❣️ Power 32❣️

6.1K 358 3
                                    

Dave's Pov

Naglalakad na kami ngayon ni Gary patungo sa unang klase namin.

Nagkukwentuhan kami ng kung ano anong bagay habang naglalakad kami. Kenwento ko sa kanya yung naging buhay namin ni Diane sa mundo ng mga tao. Yung istado ng pumumuhay namin doon at kung anu-ano pa.

Nang makarating kami sa classroom kung saan ang unang klase namin ay pumasok na kami tsaka tumungo sa aming upuan. Nakita kong nandon narin si Diane at mukhang hinihintay kami.

Nang makaupo kami ay agad na humarap si Diane sa akin.

" Hoy sizs! Alam mo bang may bagong estudyante ngayon dito sa Palight Academy at mukhang nanggaling na rin siya dito dahil  sikat itong babaeng ito dahil halos siya ang bukambibig ng halos lahat ng estudyante dito sa academy." Biglang sambit niya sa akin.


" Ano namang pakialam ko kung may bagong estudyante itong academy at sikat 'tong estudyanteng ito dito." Walang ganang sambit ko dito tsaka ko binaling ang tingin ko sa harap.


" Kahit na . At alam mo bang kasa-kasama niya ang mga elementalist ngayon at sa tingin ko ay close na close niya ang mga lalong lalo na si Dolfer dahil palagi siyang nakakapit sa braso nito." Nang dahil sa sinabi niya ay napaharap ako sa kanya.


" Ano daw bang pangalan ng babaeng ito?" Tanong ko sa kanya at hindi pinapahalata na interesado ako dito.

" Sa pagkakaalam ko ay Jelly daw yung pangalan niya. " Sagot naman nito sa akin.


"Jelly?!" Biglang sambit ni Gary sa aming usapan ni Diane. Kita kong nagulat siya ng marinig ang sinabing pangalan ni Diane.


"Bakit ganyan yung reaksyon mo? Kilala mo ba siya?" Nagtatakang tanong ko dito.

Inusog naman niya yung upuan niya palapit sa amin tsaka kami hinarap.


" Alam niyo bang ang babaeng ito ay ang kauna-unahang inibig ni Prinsipe Dolfer." Pagsisimula nito.

Nang marinig ko yun ay parang bigla akong nakaramdam ng kirot sa bandang dibdib ko.

Kauna-unahang inibig niya? So it means, ito yung babaeng kwenento niya sa akin nung kami ay nasa mundo ng mga tao pa.

Hindi ko alam kong bakit bigla akong nakaramdam ng kakaiba. Hindi ko maipaliwanag .

" Noong mga panahong iyon ay halos nasa kanya lang lagi ang atensyon ni Prinsipe Dolfer.  Halos para itong isang prinsesa Kong ituring at pagsilbihan niya. Palagi din siyang nakadikit dito at halos hindi na mapaghiwalay. Makikita mo ang saya sa mga mata ng isa't-isa sa kanila tuwing sila ay magkasama. Sobrang lambing nila sa isa't- isa na kahit na maraming estudyante na nakapaligid sa kanila ay wala silang pakialam basta naipakita nila ang kanilang pagmamahalan sa isat-isa. Ngunit isang araw ay bigla nalang nawala ang kasintahan ni Prinsipe Dolfer na si Jelly. Halos mabaliw si Prinsipe Dolfer sa kakahanap niya sa kasintahang si Jelly. Halos halughugin niya sa kakahanap ang buong Lightonia ngunit ni anino ni Jelly ay hindi niya nakita. Mula noon ay lagi nalang siyang tahimik at laging walang emosyon ang kanyang mukha. Hindi narin siya masyadong nakikisalamuha sa iba maliban sa mga kasaman niyang mga elementalist at sa mga Hari at Reyna." Mahabang kwento sa amin ni Gary.

Hindi ko alam kong anong mararamdaman ko. Parang may sumasak na patalim sa aking puso ng marinig ang mga kwenento ni Gary tungkol sa kanila.

Base sa kwento nito ay talaga ngang mahal na mahal nila ang isa't-isa.

Ayaw ko man aminin sa sarili ko ay nasasaktan ako sa aking mga nalaman.

Gusto kung pakawalan ang mga luhang gustong kumawala sa aking mga muta ngunit pinigil ko ito upang hindi makita ng kahit na sino man na umiiyak ako.


Ayaw kong isipin nila na mahina ako.


Hanggang sa dumating ang lunch time ay lutang parin ang aking isip. Hindi kasi mawala sa isip ko yung mga kwenento ni Gary kanina. Parang tumatak ito sa kaibuturan ng aking utak at hindi ko magawang alisin.

Nagising lang ako ng tapikin ako ni Diane.

"Hoy okay ka lang sizs? Kanina ka pa lutang dyan at parang ang lalim ng iniisip. May problema ba?" Nag-aalala niyang tanong sa akin.  Kahit si Gary ay kita rin sa mukha niya ang pag-aalala habang nakatingin sa akin.

Pilit ko silang nginitian para pagtakpan ang lungkot ko.

" Ano ba yang mga mukha niyo?!  Okay lang ako kaya wag na kayong mag-alala pa. Tara na nga sa cafeteria at kanina pa ako nagugutom." Kunwaring masaya at masiglang sambit ko sa kanila.

Kita kong hindi sila kumbinsido sa tinuran ko ngunit hindi na naman pa nila ako kinulit at tinungo nalang namin ang daan papunta sa cafeteria.

Sana Hindi magbabago ang naramdaman mo sa akin Dolfer kahit dumating na yung babaeng una mong minahal.










Sana ako pa rin.

___________________________________
Don't forget to vote and Comment 🙏

Dangerous Gay ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon