❣️Power 29❣️

6.1K 383 14
                                    

Dave's Pov

Shitness mga sizs!! Kinakabahan ako. Alam niyo yung feeling na puyat ka na nga tapos kinakabahan ka pa. Bakit? Well ngayon lang naman magaganap ang Battle of Palight.

Kung tatanungin niyo ako kung anong nangyari kagabi? Hay nako. Maikling storya.

Pagkatapos kasing umamin ni Gary sa akin kagabi ay hindi ako nakapagsalita.  Para akong kinuhaan ng bibig para hindi makapagsalita. Nang wala siyang nakuhang sagot galing sa akin ay tumayo na siya at tinungo ang kwarto niya. Nakita ko pa yung sakit at lungkot sa mukha niya ng sulyapan niya ako ulit bago pumasok.

Nakaramdam ako ng guilt. Ang pinakaayaw ko sa lahat ay yung nakakasakit ako ng damdamin. Feeling ko kasi naging masama ako pag nakakasakit ako ng damdamin ng iba.

Nakokonsensya ako. Hindi ko kasi alam kong anong e rereact ko kagabi nung nag confessed siya sa akin.

Hindi rin kami sabay na kumain ng agahan kanina. Maaga siguro siyang umalis dahil wala na siya sa kwarto niya nung kinatok ko siya upang kumain ng breakfast.

Alam kong kaya siya maaga umalis para iwasan ako.

Kung tatanungin niyo ako kung may feelings ba ako kay Gary. The answer is no. Hanggang pagkakaibigan lang talaga ang nararamdaman ko sa kanya. Alam niyo naman kung sino talaga yung gusto ko diba?

Hayzs! Wag ko nga muna isipin yung mga nangyari kagabi. Ayaw kong maapektuhan ang laban namin nang dahil lang doon.

Ayaw kong ako ang maging dahilan kung matalo man kami.

Nandito na kami ngayon sa venue kung saan gaganapin ang Battle of Palight.

Kami lang apat ang magkasama ng mga kagrupo ko dahil hindi ko alam kong nasaan si Gary. Talaga ngang iniiwasan na niya ako.

Ilang sandali pa ay nagsimula na ang Battle of Palight.

Nga pala ! Hindi kasali ang mga Banter sa Battle of Palight. Ang Cropem, Velmon at Hercon lang ang mga kasali.

Ang unang maglalaban ay ang mga Cropem Students.

Ganito kasi yun. Ipinaliwanag sa amin kanina kung ano ang criteria ng game.

Ang unang maglalaban ay ang mga Cropem Students. Kung kaninong grupo ang mananalo sa mga Cropem Students ay ilalaban naman sa nanalong grupo ng Velmon Students. Kung sino ang mananalo sa dalawang team ay siya ang lalaban sa mananalong grupo sa Hercon Students. Gets niyo? Basta . Yun na yun.

Nagsimula ng maglaban ang mga Cropem Students.

Masasabi kong malalakas din sila at may mga sariling strategy sa pakikipaglaban.

Matapos ang labanan ng mga Cropem Students. At may nanalo na. Kaya susunod na lalaban ang mga Velmon which is kami.  Nakaramdam ako ng kaunting kaba ng malamang kami na ang susunod na lalaban.

Hindi ko mapigilan ang mapangiti ng sa wakas ay dumating din si Gary. Akala ko hindi siya sasama sa aming makipaglaban. Nilingon niya ako at binigyan ng ngiti . Alam kong may lungkot paring nakatago sa likod ng mga ngiti niya kaya ngitian ko nalang din siya.

Mas lalong nadagdagan ang kaba ko ng nasa stage na kaming lahat ng mga Velmon Students.

Shitness! Kita ko ang kaba sa mukha ng mga kasama ko ngunit pilit nilang tinatagan ang kanilang loob at hindi nagpaapekto sa kabang naramdaman nila. Kaya i do the same. Tinatagan ko rin ang aking loob at isinawalang bahala ang kabang nararamdaman ko.

Luminga-linga muna ako at nagtagpo ang aming mga mata ng mahanap siya ng paningin ko. Binigyan niya ako ng isang ngiting nagsasabing 'good luck' .

Nasa gilid ng mga elementalist ang mga Hari at Reyna ng iba't ibang kingdom which is ang mga magulang ng mga elementalist.

Nakarinig kaming lahat ng malakas na putok na nagsasabing magsimula na ang laban.

Kita kong nag-umpisa ng maglaban laban ang mga kagaya naming Velmon.

Susugod narin sana ang mga kasama ko ngunit pinigilan ko sila. May planong nabuo sa isip ko.

" Jane , maglagay ka ng illusion na hindi tayo nakikita . Hihintayin natin kung kaninong grupo ang mananatiling nakatayo tsaka na tayo susugod." Sabi ko sa kanya. Ginawa naman niya ang sinabi at gumawa ng illusion na hindi kami makikita ng mga naglalaban sa loob ng malaking stage na ito.

Ilang sandali pa ang nakalipas ay isang grupo nalang ang natira. Kita ko sa mga mukha nila ang saya dahil akala nila ay sila ang nanalo sa labanan ng mga Velmon ngunit napalitan ng gulat ang mga mukha nila ng tanggalin ni Jane ang illusion na nakapalibot sa amin.

Nang matauhan ang isa sa kanila ay biglang may lumabas na mga galamay sa likod niya at inatake.

Nagawa namin iwasan ang atake niyang yun. Nang matauhan na ang mga kasama niya ay sabay-sabay nila kaming inatake. Nagsummon si Diane ng maraming matatalim na bakal tsaka niya ito itinira sa mga kalaban namin ngunit nakaiwas sila dito.

Bigla naman nagkaroon ng pakpak ang isa sa kanila tsaka ito  lumipad sa taas at iwina wasiwas ang pakpak niya at may mga matatalim na balhibo ng ibon na papunta sa aming dereksyon. Bigla naman nagpatubo ng malalaking baging si Mary tsaka niyo ito ginawang panangga sa ginawang atake ng kalaban naming iyon.

Nakita kong may parang kuryente ang dumaloy sa katawan ni Gary tsaka niya itinapat sa kalaban naming may pakpak ang kanang kamay niya at bigla itong nagpakawala ng isang kidlat. Hindi naiwasan ng kalaban naming may pakpak ang ginawang atakeng iyon ni Gary kaya natamaan ito at nahulog.

Ngayon ay apat nalang ang aming mga kalaban. Gumawa ng illusion si Jane na may malalaking halimaw na biglang lumitaw sa kalaban namin. Kita ko namang parang may sinabi yung isang kasamahan nila habang umiilaw ang kanyang mga mata.

Kita kong hindi sila natinag man lang sa ginawang illusion ni Jane. So may kasamahan pala sila na kayang malaman kung illusion ba ang isang bagay o hindi. Nice.

Sabay ulit nila kaming sinugod ng mga atake nila.

Haysz! Gusto ng tapusin to.

Pinahinto ko sa ere ang ginawang mga atake nila na papunta sa amin. Kita ko ang gulat sa mga mukha nila sa ginawa kong yun. Kita ko ring biglang nagulat ang mga nanununod sa ginawa ko.

Well that's one of my power.

Dahil sa gulat nila ay hindi nila namalayang ibinalik ko sa kanila ang ginawa sana nilang atake para sa amin. Kaya ayon lupasay silang lahat.

O diba? Sariling kapangyarihan lang nila ang gumawang tumalo sa kanila.



Kita ko ang saya at galak sa mukha ng mga kasama ko ng manalo kami.

__________________________________
Don't forget to vote and Comment 🙏

Dangerous Gay ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon