❣️ Power 38❣️

6.6K 401 12
                                    

Lalaktawan ko muna yung chapter 37 guys. Nagkaproblema kasi. Bigla nalang po nawala yung laman ng chapter 37 ko. Tiningnan ko na rin po sa history niya pero wala rin po. Pa help po guys kung paano ko ito maibalik.😔🙏

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Dave's Pov

Nandito ako sa harap ng pinto sa office ni Headmaster Yuro. Dito ko unang piniling pumunta upang makausap siya.

Hindi na ako kumutok at nagteleport nalang papasok sa loob. Sumulpot ako sa harap ni Headmaster Yuro na siyang ikinagulat niya. Makikita mo ang pinaghalong kaba at pagkagulat ng makita niyang sumulpot ako sa harapan niya.

"S-Sino ka p-paano ka n-nakapasok dito.?" Utal na tanong nito sa akin. Mahahalata mo talaga sa mukha niya ang kabang nararamdaman niya ngayon.

Nginisian ko siya bago sumagot.

"Nawala lang ako ng isang buwan ngunit nakalimulatan mo na ako agad." Tampu-tampuhan kong sagot dito.

Kita kong lumaki ang kanyang mga mata at hindi makapaniwalang tiningnan ako.

" D-Dave!" Hindi makapaniwalang sabi nito.

Ngitian ko lang siya sabay tango at pumunta sa upuang nasa harap ng mesa niya.

Nakatulala parin sa akin si Headmaster Yuro habang nakasunod lang sa akin ang kanyang mga mata.

" So kumusta? Kumusta dito sa academy?" Nakangiti kong tanong sa kanya.

Gumalaw ang kanyang adams apple tanda na lumunok siya ng laway bago sumagot.

" O-Okay n-naman." Pilit nitong tanong sa akin. Natawa ako sa tinuran niya.

Seriously? Ang isang Headmaster Yuro sa academy na to ay na e- intimidate sa presensya ko.

"Hahaha. Stop that reaction Headmaster Yuro! Ako parin naman ito. Si Dave, medyo nagbago nga lang ang hitsura ko." Masaya kong sabi dito upang maging komportable ang loob niya sa presensya ko.

Kita ko namang pilit niyang maging komportable sa presensya ko.

" Saan ka galing? Bat ngayon ka? Alam mo bang maraming nag-aalala at naghahanap sa iyo noong nawala ka?" Ang agad na tanong niya sa akin.

Bumuntong hinanga muna ako bago sumagot.

" May sasabihin ako sa sayo ngunit ipangako mong hindi mo ito ipagsasabi kahit na kanino hanggat hindi ko pa naaalis sa academy na to ang taksil." Seryosong tanong ko sa kanya.

Kita ko naman sa mukha niya na medyo naguluhan siya sa sinabi ko.

" Taksil? " Nagtatakang tanong nito na siyang tinanguan ko.

" Sige ano ba yung sasabihin mo? Pangako . Tayong dalawa lang ang makakaalam nito at wala akong iba na pagsasabihan." Seryoso ring saad nito.

Tiningnan ko siya ng seryoso.

" Kaya nawala ako ng isang buwan dahil naghahanda ako sa magaganap na digmaan." Simula ko dito. Kita kong nagulat siya ng marinig ang sinabi ko.

" Digmaan? Anong digmaan ang pinagsasabi mo?" Naguguluhang tanong nito sa akin.

" Maghahayag ng digmaan ang mga Darkonia laban sa atin. Nagpakita sa akin ang mga Diyos at Diyosa at sila mismo ang nagsabi sa akin sa magaganap na digmaan sa pagitan ng Lightonia at Darkonia." Kita kong mas nagulat siya sa sumunod na sinabi ko.

Alam ko ang tumatakbo sa isip niya ngayon kung paano ko nakausap ang mga Diyos at Diyosa, ngunit hindi naman siya kumibo at naghihintay sa susunod Kung sasabihin kaya nagpatuloy na ako.

" Doon ako nagsanay sa lugar ng mga Diyos at Diyosa. Sinanay nila akong mabuti upang lumakas at madiskobrihan ang iba ko pang kakayahan. Sa akin nakasalalay ang kaligtasan ng buong Lightonia. Kaya gagawin ko ang lahat upang huwag biguin ang mga Diyos at Diyosa pati narin ang buomh nasasakupan ng Lightonia." Pagtatapos ko sa sinabi ko.

" Paano mo nakausap ang mga Diyos at Diyosa?" Naguguluhang tanong nito sa akin.

"Dahil ako ang nawawalang anak ng Hari at Reyna ng Lightonia." Deretsong sagot ko dito na siyang nagpagulat ng lubos sa kanya.


"I-Ikaw ang n-nawawalang a-anak ng h-hari at r-reyna?" Hindi makapaniwalang tanong nito sa akin na siyang tinanguan ko lang bilang sagot.


Biglang tumayo si Headmaster Yuro at yumuko sa akin.

" Ano ka ba naman headmaster! Hindi mo na kailangang magbigay galang pa sa akin. Ang nais ko lang gawin mo ngayon ay isekreto ang lahat ng isiniwalat ko sayo." Sabi ko na siyang nagpaangat ng ulo nito.

" Makakaasa po kayo mahal na Prinsipe. Walang sino man ang makakaalam sa lahat ng sinabi mo sa akin." Nangiting sabi sa akin ni Headmaster Yuro kaya ngumiti rin ako sa kanya.

"Ngunit wala ba kayong balak sabihin ito sa inyong amang Hari at inang Reyna?" Biglang tanong nito sa akin.

" Hindi ko muna ito sasabihin sa kanila. Gaya nga ng sabi ko kanina, aalisin ko muna ang taksil dito sa loob ng academy." Sagot ko dito.

Sasagot pa sana siya ng biglang bumukas ang pinto ng kanyang office.

" Headmaster Y---" hindi na natuloy ni Carlo ang kanyang sasabihin ng mapatingin siya sa akin. Ganon din ang kasama niyang mga elementalist.


" Sino yang babae sa harap niyo Headmaster Yuro at ngayon ko lang yata siya nakita dito sa loob ng academy?" Nagtatakang tanong ni Leno kang Headmaster Yuro. Pashniyang Leno to. Napagkamalan pa akong babae.

Nakatingin silang lahat sa akin kasama na doon si Dolfer.

" Hindi niyo ba siya nakikilala?" Nakangiting tanong sa kanila ni Headmaster Yuro ngunit umiling lang sila tanda na hindi nila alam kung sino ako.

" Nagbalik na siya. Ang lalaking nasa harap niyo ngayon ay walang iba kong hindi si Dave." Nang marinig nila iyon ay sabay-sabay na napaawang ang kanilang mga bibig habang hindi makapaniwalang tiningnan ako ngunit naagaw ang atensyon ko ng makitang may tumulong butil ng luha sa mga mata ni Dolfer habang nakatingin sa akin.

Kita ko ang saya at galak habang nakatingin sa akin.

" Dave!" Naiiyak na sabi nina Aquina at Ashira at aktong lalapit sa akin ng pigilan ko.

" Mauna na ako Headmaster Yuro. May importante pa akong aasikasuhin." Walang emosyong paalam ko kay Headmaster Yuro at nilampasan ko ang mga elementalist. Kita ko pang natulala sila sa ginawa ko at narinig ko pang napahagulgul ng iyak sina Aquina at Ashira bago ako tuluyang makalabas.

Akala siguro nila nakakalimutan ko na ang ginawa nila.

Siguro nga matatanggap ko sila ulit pero hindi pa sa ngayon.









Hindi pa ako handang patawarin sila.

__________________________________
Don't forget to vote and Comment 🙏

Dangerous Gay ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon