🥀FINALE🥀

5.8K 301 25
                                    

Dave's POV

" Oh? Gulat ka no?" Nakangising tanong ko sa kanya.

" Kahit na pagsama-samahin pa ninyo ang inyong mga hukbo ay wala parin kayong laban sa amin." Balik nito sa akin.

" Ganon ba?" Lungkot-lungkotan kong sambit sa kanya.

Bigla ulit nakaroon ng dalawang malaking portal sa harap ko at doon lumabas si Reyna Evelofia kasama ang mga Naga pati narin ang mga Hegan. Sa kabilang portal naman ay lumabas ang mga mababagsik na Balmek na siyang nagpalaki sa mukha ng bruhang si Shanely.

" Ano pang hinihintay natin umpisahan na natin ang laban!" Sigaw ko at tsaka kami sabay-sabay na sumugod. Ganon rin ang ginawa ng aming kalaban.

Kada Darkonang aking nadadaanan ay natutumba nalang na wala ng ulo.

Kita kong nakaharap na ng mga elementalist ang anim na malalakas na gwardya ni Shanely. Kasama ng mga elementalist si Diane.

Kita ko ring nakikipaglaban na ang mga Hari at Reyna kasama ang mga hukbo nila.

Ang mga Naga at Hegan naman ay walang awang binawian nila ng buhay ang bawat Darkonang nakakasalubong nila habang ang mga Balmek naman ay pinuputol ang mga ulo ng mga Darkonang nakakalaban nila.

Naramdaman kong may papalapit na atake sa akin kaya mabilis akong umiwas para hindi  matamaan nimo.

Tiningnan ko kung sino ang may gawa nito at nakita ko ang walang hiyang si Shanely na ngayon ay nakangisi sa harap ko.

" Hindi ko inaasahang ganon mo kabilis naiwasan ang ginawa kong atake ngunit mahina ka parin kong ikukumpara ka sa akin." Nakangising sambit nito.

" Bakit di natin subukan at ng magkaalaman tayo." Balik ko sa kanya at mabilis siyang sinugod.

Masasabi kong magaling siya sa pakikipaglaban pagdating sa mga mano-manong labanan dahil hindi siya natatamaan ng mga ginagawa kong suntok at sipa.

" Tapos ka na? Ako naman!" Sambit niya at mabilis akong pinaulanan ng mga suntok at sipa.

Nahihirapan akong salagin lahat ng suntok at sipa niya dahil sa bilis at lakas nito kaya hindi maiwasang matamaan ako.

Patuloy lang kami sa pagpalitan ng suntok at sipa.

Dahil tutok na tutok ako sa aming labanan ay hindi ko nakita ang malakas na atakeng papunta sa akin kaya huli na upang ito'y aking maiwasan.




Third Person's Pov

Nagkaroon ng  mga alikabok sa baba sanhi ng pagtalsik ni Dave sa ginawang malakas na atake ni Shanely.

Nang ito'y mawala ay kitang-kita ni Shanely ang nakatayong si Dave sa baba habang pinapalibutan ng malakas at kakaibang  aura.

Nakaramdam ng kaunting takot si Shanely ngunit hindi niya ito ipinahalata.

Itinapat ni Shanely ang kanan niyang kamay sa dereksyon ni Dave tsaka niya ito unti-unting pinagalaw ng pabilog at unti-unti ring nagkaroon ng kulay itim na enerhiya sa kanyang kamay hanggang sa ito'y nagkaroon ng kulay itim na bilog.

Lumabas dito ang itim na dragon at bumulasok papunta sa dereksyon ni Dave.

Kinumpas ni Dave ang kanyang kamay tsaka nagkaroon ng Kulay  Pulang liwanag at lumabas dito ang naglalagablab sa apoy na Phoenix.

Nakaroon ng malaking pagsabog pagkatapos magsalpukan ng ginawa nilang atake.

Nabaling ang atensyon ng mga kasamahan ni Dave sa naganap na pagsabog na iyon. Wala na silang Darkonang nakalaban dahil sa ito'y kanila ng natalo ngunit hindi rin naiwasan sa kanila na magkaroon ng pinsala.

Pupunta na sana si Dolfer sa dereksyong iyon dahil sa kanyang labis na pag-alala sa kanyang minamahal na si Dave ngunit pinigilan siya ng kanya ama.

" Magtiwala ka sa kanya, kakayanin niyang talunin ang reyna ng kasamaan." Nakangiting turan sa kanya ng kanyang ama kaya hindi na niya natuloy ang gagawin sana niyang pagpunta dito.

Samantala, patuloy parin sa pagpapalitan ng kanilang mga atake si Shanely at Dave.

Mababakasan mo talaga sa kanila ang malalakas na kapangyarihan dumadaloy sa kanila.

" Mamatay kana!" Sigaw ni Shanely at gumawa ng napakalaking espadang gawa sa itim na enerhiya tsaka niya ito pinatama sa dereksyon ni Dave.

Labis ang kanyang ngiti pagkatapos ng atakeng iyon dahil akala niya ay natamaan niya si Dave ngunit nawala ang ngiting nakapinta sa kanyang labi ng makaramdam siya ng may malamig na hangin sa kanyang likuran.

" Yun na yun?" Malamig na turan ni Dave at nang aktong magpapakawala ng malakas suntok ang reyna habang napapalibutan ng itim niyang kapangyarihan ang kanyang kamao ay walang pag-aalinlangan itong pinutol ni Dave na siyang ikinasigaw niya dahil sa sakit.

Hindi pa nakuntento si Dave at pinutol niya rin ang natitira nitong braso.

" M-Maawa ka aking pamangkin, h-huwag mo kong pa-pata----" hindi niya na natapos ang dapat niyang sabihin ng sa isang iglap lang ay hawak na ni Dave ang ulo nito na ngayon ay hiwalay na sa katawan ni Shanely.

" Pasensya na aking tiyahin ngunit hindi ko basta-basta binibigyan ng awa ang mga nilalang na katulad niyong walang sing ubod ng sama." Pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang yun ay doon pa lang siya nakaramdam ng panghihina at matutumba na sana siya ng may dalawang makikisig na braso ang sumalo sa kanya.

" D-Dolfer..."









Dangerous Gay ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon