❣️Power 14❣️

7.1K 431 7
                                    

Dave's Pov

"So ito ang magiging Dorm mo, may makakasama ka jan dahil dalawang tao sa isang dorm pero wag kang mag-alala , dalawang kwarto naman ang meron jan." Sabi sa akin nitong babaeng inutusan ni Headmaster Yuro na maghatid sa akin sa magiging Dorm ko.

Binigyan niya rin ako ng susi,uniform at iba pang gamit na gagamitin ko.

Nang buksan ko na ang pintuan ng bago kong dorm ay namangha ako sa linis at laki nito.

Lalaking-lalaki ang desensyo sa loob. May dalawang kwarto at may kusina rin.

Char! Parang bahay na to kung ituring.

Maya-maya pa ay biglang bumukas ang pinto sa kwartong may kulay asul na pintuan at iniluwa nito ang isang greek god na walang pang itaas na suot.

Shitness! Pahinging kanin mga sisz! Yung anim niyang pandisal na sarap hawakan at yung mga malaking muscle niya sa kanyang mga braso at ang makinis at gwapo niyang mukha. Taray! Clear skin si kuya.

Nagising ako sa pagpapantasya ko sa kanya ng bigla siyang magsalita.

"So ikaw siguro yung magiging ka dorm mate ko, tama ba?" Nakangiti nitong tanong sa akin.

Shitness Lang talaga! Mas lalo siyang gumagwapo kapag nakangiti siya.

"Ahmm, o-oo a-ako nga." Nauutal Kong sagot dito.

"Ako nga pala si Gary , lightning yung kapangyarihan ko." Pakilala nito sa akin.

"Ako naman si Dave, ikinagagalak kong makilala ka." Medyo nahihiya kong pakilala sa kanya.

"Anong kapangyarihan mo?" Tanong nito sa akin.

"Hmmm, Kaya kung kontrolin ang ano mang bagay gamit ang isip ko." Nag-aalangan kong sagot sa kanya.

Eh kasi mga sizs! Hindi ko alam kong anong tawag sa kapangyarihan ko. Sorry po kong medyo bobo ako at least maganda. Char.

"Wow! Cool. Nga pala yang kulay gray na pinto ang magiging kwarto mo." Nakangiti nitong sabi sa akin habang tinuturo ang kwartong kulay abo.

Why so palangiti kuya? Baka di ko makontrol yung sarili ko at bigla nalang kitang sunggaban ng halik! Char.

"Ah sige, salamat." Nakangiti kong pasasalamat dito.

Alangan namang hindi ko siya gantihan ng ngiti. Heler? Bobo lang ako pero hindi ako bastos. Char.

Tinungo ko na ang aking magiginf kwarto tsaka ko binuksan ang gray na pinto at pumasok sa loob.

Masasabi kong nagustuhan ko ang desenyo ng magiging kwarto ko.

Kulay gray na may halong pagkayellow ang kulay ng kwarto ko. I found it simple na siyang nagustuhan ko.

Matapos kong ayusin ang mga gamit ko ay humiga na ako sa aking malambot na kama.

Shuta! Ang sarap sa pakiramdam  na nakahiga sa malambot na kamang ito. Nakakarelax.

Ilang sandali pa ay bumigat na ang talukap ng aking mata hanggang sa unti-unti ng kinain ang dilim ang aking paningin.






Nagising ako ng bigla nalang tumunog ang alarm na nasa may study table malapit sa kama ko.

Taray! May alarm clock pala ako. Di ko napansin ito kagabi.

Pagkatapos kong patayin ito ay nagmadali akong bumangon at tumungo sa banyo upang maligo.

Shitness ! Ngayon pala ang magiging unang pasok ko sa bago kung paaralan.

Mabuti nalang  binigay  sa akin nung babaeng naghatid sa akin dito sa dorm ko yung magiging schedule ng class ko at saan ang aking magiging classroom.

Nang matapos ko ng gawin ang aking morning routine ay nagbihis na ako ng aking magiging uniform.

Kulay dark red ito na may naka print na kulay yellow na logo sa may bandang gilid nito. At simpleng kulay itim na pantalon.

Sabi kasi nung babaeng naghatid sa akin kahapon ay may apat na klase ng estudyante sa academy na 'to.

Una ay ang mga Banter Students.
Sila ang mga uri ng estudyante na hindi pa masyadong hasa sa paggamit ng kanilang mga kapangyarihan. Kulay Green ang uniform nila.

Pangalawa naman ay ang mga Cropem Students.
Sila yung mga estudyanteng kaya ng kontrolin ang kanilang mga kapangyarihan. Kulay Asul ang uniform nila.

Pangatlo ay ang Velmon Students.
Sila ang mga estudyanteng magaling at sanay ng gamitin ang kanilang mga kapangyarihan. Dito rin ako nabibilang. Kulay dark red ang uniform namin.

At ang huli ay ang mga Hercon Students.
Sila ang mga estudyanteng anak ng mga royalty at ng mga reyna at hari. Kulay gold ang uniform ng mga ito.

Nang matapos akong magbihis ay lumabas na ako ng aking kwarto.

Bumungad sa akin ang mabangong amoy na siyang nagpagising ng aking pagkagutom.

Nadatnan ko sa kusina si Gary na nag pe-prepare na ng almusal namin.

"Oh nandyan nandyan ka na pala Dave, halika na at kumain ng agahan natin." Nangiti nitong aya sa akin.

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at umupo na ako tsaka nilantakan ang mga niluto niya.

Narinig ko pa siyang natawa ng mahina ngunit hindi ko na siya pinansin dahil sarap na sarap ko nang kainin ang mga niluto niya.

Napadighay pa ako ng matapos akong kumain na siyang ikinatawa niya.




"Owh! Magkaklase pala tayo sa dalawa mong klase!"masayang sabi sa akin ni Gary ng malaman niya ang magiging schedule ng klase ko.

"Ganon ba?! Edi masaya yan at may kakilala na akong klasmet ko." Masaya ko ring sabi sa kanya.

Sabay kaming lumabas ng dorm namin at sabay rin naming tinungo ang daan papunta sa classroom ng magiging una naming klase.


___________________________________
Don't forget to vote and Comment 🙏

Dangerous Gay ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon