❣️Power 16❣️

6.9K 399 6
                                    

Aquina's Pov

"Ano pong kailangan niyo Headmaster Yuro?" Tanong ni Leno ng makapasok kami sa loob ng office niya.

Nakita namin siyang tumayo tsaka kami hinarap.

"Mayroon kayong bagong misyon." Agad niyang sabi sa amin.

"What?! Hindi pa nga namin natapos ang misyon namin sa mundo ng mga tao tapos magkakaroon na namin kami ng panibagong misyon?!" Gulat na sambit ni Ashira.


"Hindi niyo muna itutuloy yung misyon niyo sa mundo ng mga tao. Mas importante itong misyon na ipag-uutos ko sa inyo ngayon." Seryosong sabi nito sa amin.

"Ano pong misyon ito Headmaster Yuro?" Seryosong tanong ko sa kanya.

Sa mukha palang ni Headmaster Yuro ay masasabi ko ngang importante itong ipagagawa niya sa amin ngayon.

Tumikhim muna siya bago nagsalita.

"Alam niyo naman siguro ang Limpton diba?" Seryosong tanong nito sa amin.

Tumango kami sa kanya.

Ang mga Limpton ay isang uri ng  nilalang na gumagawa ng mga iba't-ibang potion na ginagamit para sa pagpapagaling ng mga karamdaman. Sila ang pinakamataas na Healer dito sa mundo ng Lightonia. May mga healer namin kami dito ngunit ang napapaling lamang nila ay mga sugat at mga di masyadong malala na mga karamdaman.

"Nagkaproblema ngayon sa kaharian nila,  nabalitaan kong sinugod daw sila ng mga Darkona para piliting umanib sa kanila ngunit hindi pumayag ang mga Limpton kaya ang iba sa kanila ay pinaslang ng mga Darkona at ang iba naman ay nakatakas. Kaya iniuutos ko sa inyong puntahan ninyo ang kaharian ng Limptonia dahil alam kong babalikan uli sila ng mga Darkona para pilitin muling umanib sa kanila . Ang gusto ko ay iligtas at bantayan ninyo ang mga Limpton na nakaligtas."mahabang sabi sa amin ni Headmaster Yuro.


"Ano namang dahilan ng mga Darkona at naisipan nilang sumugod sa kaharian ng mga Limpton at pilitin ang mga itong umanib sa kanila?" Nagtatakang tanong ni Carlo kay Headmaster Yuro.

"Hindi ko rin alam pero may kutob akong gagamitin nila ang mga ito upang piliting gumawa ng mga mabisang potion na madaling makakapagpagaling ng anumang karamdaman o sakit. Maari ring may binabalak ang kanilang Reyna kaya niya inutusan ang mga alagad niyang sugurin ang mga Limpton at piliting sumama at umanib sa kanila." Sagot naman ni Headmaster Yuro.

"Kailan po kami pupunta sa kaharian ng Limptonia?" Tanong ko kay Headmaster.

"Mamaya na kayo aalis . Maganda nang mas maaga kayong makarating sa kaharian ng mga Limpton dahil hindi natin alam kung kailan susugod ang mga Darkona. Ngunit natitiyak kong susugod sila muli sa lalong madaling panahon." Sagot ni Headmaster Yuro sa aking tanong.

"Kung ganon po ay aalis na kami upang makapaghanda na kami ng aming mga dadalhin papuntang Limptonia." Paalam ni Ashira.

" Teka lang. May isa pa akong sasabihin sa inyo."biglang sabi sa amin ni Headmaster Yuro ng aktong lalabas na kami sa office niya.

"Ano po yun?" Tanong ni Leno sa kanya.


"Isama niyo si Dave." Nabigla kaming lima sa sinabi niya.

"What ?! No! Hindi pwede! Alam naman nating hindi pa siya ganon kabihasa sa labanan!" Agad na pagtutol ni Dolfer sa sinabing iyon ni Headmaster Yuro.

Napaling ang aming tingin sa kanya.

Wow! First time niyang tumutol sa mga sinabi ni Headmaster Yuro ah.

Alam namin siya yung tipong walang pakialam at sumusunod lang sa ano mang ipapagawa sa amin ni Headmaster Yuro.

Kaya nakakapagtaka kung bakit sa tumutol sa sinabi ngayon ni Headmaster.

" Ngunit may nararamdaman akong kakaiba sa batang yun. Alam kong malaki ang maitutulong niya gagawin niyong misyon." Sabi naman ni Headmaster Yuro sa kanya.

"Pero h- "hindi na niya natuloy ang sasabihin niya ng pinutol siya ni Headmaster Yuro.

" Wala ng pero-pero! May decision is final. Maari na kayong lumabas at maghanda ng mga dadalhin ninyo." Madiing sabi ni Headmaster Yuro.

Mabilis na binuksan ni Dolfer ang pintuan ng office ni Headmaster Yuro tsaka niya ito pabagsak na sinara.

Bakit kaya ganon umasta si Dolfer ng sabihin ni Headmaster Yuro na isasama namin sa aming misyon si Dave?

Alam kong hindi siya yung ganong tipo na basta-basta nalang tumutol sa desisyon ni Headmaster Yuro.

Hmmmmmm, i smell something fishy.

Napangisi ako ng may pumasok na idea sa isip ko kaya ganon siya umasta.

___________________________________
Don't forget to vote and Comment 🙏

Dangerous Gay ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon