❣️ Power 15❣️

7K 408 10
                                    

Dave's Pov

"Sizs! Magkaklase pala tayo ngayon sa una nating klase?!" biglang sabi ni Diane sa akin ng makapasok na kami ni Gary sa magiging classroom namin sa unang klase.

Tong babaeng to talaga! Nakapabungangera. Mabuti nalang at wala pang masyadong estudyante sa loob at hindi pa dumating yung una naming guro.

"Hindi teh! Hindi tayo magkaklase! Bumisita lang ako dito." Pamimilosopo ko sa kanya.

"Wag mo nga a- " Hindi na niya natuloy yun dapat niyang sabihin nang mapabaling ang tingin niya sa kasama ko.

Kita kong napapaayos ito at inipit pa niya sa tenga yung buhok niya.

" Ah eh, wala ka bang balak sizs na ipakilala sa akin yang kasama mo?" Pabebeng sabi ni Diane sa akin sabay tingin ng malagkit kay Gary.

Ayan na naman yung kalandian niya! Umatake na naman.

"Ah sizs, ito pala si Gary . Gary si  Diane ,kapatid ko." Pakilala ko sa isa't-isa sa kanila.

Nginitian naman siya ni Gary.

"Ikinagagalak kong makilala ka Diane." Nakangiting sabi ni Gary kang Diane sabay lahad ng kamay niya.

At yung gaga! Mabilis pa sa alas kwatro niyang tinanggap yung kamay ni Gary! Tsk! Talandi talaga.

"Eke ren." Pabebeng sagot niya.

Hindi pa sana niya bibitawan yung kamay ni Gary kung hindi ko ito binuwag.

"Oh halika na kayo! Maghanap na tayo ng mauupuan baka dumating na yung guro natin."sabi ko sa kanila naghanap ng bakanteng mauupuan.

Sakto namang may tatlong bakanteng upuan sa likod kaya inaya ko silang doon nalang umupo.

Hindi rin nagtagal at dumating na rin yung una naming guro sa klaseng ito.

"Hi Students, ako nga pala si Ms. Maelyn Allison, ang magiging guro niya sa Power Class. Ipakilala niyo rin ang inyong sarili at kung ano ang kapangyarihan niyo dito sa harap." Sabi ni Ms. Allison.

Isa-isa nang nagpakilala ang mga ka klase ko hanggang sa si Diane na ang magpakilala.

"Hi guys! Ako nga pa si Diane Ramos, and I'm a summoner." Pakilala nito at nagsummon ng mga kutsilyo.

Nagpalakpakan naman yung mga kaklase ko matapos niyang magpakilala.

Sumunod naman ay si Gary na.

" Ako nga pala si Gary Doley , my power is Lighting." Nakangiti nitong pakilala. Hindi na niya pinakita pa ang kapangyarihan niya dahil alam naming delikado ito.

Ako na susunod kaya tumayo na ako at naglakad patungo sa harap.

"Hi guys, my name is Dave Ramos at ang aking kapangyarihan ay kaya kong komontrol ng kahit anong bagay." Pakilala ko sabay pinalutang ang lamesa sa harap.

Nagpalakpakan naman sila matapos akong magpakilala.

Hindi naman nagtagal at nagsimula ng mag discuss si Ms. Allison . Sinabi niya sa amin kung paano gamitin ng tama ang aming mga kapangyarihan.

Hindi nagtagal at natapos narin ang aming unang klase.

Magkasama kami ngayon ni Gary papuntang next class namin . Sa Physical Combat Class.

At dahil first day pa nga ng school namin, halos puro lang kami introduce yourself. Wala namang pinagbago eh.

Dumating ang aming lunch break kaya sabay kami ni Gary na pumunta ng cafeteria nitong academy.

Pagdating namin don ay nadon na si Diane  kami nalang pala ang hinihintay niya. Nag order na kami ng aming kakainin. Kahit naman hindi magkapareho ang pagkain dito sa magic world at sa mundo kung saan kami ng galing ni Diane ay masasabi ko paring masarap ang foods nila dito.


Habang kumakain kami ay may limang studyante ang biglang pumasok sa cafeteria. Mabilis ko silang nakilala. Ang mga elementalist.

Nga pala. Nalaman ko ring mga anak pala sila ng mga hari at reyna kaya pala kulay gold ang kulay ng uniform nila.

At base sa reaksyon ng mga estudyante dito sa loob ng cafeteria ay talagang kagalang-galang sila dahil bawat estudyanteng nadadaan nila ay yumuyuko tanda ng paggalang sa  kanila.

Maya-maya pa ay napabaling ang tingin ni Ashira dito sa pwesto namin Kaya napangiti siya at parang may sinabi siya sa mga kasama niya kaya napatingin din sila dito sa pwesto namin.

Nakangiti nilang tinungo ang dereksyon kung saan kami nakaupo.

"Hi Ashira, hi Aquina,hi fafa Carlo ,hi fafa Leno and hi fafa Dolfer." Masayang bati sa kanila ni Diane ng makarating sila dito sa pwesto namin.

Nginitian din siya pabalik nung apat ngunit si Dolfer ay nanatili paring seryoso at walang emosyon ang kanyang mukha. Tsk! Suplado na naman.

"Pwede ba kaming makeshare dito sa inyo?" Nakangiting tanong sa amin ni Aquina. Nginitian din namin sila tsaka tumango.

Dahil nga sa hindi kami kasya sa isang table ay kinuha nila ang isang table na malapit sa amin siya idinikit ang dalawang table para magkasya kami tsaka kumuha rin sila ng mga upuan nila.

Kanina ko pa napapansin na halos lahat ng estudyante sa loob ng cafeteria ay sa amin nakatingin.

Yung ibang mga babae ay masamang nakatingin sa akin at kang Diane. Problema nila?

Di ko nalang sila pinansin at pinagtuonan nalang ang mga kasama ko.

Matapos mag order nila ng kanilang pagkain ay nagsimula na kaming kumain habang nagkukwentuhan.

Pinakilala ko narin sa kanila si Gary. Matapos naming kumain ay nagpaalam na silang aalis na sila dahil may importante pa daw silang aasikasohin.

Kami naman ay bumalik na rin sa mga klase namin.

___________________________________
Don't forget to vote and Comment 🙏

Dangerous Gay ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon