❣️ Power 42❣️

6.8K 353 21
                                    

Dave's Pov

Mag- isa pa rin akong naglalakad ngayon patungo sa klase ko. Hindi parin nagpakita si Gary sa akin. Nag-aalala na ako sa kalagayan niya baka kong napano na siya. Baka kinuha siya ng mga Darkona at walang awang pinatay. Char.

Siguro may inaasikaso lang siguro yun kaya hindi na muna umuwi sa dorm namin ito.

Nang malapit na ako sa silid kung sa saan ang magiging unang klase ko ay naaninag ko sa labas nito ang lalaking kasama ko kahapon, kasama niya ang mga elementalist na ngayon ay nag-uusap at waring may hinihintay.

Nang makita ako ni Dolfer na paparating sa kinaroon nila ay nasilayan ko ang bumalatay na ngiti nito sa labi na naging dahilan upang gumwapo pa siya sa paningin ko.

Himala ata at hindi ko nakikita si Jelly na nakabuntot sa kanila. Ano kayang nangyari sa higad na yun at hindi kasama ito kasama ng mga elementalist? Tsk. Pake ko?char.

Nang makalapit ako sa kanila ay hindi ko inaasahan ang bigla nitong paghalik sa akin. Nakita ko rin ang pagkabigla sa mga mukha ng kaklase ko sa nasaksihan nila lalung-lalo na si Diane na ngayon ay parang buwaya yung bibig sa laki na pagkakanganga nito. Ba't ang OA naman ng reaksyon nitong babaeng to?

Iniwas ko ang tingin sa mga kaklase na hindi parin nawala ang gulat at binalingan ko ang walang hiyang lalaki sa harap ko na bigla nalang manghahalik.

" Bakit mo ginawa yun?" Mahinang bulong ko dito dahil nahihiya pa rin ako sa ginawang paghalik nito.

Ngumiti lang ang loko tsaka sumagot.

" May problema ba kung hahalikan ko ang boyfriend ko?" Malokong tanong nito sa akin. Shitness! Para na talaga akong kamatis ngayon dahil ramdam ko ang pang-iinit ng mga pisngi ko tanda na namumula na ito . Shuta tong lalaking to. Nahihiya na ako ngayon dahil sa pinaggagawa at pinagsasabi nito at the same time kinikilig din.

" Tsk! Ano bang ginagawa niyo dito?" Paglilihis ko sa usapan tsaka binalingan ng tingin ang mga kasama niyang elementalist.

Nga pala. Nagkakaayos nakakaayos na kami ng mga elementalist kahapon.

FLASHBACK;

"Anong ginagawa niyo dito ?" Tanong ni Dolfer sa kanila na parang wala lang sa kanya na nahuli kami ng mga elementalist na nasa ganon kaming posisyon.

Nandito kami ngayon sa sala nitong bahay sa likod ng dorm nila. Kahit maliit lang ito ay may sala at kusina parin ito ngunit hindi ganon kalaki.

Tumikhim muna si Ashira bago sumagot.

" N-Nandito kami dahil hinanap ka namin. Hindi ka kasi namin nakita sa dorm maging sa klase kaya nagbabakasakali kaming nandito ka at hindi nga kami nagkamali." Sagot ni Ashira sa tanong ni Dolfer. Ramdam kong medyo naiilang sila sa presensya ko ngayon. Akala guro nila ay galit parin ako sa kanila.

" Bakit niyo naman ako hinahanap?" Tanong ulit sa kanila ni Dolfer.

" Pinapapunta tayo ni Headmaster Yuro sa office niya dahil may mahalaga daw siyang sasabihin." This time si Carlo na ang sumagot.

Matapos sumagot ni Carlo ay namayani ulit ang katahimikan sa aming anim na wari'y nagpapakiramdaman kung sino na naman ang magbubukas ng topic.

" D-Dave pwede ka ba naming m-makausap?" Nauutal na tanong nito sa akin. Ramdam kong medyo naiilang parin ito sa akin dahil sa tono ng kanyang pananalita.

Dangerous Gay ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon