❣️Power 17❣️

6.8K 427 2
                                    

Dave's Pov

Wala akong ideya kong bakit naisipan ni Headmaster Yuro na isama ako sa gagawing misyon ng mga elementalist.

Kaya wala na akong nagawa kundi mag-ayos ng mga gamit na dadalhin ko sa gagawin naming misyon.

Sabi nila Aquina sa akin ay mga tatlong araw daw kami mamalagi sa kaharian ng Limptonia kaya nagdala ako ng anim na pares ng damit tsaka underwear alangan namang pante. Heler? Bakla po ako pero hindi ako nagsusuot ng pante.

Nang matapos akong mag-ayos ng mga dadalhin ko ay lumabas na ako ng kwarto ko.

Saktong paglabas ko ng kwarto ay siya ring pagbukas ng pinto sa kabilang kwarto.

Nagtataka akong tiningnan ni Gary.

"Saan ka pupunta? Bat may dala kang mga gamit?" Nagtatakang tanong nito sa akin.

"Ah kasi, sinabi ni headmaster Yuro na sasama ako sa gagawing misyon ng mga elementalist."  Sagot ko naman nito.

Kita kong medyo nagulat siya sa sinabi ko.

"Isasama ka sa misyon ng mga elementalist?! Bakit daw?" Agad na tanong nito sa akin.

"Hindi ko rin alam eh, basta sinabi lang niya na sasama ako sa gagawing misyon ng mga elementalist. Hindi naman ako pwedeng tumanggi kaya sumang-ayon nalang ako sa kanya." Paliwanag ko dito.

"Kung ganon ay mag-iingat ka sa gagawin niyong misyon. Nawa ay mapagtagumpayan niyo ito kung ano man yan." Nakangiti ng sabi nito ngunit nakita kong medyo nag-aalala siya.

"Wag kang mag -aalala . Iingatan ko ang sarili. Oh sya! Mauna na ako , baka kanina pa nila ako hinihintay." Nakangiti kong paalam dito.

Lumabas na ako ng dorm namin tsaka tinungo ang daan papunta sa office ni Headmaster Yuro.

Nang makarating ako doon ay tama ako . Nandoon na silang lahat at ako nalang ang hinihintay.

"Tsk! Ang bagal." Rinig ko pang sabi ni Dolfer ngunit di ko nalang siya pinansin.

"Dahil nandito na kayong lahat ay bubuksan ko na ang portal na maghahatid sa inyo ngunit ang portal na ito ay hanggang sa kagubatan ng Dolef lang kayo mahahatid. Mag-iingat kayo sa misyon niyong to at aasahan ko na matatagumpayan niyo ito.".sabi sa amin ni Headmaster Yuro. May kinuha siyang kulay itim na maliit na box. Inilagay niya ito sa may pader tsaka kinumpas niya ang kanang kamay niya at ang maliit na box ay naging isang portal.

Nauna nang pumasok si Dolfer tsaka sumunod yung apat.

Papasok na rin sana ako ng bigla akong pinigilan ni Headmaster Yuro.

"Sinama kita sa misyon na ito dahil alam kong malaki ang maitutulong mo sa gagawin niyong to. " Sabi nito sa akin.

Ngumiti lang ako tsaka tumango sa kanya.

Pumasok na ako sa portal at maya-maya pa ay para na naman akong masusuka dahil sa hilong nararamdaman ko.

Ilang sandali pa ay bumagsak na ako sa lupa.

Pinagpagan ko muna ang suot ko bago tumayo.

"Maging alisto kayo. Delikado ang gubat na ito. Hindi natin alam Kung ano ang dala nitong panganib sa atin." Babala sa amin ni Dolfer kaya naging alisto kami.

Nagsimula na naming tinahak ang madilim na gubat na'to.

Ang creepy naman ng gubat na to.

Habang naglalakad kami ay may naramdaman akong kanina pa nakasubaybay sa amin at para bang binabantayan ang bawat kilos o galaw namin.

Ilang sandali pa ay biglang nagsalita si Dolfer.

"Maghanda kayo, ramdam kong kanina pa may nakamasid sa atin." Sabi nito sa amin na siyang sinunod naming lima.

Maya-maya pa ay may biglang sumulpot sa aming harap na mga nilalang na nakakabaro ng itim.

Hindi ko nakikita ang mga mukha nila dahil sa natatakpan ito ng kanilang baro.

"Mga Darkona!" Biglang sambit ni Leno.

So yan pala ang mga Darkona.

Ezzz! Nakakatakot naman silang tignan. Para silang mga zombie.

Nagsummon ang mga kasama ko ng kanya-kanyang mga sandata.

Si Dolfer ay Ice sword.
Si Leno ay Fire sword.
Si Carlo ay Air Sword.
Si Ashira ay Earth Sword.
Si Aquina ay Water sword.

Ako? Waley. Ayaw ko naman magsummon ng kahit anong sandata kahit pa sabihin nating kaya kong magsummon ng kahit anong sandata mang gugustuhin.

Ayaw ko munang ipakita sa kanila na may iba pa akong tinatagong kapangyarihan.

Biglang sumugod sa amin ang mga Darkona.

Dahil nga sa wala akong kahit na ano mang sandata ay pinalutang ko ang mga bato at mga matatalim na kahoy tsaka ko ito inagis sa mga Darkonang papasugod sa akin.

Kita kong nakipaglaban narin ang mga kasamahan ko sa iba pang Darkona.

Laban lang kami ng laban at parang hindi sila nauubos.

Naramdam narin ako ng pagod at panghihina at nakita kong pati rin ang mga kasamahan ko.

Maya-maya pa ay biglang huminto sa pagsugod sa amin ang mga Darkona tsaka nila tinanggal ang nakatakip na baro sa kanilang mga mukha.

Nagimbal ako sa aking nakita.

Biglang sumiklab ang galit sa loob ko na matagal ng nakakulong .

Naramdaman kong biglang humangin ng malakas, bumuhos ang ulan tsaka lumamig at yumanig ang lupa.

Napatingin sa akin ang mga kasamahan ko pati na ang mga Darkona na nasa harap namin.

Parang biglang may lumukob sa aking katawang malakas na enerhiya.

Alam kong sila yun.

Hindi ko nalilimutan ang hitsura nila.







Ang hitsura ng mga nilalang na pumaslang sa aking mga magulang.

___________________________________
Don't forget to vote and Comment 🙏

Dangerous Gay ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon