❣️ Power 13❣️

7.2K 424 14
                                    

Dave's Pov

"Maraming salamat kaibigan, sana ay magkita pa tayong muli." Pagpasalamat ko sa mga Balmek matapos nila kaming ihatid sa labasan ng kanilang teretoryo.

"Walang anoman iyon Lakona, maaari ko bang malaman ang iyong pangalan?" Tanong sa akin nung nasa may gitnang lalaking Balmek.

" Ako nga pala si Dave , galing sa mundo ng mga tao." Pagpapakilala ko sa kanila.

"Ako naman si Fado, itong nasa gilid Kong babaeng Balmek ay ang aking asawa na si Melena at ang aking anak na si Mulan." Pakilala sa akin nung lalaking Balmek na nasa gitna.

" Ikinagagalak ko kayong makilala  Fado." Nakangiti kong sabi sa kanila.

" Ikinagagalak din naming makilala ka Dave, tanggapin mo itong handog namin sa iyo." Sabi niya sabay ginamit niya yung buntot niyang ahas para kunin ang kwentas na nasa leeg niya at ibinigay sa akin.

Wala ko itong pag-aalinlangang tinanggap.

Kulay silver ito namay pendant na ulo ng lean sa gitna.

" Sabihin mo lang sa kwentas na yan kung kailangan mo ng tulong namin, asahan mong dadating kami." Sabi ni Fado sa akin.

" Maraming salamat uli kaibigan sa handog mong to. Mauna na kami at mukhang malayo pa ang aming lalakbayin. Hanggang sa muli." Nangiti kong paalam sa  kanila.

" Hanggang sa muli." Sagot nito sa akin at pumasok na sila sa kagubatan .

"Omygosh! Sizs! Paano mo napaamo ang mga nilalang na yon. Kaloka ka! Talagang marami talagang alagad si Hagorn." Kuda nitong bruha kong kapatid.

"Tsk! Tumahimik ka ngang bruha ka! Syempre maganda ako kaya napaamo ko sila." Mayabang kong sabi kanya.

"Hindi ko lubos akalain na kaya mong kausapin ang isang Balmek. Tanging mga Diyos at Diyosa lamang ang nakapag-usap sa kanila." Hindi makapaniwalang sabi ni Ashira.

"Iwan ko din kong bakit ko sila nakakausap. Basta bigla nalang nagsalita yung isang Balmek gamit ang isip niya tapos narinig ko kaya sinagot ko siya." Pagpapaliwanang ko sa kanila.

Ganon ba ka big deal sa kanila ang ginawa kong pagkausap sa mga Balmek.

" Kakaiba ka talaga Dave." Yan nalang ang nasabi ni Ashira.

~~~~~~~

Nandito kami ngayon sa harap ng isang napakalaking gate na halos lampas langit yung laki niya. Graveh mga sizs ang laki talaga. Char.

Maya-maya pa ay bigla itong bumukas .

Pumasok silang lima doon kaya wala na kaming nagawa ni Diane kung hindi ang sumunod sa kanila.

"W-WOW! ANG GANDA!" sabay naming sabi ni Diane ng makapasok kami sa loob.

Graveh mga teh! Mukha akong nanagiginip lang.

Ang ganda ng lugar na ito mga teh. May kabayong may pakpak habang lumulipad sa himpapawid habang may nakasakay sa likod nilang mga Lakona.

Habang naglalakad kami ay napapatingin ako sa ganda ng paligid.

Pati si Diane ay kita sa mukha niya ang pagkamangha katulad ko.

May mga Lakonang naglalaban, may mga Lakonang nag-eensayo ng mg kapangyarihan nila.

"Sizs sampalin mo nga ako." Biglang sabi ni Diane sa akin habang namamangha paring nakatingin sa paligid.

Dahil sa sinabi niya ay wala akong pag-aalingan siyang sinampal.

"Aray! Yawa! Ba't mo ko sinampal?!" Nagtatakang tanong sa akin ni Diane.

Tsk! Sinabi niyang sampalin ko siya tapos ngayong sinampal ko siya tatanungin niya ako kung bakit ko siya sinampal? Shuta din tong babaeng to eh. May saltik yata sa utak.

" Heler? Sinabi mong sampalin kita tapos ngayong ginawa ko na tatanungin mo ako kung bakit kita sinampal? Adik ka sizs?" Kuda ko sa kanya.

" Eh nagbibiro lang naman ako eh, tsaka para lang kasi akong nanaginip dahil sa mga nakikita ko ngayon teh." Sambit nito.

"Kahit naman ako teh, hindi makapaniwalang may ganito palang lugar! Ang ganda." Sambit ko rin sa kanya.

Nang makarating kami sa isang malaking pinto at ng tinagnan ko ang nasa taas nito ay may nakasukat na 'Headmaster Office' .

Kumatok si Carlo dito at narinig naming may nagsabing 'pasok' galing sa loob.

"Sila ba ang sinasabi niyong dalawang taong may mga kapangyarihan?" Tanong sa kanila nung gwapong lalaking nakaupo sa isang swivel chair.

Shitness ! Ang gwapo niya mga teh! Ang laki ng katawan ! Shitness kuya! Anakan mo ako. Char.

Tango lang ang nasagot nung lima sa tanong nung gwapong lalaki sa kanila.

"Hi, ako nga pala si Headmaster Yuro at dito na ang bago niyong paaralan kung saan nababagay ang mga katulad niyong may mga kapangyarihan. Maligayang pagdating sa Palighten Academy!" Maligayang sabi sa amin ni Headmaster Yuro.

Shitness! So dito na kami mag-aaral?!

Omygosh mga sizs!

I'm so excited!!!"

___________________________________
Don't forget to vote and Comment 🙏

Dangerous Gay ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon