❣️ Power 28❣️

6.1K 381 14
                                    

Dave's Pov

Hindi parin ako makatulog ngayon dahil hindi maalis sa isip ko ang mga sinabi ni Dolfer sa akin kanina.

" I think , I'm falling for you."

" I think , I'm falling for you."

" I think , I'm falling for you."


" I think , I'm falling for you."


" I think , I'm falling for you."

" Argggggg!!! Shitness! Bakit ayaw mong maalis sa isipan ko." Bigla kong naisambit.

Bakit ba palaging nag pa flashback sa utak ko yung sinabi niya sa akin kanina.

Ano ba to!

Dahil hindi ako makatulog ay lumabas muna ako sa kwarto ko upang uminom ng tubig.

Nagulat pa ako ng makita si Gary na nakaupo sa upuan malapit sa dinning table at parang ang lalim ng iniisip niya.



"Ang lalim ng iniisip natin ah! Baka malunod ka niyan." Pagbibiro ko dito.

Napatingin naman siya sa dereksyon ko at kita ko ang lungkot sa mga mata niya.

Parang may gusto itong sabihin sa akin na hindi niya masabi ng deretso.

" May problema ba Gary?" Tanong ko dito ng tabihan ko ito sa pag-upo.

Nakatitig parin sa akin ito at parang walang balak sumagot.

"Hoy ! May problema ba?" Tanong ko ulit dito dahilan para matauhan siya sa pagkakatitig sa akin.

Ilang sandaling katahimikan ang namayani sa amin.

Iwan ko . Parang di ko feel ang atmosphere ngayon sa 'ming dalawa.

Maya-maya pa ay bigla siyang nagsalita.

"Ang sakit pala no? Yung makikita mo yung taong gusto mo na may kasamang iba at masaya ito sa kasama niya. Hindi ko alam na ganito pala kasakit ang mararamdaman ko." Malungkot na sabi nito habang nakatingin sa kawalan.

Parang bigla naman akong nagkaroon ng awa sa kanya.

Hindi ko alam na sa masaya niyang pagkatao ay nay tinatago pala itong kalungkutan.

"Dapat hindi ko mararamdaman ang ganito eh. Dapat hindi ako nagseselos , dapat hindi ako nasasaksatan, dapat okay lang sa akin kong may iba siyang kasama dahil unang una walang kami eh. Hindi ko siya pag-aari . Wala akong karapatang magselos dahil hindi naman kami." Malungkot parin na pagkukwento nito.

Gusto ko siyang tulungan at komprontahin pero di ko alam kong paano.

" Alam mo Gary ang swerte ng taong tinutukoy mo.  Ang swerte niya dahil may lalaking kagaya mo na gusto siya.  Nagtapat kana ba sa taong yan?" Tanong ko dito.

Umiling siya bilang sagot.

"Bakit hindi mo subukang magtapat sa kanya ? Malay mo may nararamdaman din siya sayo. Wala namang masama kung susubukan mong magtapat sa kanya hindi ba?" Sabit ko sa kanya.

"Natatakot ako. Natatakot ako sa magiging reaksyon at sagot niya. " Malungkot paring saad nito.

Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.

" Alam mo Gary? Walang mangyayari kong palagi ka lang ganyan. Walang mangyayari kung hindi mo susubukang magtapat sa kanya ng nararamdaman mo. Hindi ako kagalingan pagdating sa mga ganitong bagay pero ang maipapayo ko lang sayo ay dapat sabihin mo na yang nararamdaman mo sa taong iyan. Kailangan mong tanggapin kong ano ang magiging reaksyon at sagot niya. Kailangan mong erespeto ang magiging desisyon niya. Dahil kung patuloy mo lang siyang gugustuhin ng patago at hindi inaamin sa taong iyan ang nararamdaman mo. Patuloy ka lang ding masasaktan at masasaktan ng patago. If you love someone secretly , accept the possibility that you'll be hurt silently." Mahabang sabi ko dito .

Muli na namang namayani ang katahimikan sa aming dalawa .


" Siguro maganda at mabait yang babaeng gusto mo." Pagputol ko sa katahimikan sa pagitan namin.

Ngumiti siya ng mapait bago sumagot.

"Tama ka. Maganda at mabait talaga siya. Ngunit hindi siya babae eh." Nagulat ako sa sinabi niya.

So kung hindi babae ang gusto niya ibig sabihin

" So lalaki yang gusto mo?" Gulat na tanong ko sa kanya.

Tumango siya bilang sagot.

Shitness! Hindi ko akalaing nagkakagusto pala siya sa kapwa niya lalaki. So ibig sabihin! Ba--

" Alam ko yang nasa isip mo. Hindi ako bakla Dave . Hindi ko rin alam kong bakit ako nagkagusto sa kapareho ko ng kasarian i never felt it before sa kapwa ko lalaki. I know na straight ako. Pero iba talaga ang epekto sa akin ng taong to. " Sabi  niya sa akin.

" So sino who's that lucky guy? Sabihin mo sa akin bilis!"

May excitement sa boses kong sabi sa kanya.

"Gusto mo talagang malaman?" Tanong nito.

Bakit parang may kakaiba akong naramdaman . Parang hindi ko magugustuhang malaman kung sino ang taong to.

" Oo nga ! Sige na! Sabihin mo na!" Kunwaring excited kong sabi sa kanya pero sa kaloob looban ko parang ayaw kong marinig ang magiging sagot niya.

" Ikaw." Deretsong sabi nito.

Shitness!

" A-Ako ? C'mon Gary! Hindi ito ang tamang oras para magbiro ka ng ganyan." Pilit kong pinapagaan ang atmosphere sa aming dalawa.

" I'm serious Dave. I like you! I really really do." Senserong sabi niya sa akin.









Shitness naman!

____________________________________
Don't forget to vote and Comment 🙏

Dangerous Gay ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon