❣️ Power 45 ❣️

5.9K 354 15
                                    

Dave's Pov

"Kailangan mong magtagumpay sa misyon na ibinigay ko sayo." Saad sa akin ni Headmaster Yuro habang nandito kami sa pinakalikod ng academy.

Kaming dalawa Lang ang nandito. Tanging naglalakihang puno at malaberdeng mga damo Lang ang makikita mo dito. Sinabi kase sa akin ni Headmaster Yuro na kailangan ko munang pumunta sa sagradong kaharian dito sa buong Lightonia. Ang kaharian ng Edenzonia. Ang kaharian Kung saan naninirahan ang mga iba't-ibang uri ng mga malalakas na nilalang. Sabi kase sa akin ni Headmaster Yuro ay kailangan ko munang makakuha ng kahit ilang patak Lang na luha ng isang Holvia. Ang Holvia ang nilalang na nagtataglay ng mahiwagang luha.

Ang luha nito ay kayang mapawalang bisa Ang kahit na anong Dark Magic na ginamit sa isang Lakona.

Ang mga Holvia ay malalakas din  at delikado sapagkat may mga matatalim daw itong balahibo na gaya NG isang karayom.

Sa oras daw na matusok ka nito sa kahit anong parte ng katawan mo ay unti-unti  daw mamanhid ang katawan mo hanggang unti-unting magiging bato ito.

Maiilap daw ang mga Holvia sapagkat hindi daw ito masyadong nagpapakita sa mga Lakona at makikita mo Lang ito pagsumapit na ang takip silim at lumabas ang bilog na buwan. Ang hitsura daw ng mga Holvia ay Parang isang fairy ngunit ang kaibahan Lang daw nito ay may pakpak itong gaya NG sa ibon na may matutulis na tinik na Parang karayon. Umiilaw din daw ang kanilang mga buhok na Parang sumasayaw sa hangin.

Nga pala. Hindi rin basta-basta makakapasok Ang mga Darkona o kahit anong masasamang nilalang sa kaharian ng Edenzonia. Sagrado Ang lugar na ito at SA oras na tumapak Ang mga Darkona sa lugar na ito ay bigla nalang silang magiging abo. Kaya walang Darkona ang nagtangkang pumunta sa sagradong kaharian ng Edenzonia. Tanging mga Lakona Lang ang may kakayahang makapasok dito.

"Opo Headmaster Yuro. Makakaasa po kayo." Paniniguradong sagot ko sa kanya.

Walang nakakaalam sa gagawin Kong misyon na ito kahit ang mga elementalist at si Diane.

Tanging kami Lang ni Headmaster Yuro ang may alam sa gagawin Kong misyon na ito. Dahil Alam ko na sa oras na malaman nila na may gagawin akong misyon ay sigurado akong sasama at sasama Ang mga yun lalong lalo na si Dolfer. Kaya hiniling ko kang Headmaster Yuro na Kung maaari ay kaming dalawa Lang ang makakaalam nito.

" Oh sige  na. Mag-iingat ka sa pupuntahan mong kaharian dahil hindi basta-basta Ang mga nilalang na makakaharap mo doon. Sana ay mapagtagumpayan mo ang misyon na ito. " Nang matapos sabihin yun ni Headmaster Yuro ay ngumiti ako dito sabay tango.

Dinikit Niya sa isang puno Ang hawak niyang maliit na kahon na kulay violet. Nang madikit Niya ito sa malaking puno ay itinapat Niya ang kanyang kaliwang kamay dito.

"Lòs miniya àkom téh èmberná kóh Edénzonià."

Nang sambitin ni Headmaster Yuro Ang mga katagang Yun ay unti-unting bumuka Ang maliit na kahon na nakadikit sa malaking puno hanggang sa naging Isa itong portal na siyang daan upang makapunta ako sa kaharian ng Edenzonia.

Bago ako tuluyang pumasok sa portal ay nagpaalam muna ako kang Headmaster Yuro bago ako tuluyang pumasok dito.




Bumungad sa akin ang naglalakihang puno at iba't-ibang uri ng halaman na bago pa sa aking paningin. Kung pagmamasdan mong mabuti ang lugar ay para itong isang paraiso dahil sa ganda nito.


Masyadong tahimik ang lugar na ito to the point na halos huni Lang NG mga ibon Ang maririnig mo pero hindi Yung klase ng tahimik na nagbibigay sa iyo ng kapayapaan. Ito Yung klase na NG katahimikan na Parang sa ano mang oras ay may darating na panganib. Kahit pa napakapayapang tingnan ng lugar na ito pero kabaliktaran ito sa nararamdaman ko kaya parati akong naging alerto sa aking paligid.


Nagsimula na akong maglakbay papunta sa Kung saan. Hindi ko talaga Alam Kung saan matatagpuan ang lungga ng mga Holvia.

Habang naglalakad ako ay napansin Kong Parang may nakamasid sa akin Kaya lalo akong naging alerto. Ipinagpatuloy ko Lang ang aking paglalakad ngunit pananatili Kong alerto Ang aking mga mata at pandinig at pinakiramdaman Ang paligid.



Maya-maya pa ay biglang nakarinig ako ng parang may mga tuyong dahon na natatapakan sa likod basi sa tunog nito Kaya hinanda ko ang aking sarili Kung sakali mang may bigla nalang susugod sa akin.

Pumikit muna ako NG Mariin bago ako marahas na lumingon sa aking likuran.

Dito ko nakita ang isang nilalang na hindi ko mawari Kong ano. Ang Pang ibaba nitong katawan ay parang tulad ng sa ahas na may kalikis katulad NG sa  isda na kulay asul. Habang Ang pangtaas naman nitong katawan ay Parang sa tao na may matutulis na mga tenga at kulay sky blue na mga mata. Blond Ang kulay ng buhok nito na may taas na hanggang beywang habang may koronang matitinik na bulaklak sa ulo nito. Kung tutuosin ay maganda Ang nilalang na ito ngunit mababatid mo ang malakas na enerhiya Ang nakapalibot dito.


" Ano Ang ginagawa ng isang Lakona dito sa kaharian ng Edenzonia?" Nakakahalina Ang boses nito habang tinatanong Niya ako.


" Ako po ay si Dave, nandito po ako dahil sa inatas na misyon sa akin ni Headmaster Yuro." Magalang Kong sagot sabay Yuko NG aking ulo tanda NG aking pagkagalang.


" At ano namang misyon Ang inatas sayo dito SA kaharian ng Edenzonia?" Tanong ulit nito habang seryoso akong tinititigan na para bang binabantayan Ang bawat nagagawa kong kilos.


" Inatasan po Niya akong kumuha ng kahit ilang patak Lang na luha ng mga Holvia para sa Hari at Reyna ng Lightonia." Magalang ko paring sagot sa kanya.

Nakita ko ang bahagyang pagkunot ng noo nito na tila nagtataka sa narinig mula sa akin.

" Bakit kailangan ng Hari at Reyna ng Lightonia Ang luha ng isang Holvia? Sa pagkakabatid ko ay para lamang sa napasailalim ng itim na mahika Ang gumagamit nito. " Nagtatakang Saad nito sa akin.


" Sapagkat nasa kamay ngayon ng mga Darkona ang Hari at Reyna ng Lightonia. At sigurado kaming gagamitin ng Reyna ng Darkonia ang Hari at Reyna laban SA amin sa darating na digmaan." Mas lalo pa siyang nagulat sa aking isiniwalat.

" Wala talagang kasing sama Ang ugali ng kapatid ni Reyna Dabyrose na kahit kapatid Niya ay Kaya niyang saktan para Lang makuha Ang kanyang ninanais." Mariing sambit nito at Dama ko sa bawat tuno ng salita Niya ang galit dito.


Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha nito at ngumiti sa akin.



























"Wag kang mag-alala. Tulungan Kita sa gagawin mong misyon na ito." Nakangiti nitong Saad sa akin. " Nga pala, pasensya na Kung hindi ko napakilala Ang aking sarili sa iyo . Ako nga pala si Evelofia Ang Reyna ng mga Naga." Nakangiti paring pagpapakilala nito sa akin.

____________________________________

Sa wakas! Nakapag update narin ako. Pasensya na guys Kung matagal akong hindi nakapag- update. Sobrang busy ko Lang talaga nitong mga nagdaang araw but don't worry. Tuloy-tuloy na ang pag a-update ko hanggang sa katapusan nitong kwento.

Don't forget to vote and Comment 🙏

Dangerous Gay ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon