❣️Power 7❣️

7.6K 449 5
                                    

Dave's Pov

Matapos ng nangyari kahapon sa cafeteria ay naging laman na kami ng chismis sa Universiting ito.

Ang dali kumalat ng chismis!
Tsk!

" Hoy sizs! Bakit kaya hindi na nagpakita sa atin yung limang studyanteng may mga kapangyarihan din tulad natin?" Bulong sa akin ni Diane habang nakatingin lang ako sa harapan at nakikinig sa Prof na nagtututo sa harap.

Nilingon ko siya saglit bago sumagot.

"Aba iwan ko. Baka natakot na sa atin ." Sagot ko sa kanya at binalik na ang atensyon sa harap.

" Alangan namang hindi sila matakot ? Mukha mo pa nga lang nakakatakot na eh." Kuda na naman nito sa akin.

Talagang sinisimulan na naman ako ng bobitang to ha.

At dahil nga nasa may likuran kami nakaupo malayo sa prof ay hindi kami masyadong napapansin dito.

" Wow? Sa magandang mukha kong to? Nakakatakot? Eh halos luhudan na nga ako ng mga kalalakihan eh!" Pagmamayabang ko dito.

Sasagot na sana siya ng biglang may estudyanting dumating sa may pinto.

"Ahmm, excuse me ma'am . Nandito po ba si  Diane Ramos at Dave Ramos ?" Tanong ng babaeng estudyante malapit sa pintuan.

" Yes , why?" Tanong naman ng prof namin sa kanya.

" Pinapapunta po sila sa office ng Dean." Bigla akong kinabahan dahil sa sinabi ng babaeng estudyante.

Bakit kami pinapatawag sa ni Dean?

Tatanggalan na ba nila kami ng scholarship dahil sa nangyaring gulo kahapon sa cafeteria?

Adios ko lord! Wag naman sana.

~

Nandito kami ni Diane sa harap ng pintuan ng office ni Dean.

Kinakabahan ko itong kinatok at narinig ko sa loob na pinapapasok na kami.

Binuksan ko ang pinto at nagulat kami sa nakita namin sa loob.

Nakaupo sa may sopa yung limang studyanteng nakalaban namin nung isang gabi.

Omygod! Bakit sila nandito.

"Take a sit Ms. And Mr. Ramos." Alok sa amin ni Dean sa upuang nasa harap ng mesa niya.

Kinabahan kaming umupo ni Diane dito.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa . Kailangan ko na kayong alisin sa unibersidad na ito dahil sa nalaman ko." Deretsohang sabi sa amin ni Dean na siyang nakakapagpanlumo sa amin.

" Tungkol po ba to sa nangyari kahapon sa cafeteria? Sorry po ma'am . Pinagtatanggol lang po namin ang aming mga sarili dahil inunahan nila kami. Please po wag niyo po kaming alisin sa unibersidad na to ma'am." Pakikiusap ni Diane sa kay Mrs. Savation na aming dean.

" Hindi iyon ang ibig kong iparating ms. Ramos. Napagpaalam ko kasing may mga kakayahan kayong hindi basta-basta katulad nila." Sabay turo sa limang estudyante na nakaupo sa sopa na tahimik lang nakikinig sa amin.

"E ta-transfer ko kayo sa isang paaralan kung saan nag-aaral ang mga kagaya niyong may mga kapangyarihan." Patuloy na sabi nito sa amin.

Omygosh! E ta-transfer kami sa paaralan kung saan nag-aaral ang mga kagaya naming may mga kapangyarihan.

" At ang limang estudyanteng iyang maghahatid sa inyo papunta doon." Sabi niya sabay turo doon sa limang estudyante.

Nginitian kami nung dalawang babae at nung dalawang lalaki. Ngunit yung isang lalaki ay nakatingin lang sa amin ng walang emosyon.

Tsk . Mukhang suplado.

Pero shitness lang!

Mag-aaral na kami sa paaralan kung saan nag-aaral ang mga kagaya namin!

Gosh!

___________________________________
Don't forget to vote and Comment 🙏

Dangerous Gay ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon