❣️Power 5❣️

8.6K 473 6
                                    

Dolfer Pov

"Grabe ! Hindi ko lubos akalain na ganon kalakas ang dalawang yun." Hindi makapaniwalang sabi ni Leno ng makauwi kami dito sa mansion namin sa mundo ng mga tao.

Kahit ako hindi ko inakala ang dalawang nilalang na yon lalo na yung baklang kasama nung summoner.

Nakaya niya pahintuin ang atake ko papunta sa kanila at ibinalik sa dereksyon namin.

Hindi basta-basta ang nilalang na may ganoong kapangyarihan.

"Kahit ako hindi makapaniwala lalo na dun sa baklang kasama ng summoner. Hindi karaniwan ang kapangyarihang meron siya." Segunda naman ni Ashira.

Hindi ako kumibo o nagsalita man lang. Nakikinig lang ako sa mga pinag-uusapan nila.

" Kailangan nating ipaalam kang headmaster Yuro ang kaganapang ito ! Ang mga ganitong pangyayari ay hindi dapat pinapalampas." Seryoso namang saad ni Carlo.

"Tama si Carlo, hindi pangkaraniwang tao ang dalawang nakalaban natin kanina. Maaaring isa sila sa atin o isa sa mga kalaban nating Darkonia." Pagsang ayon naman ni Aquina.

"Pero paano ang misyon natin dito sa mundo ng mga tao? Kailangan pa nating mahanap ang Blood Crystal Stone." Sabat naman ni Ashira.

"Mamaya na natin poproblemahin ang paghahanap jan, kailangan muna nating ipaalam ang balitang natuklasan natin." Malamig kong sabi sa kanila tsaka umakyat na sa kwarto ko.






Malalim na ang gabi ngunit hindi parin ako makatulog , iniisip ko parin ang nangyaring labanan sa pagitan namin at ng dalawang nilalang na yun.

Hindi ko kasi maalis sa isip ang kakayahan nung kasama ng summoner.

Sa pagkakaalam ko ay ang hari lang ng Lightonia ang may ganong uri ng kapangyarihan.

Nakaya niya ring magpalabas ng apoy na tanging ang fire elementalist lang may kakayahang gawin yun.

Sa pagkakaalam ko, kapag buhay pa ang may ari ng fire element ay ito lamang ang may kakayahang kontrolin at magpalabas ng apoy. Ganon din sa iba pang mga elementalist.

Alam kong may hindi pangkaraniwan ang nilalang na yun.

Malalaman ko rin ang buong pagkatao mo.

~~~~~~

Dave's Pov

Nandito ako ngayon sa may bentana ng kwarto ko.

Nakatingin lang ako sa magandang bilog na buwan habang inaalala ang mga nangyari kanina.

Sino ba sila ?

Wala naman kaming ginawang masama sa kanila para kalabanin kami.

Isa pa sa gumulo sa isip ko ay hindi rin sila mga normal na tao.

May kapangyarihan din sila Tulad namin ni Diane.

Sigurado akong hahanapin nila kami dahil nalaman nilang may kapangyarihan din kami kagaya nila.

Dahil nga sa hindi ako makatulog ay lumabas muna ako ng kwarto upang uminom ng tubig.

Sakto namang paglabas ko ay siya ring pagbukas ng pinto sa katabi kong kwarto at inuluwa nito si Diane.

"Hindi ka rin ba makatulog?" Tanong sa akin ni Diane habang naglalakad kami papuntang kusina.

Tumango ako sa kanya tsaka kumuha ng baso at binuksan ang ref upang uminom na malamig na tubig.

Pagkatapos kong uminom ay tinabihan ko si Diane na nakaupo sa upuang nasa gilid ng lamesa.

"Iniisip mo pa rin ba yung nangyari kanina ?" Tanong ko sa kanya.

"Oo, hindi ko maalis sa isip ko na baka balikan nila tayo o baka naman ay haharangan nila tayo bukas pag papasok na tayo sa unibersidad." Nag-alala nitong sabi sa akin.

" Huwag kang mag-alala, hangga"t nandito ako ay hinding-hindi nila tayo masasaktan."pagpapagaan ko ng loob dito tsaka siya niyakap.

Nang kumalas na kami sa aming yakapan ay bumalik na kami sa aming kanya-kanyang kwarto upang matulog na.

Hinding-hindi ko hahayaang may masaktan pa sa amin ni Diane.

Gagawin ko ang lahat upang hindi nila kami masaktan ng kapatid ko.

____________________________________
Hope you like it guys.☺️💕

Don't forget to vote and Comment 🙏



Dangerous Gay ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon