❣️Power 2❣️

10.5K 491 18
                                    

Dave's Pov

"Omygosh ! I can't believed it! Ang laki at ang ganda ng University na ito! Ang swerte natin at makakapag-aral na tayo sa ganito kagarang unibersidad."
Tugon nitong katabi kong babae habang manghang-mangha na naglilibot ng tingin sa kabuoan ng school.

"True ka jan sizs! Siguro ang dami ding mga gwapong papabels sa school na'to." Nae- excite kong sabi dito.

"Teh pigilan mo yang kalandian mo! Vaklang toh! Kala mo kagandahan mukha namang si Hagorn sa Engkantadia." Pang-aasar nito sa akin.

"Anong Hagorn ka jan?! Tong mala Danaya kung face ? Mukhang si Hagorn heler?! Pinakealaman ko ba yang mukha mong parang si Imaw?" Balik kung pang-aasar dito.

"Pak u kang bakla ka! Tara nga baka malate pa tayo sa unang klase natin." Sabi nalang nito at nauna ng naglakad.

Hahahha pikon si Imaw.

Habang naglalakad kami ay hindi ko mapigilang kiligin dahil sa nadadaanan naming mga naggagwapuhang lalake.

Kinalabit ko naman si Diane.

"Teh !" Tawag ko dito pero ang bobeta! May pa ignore ingore epeyk pa! Hambalusin ko to eh makita niya.

" Hoy Imaw!" Tawag ko ulit dito at this time humarap na siya sa akin with here nakabusangot na mukha.

Puta! Hindi ko mapigilang matawa dahil para siyang si Donessia ! Yung mama ni Money Pacquiao! Hahaha.

" Puta! Yung mukha mo teh ang pangit! Para kang si Donessia! Yung mama ni Money Pacquiao!" Natatawa kong kuda sa kanya.

" Pak u ka! Kala mo naman kagandahan eh para ka namang shokoy! At ano yung sabi mong Money Pacquiao? Gaga! Manny yun hindi Money bobo!" Balik asar nito sa akin kaya ako na naman yung napabusangot.

"Tsk! Pareho lang din yun! Tara na nga!" Sabi ko nalang dito.

Pagdating namin sa aming mismong classroom ay napatingin sa amin ang mga estudyante sa loob ng pumasok kami.

Yung mga lalake parang natulala sa kagandahan ko at yung mga babae naman ang sasama ng tingin sa amin.

Inaano ka namin gurl?

Tsk!

Hindi nalang namin pinansin ang mga masasamang tingin na ipinupukol nila sa amin at pumunta nalang kami sa may bankanting dalawang upuan sa may likod.

"Embyerna tung mga babaeng kaklase natin sizs! Kala mo kung sinong maganda! Kung makatingin sa atin para na tayong kakatayin." Kuda sa akin ni Diane ng makaupo na kami.

"True ka jan sizs! Sarap dukotin yung mala bolang mga mata nila! Alam mo naiinsecure lang yan sa kagandahan natin." Sabi ko naman sa kanya.

"Maganda ka pala teh?! Sa pagkakaalam ko ako lang yung maganda sa ating dalawa." Pang -aasar na naman nito sa akin.

"Maganda naman talaga ako sizs! Peke lang yang mata mo kaya ganyan ang paningin mo sa akin." Pareho kaming natawa sa mga kalokohan namin ngunit natigil kami ng may magsalita sa gilid namin.

"Owh! Looks who's here? Isang babaeng parang kambing at isang faggot na parang kabayo! Hahaha! Anong ginagawa niyo dito sa magarang paaralang ito? Hindi kayo nararapat dito." Mataray na sabi nung isang kaklase naming babae.

May kasama pa siyang dalawang babaeng sa tingin ko ay pareha din niyang mataray.

Taray ng mga ito! Makalait kala mo naman magaganda eh nagmumukha nga silang clown sa kapal ng make up nila sa mukha.

"Eh? Sharing your thoughts? Kung makapanglait ka kala mo naman kagandahan eh tingnan mo nga yang mukha mo teh? Saan bang kids party ka pupunta at ng mapuri ko, may taste sila sa pagpili ng clown! Hindi ka pa nga nagpapatawa pero katawa-tawa ka na! Hahaha!" Balik ko sa kanya .

Kala mo ha!

Rinig ko pang natatawa yung iba naming kaklase sa narinig nila galing sa akin.

"You h-" hindi na niya natuloy pa ang sasabihin niya ng pinutol siya ni Diane sa pagsasalita.

"Ooops! Sizs try to apply some personal hygiene jan sa katawan mo ! Give a little bit respect sa kausap mo! Ang baho ng bunganga mo! Mayaman ka ba talaga? Eh bakit parang imbornal yang baho ng bunganga mo! Ewness! Kadiri ka teh!" Ng dahil sa sinabi ni Diane ay mas lalo pang lumakas ang tawanan ng mga kaklase namin.

Yung tatlong babae naman sa harap namin parang bulkan ng puputok dahil sa galit.

"You-" hindi na naman niya natuloy ang dapat niyang sabihin ng dumating ang isang prof. Ito siguro ang unang prof namin ngayong umaga.

"Back to your proper sit now!" Masungit na sabi ng prof namin kaya natigil ang tawanan ng mga kaklase namin.

"Hindi pa tayo tapos!" Duro sa amin nung babaeng nakaaway namin bago sila bumalik sa kanya kanyang upuan nila.

Yan ang napapala ng mga taong mapanghusga!

Hahahhaah. Kala nila magpapaapi kami!

Never!

____________________________________
Hope you like it guys.💕

Don't forget to vote and Comment🙏

Dangerous Gay ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon