ko lang siya gamit ang aking middle finger.

Nagsimula na kaming mag training kong paano namin depensahan ang aming mga sarili sa malapitan. Dahil mas marami kaming alam ni Diane pagdating dito dahil nung nasa mundo pa kami ng mga tao ay ito ang ginagawa namin sa tuwing nag-eensayo kami kaya naman tinuruan namin ang iba naming kasamahan kung paano depensahan ang sarili namin sa malapitan.


Matapos naming mag training kung paano depensahan ang aming sarili sa malapitan ay sinimulan na naming mag ensayo kung paano makipaglaban ng hindi ginagamit ang aming mga kapangyarihan.


"Ganito, maglalaban kami ni Gary samantalang kayo naman Jane at Mary ay lalaban niyo si Diane. " Suhesyon ko sa kanila.

Tumango naman sila kaya pumwesto na kami.

Hinarap ko si Gary.

Siya ang unang sumugod sa akin at inambahan ako ng isang suntok ngunit mabilis ko itong naiwasan tsaka ko hinawakan ang kamay niyang ginamit sa pagsuntok sa akin tsaka ko ito pinilipit patalikod pagkatapos ay sinipa ko ang likod ng kanyang kanang tuhod kaya napaluhod siya. Tinulak ko siya dahilan para mapasubsub siya.

Rinig ko pa ang pagdaing niya.

" Ang una mong gagawin ay huwag munang sumugod sa kalaban basta-basta. Kailangan mong mag-isip kng mabuti at mag concentrate. Wag kang basta-basta nalang susugod ng hindi mo pinag-iisipan ng maayos ang gagawin mong pagsugod." Pangaral ko dito.

Nagpatuloy kami sa aming mano-mano at kita kong medyo nag improve siya.

Nakita ko rin sina Mary at Jane na nakikipaglaban kay Diane.

Matapos naming mag-training ng mano-manong labanan ay nagpahinga muna kami.

"Grabe! Hindi ko inaasahan na ganon ka kagaling makipaglaban pagdating sa mano-mano." Hinihigal na sabi ni Gary ng makaupo kami.

"Kahit nga si Diane hindi man lang namin natamaan kahit dalawa na kami ni Mary." Hinihingal ding sabi ni Jane.

" Sanay na kasi kami sa ganito. Ito ang ginagawa namin ni Diane nung nasa mundo pa kami ng mga tao. Ginagawa namin ito para ma improve ang aming kakayahan sa pakikipaglaban gamit ang mano-mano." Sabi ko naman sa kanila.

"Tama yang si Sizsteret ko! Kaso sa tuwing naglalaban kami ay hindi ko siya matalo-talo! Hindi ko nga siya masyadong magalusan. Ako palagi ang kawawa." Nakangusong sabi ni Diane kaya napatawa kaming lahat.

Matapos naming magpahinga ay nagpatuloy na kami sa aming pag-eensayo.


Natapos ang buong araw na puro ensayo lang ang ginawa namin.

___________________________________
Don't forget to vote and Comment 🙏

Dangerous Gay ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon