❣️ Power 35❣️

6.4K 379 7
                                    

Dave's Pov

Pinanindigan ko talaga yung hindi ko pagpansin sa mga elementalist at tinuring sila na parang hindi ko kilala.

Tatlong linggo narin ang nakalipas simula nung nangyari sa cafeteria.

Hindi ko naman talaga balak  kang Jelly yun.

Alam kong sinadya niyang tapunan ako ng juice na hawak niya kaya dahil narin sa galit ko ay hindi ko nakontrol ang sarili ko.

Sobrang galit ang naramdaman ko sa babaeng yun sa oras na yon. Nang subukan ring tulungan ng mga elementalist si Jelly ay pinatalsik ko sila gamit ang kapangyarihan ko kaya hindi sila nakalapit. Sa totoo lang hindi naman talaga ako yung tipong nanakit ng babae. Sadyang hindi ko lang talaga mapigilan ang galit ko sa kanya kaya ko nagawa yun sa kanya.

Nakonsensya naman ako sa ginawa ko kay Jelly at naisip ko sanang humingi ng tawad ngunit hindi ko nalang itinuloy dahil naisip kong deserve naman niya iyon. Ginalit Niya ako without knowing kung ano ang kaya kong gawin.

Haist!!!



Nga pala , nandito ako ngayon sa library nitong academy.

Naghahanap ng librong magandang basahin.

Maggabi narin ng pumunta ako dito kaya wala ng mga estudyante ang narito maliban sa akin. Wala rin dito ang nagbabantay nitong library kaya hindi na ako nagpaalam at pumasok nalang.

Nang makahap ako ng librong nakapukaw ng aking interest ay kinuha ko at aktong uupo na sa upuang malapit sa gilid ng biglang bumukas ang pinto ng library at pumasok dito ang isang pamilyar na babae.

Si Jelly.

Anong ginagawa niya dito?

Nagtago ako sa may gilid upang hindi niya ako makita.

Tumingin-tingin siya sa paligid.  Siguro inalam niya kung may iba bang estudyante dito sa loob ng Library bukod sa kanya.

Nang wala siyang makita ay ngumisi ito bago niya kinumpas ang kanyang kamay at bigla nalang may itim na usok ang lumabas sa harap niya .

Ang itim na usok ay naging isang itim na libro.  Bigla akong kinutuban sa gagawin niya.

Hindi ko alam pero parang may kakaiba akong naramdaman na may gagawin siyang hindi tama.

Unti-unti niyang binuksan ang itim na libro tsaka niya binasa ang isa sa mga pahina ng libro.

Hindi ko maintindihan kong anong ibig sabihin ng mga salitang binibigkas ng kanyang bibig.

Ilang sandali lang ay biglang humangin sa loob ng library at nakita kong biglang umitim ang mata ni Jelly tsaka niya itinapat ang kanyang kamay sa librong nakalutang sa harap niya.

Ang itim na libro ay naging itim na usok ulit hanggang sa ito ay unti-unting naglaho.

Nang mawala na ang itim na usok sa harap niya ay siya ring pagbalik sa kulay ng kanyang mga mata.

Nakita kong inayos muna niya ang kanyang sarili bago niya tinungo ang pinto tsaka siya lumabas.

Maraming naglalaro sa isip ko.

Ano yung ginawa ni Jelly kanina?

Anong klasing libro yung bigla nalang sumulpot sa harap niya kanina.

Hindi ko alam pero may naramdaman ako na parang may mangyayaring hindi maganda.

Haiyzs! Ano ba to!.

Dangerous Gay ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon