❣️Power 31❣️

6.1K 352 2
                                    

Dave's Pov


Dalawang araw na ang lumipas matapos mangyari yung Battle of Palight.

Tinanghal rin na ang grupo namin ang nanalo sa nangyaring lababanan sa pagitan ng grupo ko at ng mga elementalist.

Magmula din nun ay hindi ko na pinapansin ang mga elementalist. Pilit ko silang iniiwasan sa tuwing magtatagpo ang mga landas namin. Lalung-lalo na si Dolfer.


Hindi ko pa rin nakalimutan yung ginawa nila sa mga kagrupo ko nung naglalaban-laban kami.

Pwede naman kasing talunin ang mga kasama ko ng hindi nila binibigyan ng masyadong pinsala sa katawan.

Alam naman nilang isa sila sa pinakamalalakas na tao sa buong Lightonia kaya easy lang sa kanilang patumbahin ang mga kasama ko ng hindi masyadong binibigyan ng sakit sa katawan.

Hanggang ngayon ay mahahalata mo parin yung pasa at sugat sa mukha ng mga kasamahan ko dahil sa ginawa ng mga elementalist na nakaharap namin.

Kung tatanungin niyo ako kung galit ba ako sa kanila. Well, hindi na. Siguro ay may tampo lang ako.

Hindi ko rin napigilang makaramdam ng galit nung kami na ang naglalaban kaya nagawa ko rin silang bigyan ng malaking pinsala.

Sinadya ko talagang hindi sila gamitan ng kapangyarihan ko nung binugbog ko sila. Ayaw ko munang ipakita sa mga nanunuod sa amin lalung-lalo na sa mga hari at reyna. Sapat ng ang mga elementalist lang ang nakakaalam na may iba pa akong kakayahan.

Nawala ang galit ko sa kanila matapos ko silang bugbugin. Nakaramdam naman ako ng konting konsensya dahil sa nagawa ko sa kanila. Masyado akong naging harsh sa kanila.

Nandito ako ngayon sa dorm namin ni Gary. Nagluluto ako ng adobong manok.

Hindi ko nga inakala na may manok din sila dito kaya hindi na ako nag aksaya pa ng oras at bumili na ng manok upang makaluto at makakain ako ng favorite kong adobong manok.

Namiss ko ng kumain nito. Huli akong kumain nito nung nasa mundo pa ako ng mga tao kaya talagang takam na takam na akong makakain ng adobong manok.

"Wow! Mukhang masarap yang niluto mo ha!" Biglang sabi ng isang boses sa likuran habang nagluluto ako.


"Talagang masarap to Gary! Isa ito sa pagkain namin sa mundo ng mga tao at isa rin to sa mga paborito ko." Masayang sagot ko kang Gary.

"Mukhang hindi na ako mahihirapan sa pagkain kong magiging asawa na kita." Pagbibiro nito. Medyo natawa naman ako sa sinabi niya.

" Don ka na nga! Malapit na rin naman tung maluto kaya umupo ka dun at ng sabay tayong kainin itong niluto ko." Sabi ko nalang dito.

Kung tatanungin niyo ako kung okay na ba kami Gary. Ang sagot ko ay okay na okay. Nagkausap kami nung nakaraang araw at nilinaw namin at inayos namin ay pagitan sa aming dalawa.

Natanggap na rin niya na hanggang magkaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay sa kanya. Alam na rin niya na si Dolfer ang gusto ko at nililigawan na ako nito. Ngunit sabi niya kapag sinaktan daw ako nito ay hindi daw siya magdadalawang isip na kunin ako mula kay Dolfer.

Speaking of Dolfer. Pilit niya akong kinakausap ngunit pilit ko rin siyang iniiwasan. Bakit? Wala  naman. Gusto ko lang subukan ang pasensya niya kung hanggang saan ang kaya niya. Gusto munang suyuin niya ako no! Char.

Matapos kong lutuin ang adobong manok na niluto ko ay naghanda na ako ng mga kakailanganin namin sa pagkain tsaka ko ito hinain.

"Wow! Ang sarap naman nito! Ngayon lang ako nakakain ng ganito pero masasabi kong kakaiba ang sarap nito!" Masayang sambit ni Gary habang sarap na sarap itong kainin ang niluto ko. Medyo natawa pa ako ng makitang sunod-sunod ang ginawang pagsubo nito. Halata ngang sarap na sarap sa sa adobong manok na niluto ko.

Matapos naming kumain ay ako na ang nagligpit na aming pinagkainan at naghugas ng mga ito.

Matapos kong maghugas ay pupunta na sana ako sa kwarto ko ngunit napatigil ako ng may kumatok sa pinto ng dorm namin ni Gary.

Dahil nasa kwarto niya si Gary ay ako na ang nagbukas ng pinto.


Nagulat ako sa lalaking nasa labas ng buksan ko ang pinto ng dorm.

Shitness! Bat lalo siyang gumwapo sa paningin ko. Bago siyang gupit ngayon na lalong nagpagwapo sa kanya .

Shitness yung pante ko nalaglag siguro. Char.


Naputol ang pagpapantasya ko sa kagwapuhan niya ng magsalita ito.


" Naeenjoy mo naman masyado yang nakikita mo ngayon." Nakangising sambit nito sa akin. Kaya nakaramdam ako ng hiya.

Shitness na huli niya akong nakatingin sa kanya. Feeling ko pulang pula na ang dalawa kong pisngi ngayon dahil sa hiyang naramdaman ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Kunwaring masungit kong tanong dito para matakpan ang hiyang naramdaman ko.

Ngunit ang gago! Nginisian lang ako at kumindat tsaka walang pag-aalinlangang pumasok at dumeretso sa kwarto ko.

Fuckness tong lalaking to! Anong gagawin niya dito.

Shitness!

__________________________________
Don't forget to vote and Comment 🙏

Dangerous Gay ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon