|Zeyanna's P.O.V|
"Cause I love her with all that I am
And my voice shakes along with my hands
'Cause she's all that I see and she's all that I need
And I'm out of my league once again"I sang-along with the song as I turned off my shower at saka piniga ang buhok ko. Inabot ko ang twalya ko at saka tinuyo ang katawan ko saka ipinulupot ko ito sa buhok ko. I then wore my bathrobe as I'm humming the tune of the song.
Ilang araw na akong LSS sa kantang Out of my League na ito at wala pang ibang nape-play sa phone ko kundi iyan. Nagsimula 'yan nung kinanta ni Jack 'yan para raw sa'kin the night we had a dinner at his house. He sang that while playing the piano. Since then, naka-on repeat na ang kantang 'yan sa phone ko. At since then, hindi na mabura sa isip ko ang mukha nya while playing that song. He was smiling and glancing at me while playing the song. For a moment, pinaniwala ko ang sarili ko na para sa'kin ang kantang 'yon kasi sabi naman nya, for me.
I grabbed my phone na nakapatong sa sink then I made my way out, still humming at the tune of the song. Dumeretso ako sa walk-in closet ko at nagsimula na akong mag-ayos at magbihis. Vivid pa rin sa utak ko ang nangyaring pagkapanalo namin sa volleyball last monday. Vivid pa rin sa utak ko kung paano ako tumakbo no'n kay Jack at kung paano nya ako sinalo at binuhat at ipinaikot na para bang sya na ang pinaka-proud jowa sa buong mundo.
I sighed.
And now may volleyball match nanaman kami. Hindi naman bago sa'kin na kabahan before the game. Ang kaso, dumaragdag sa kaba ko ang magiging venue ng game namin. We're up againts the Montemegry University today and the venue will be at University of Epic Academy—the former school of Jack. Also, the school where Sally, his beloved best-friend, is studying.
Ang sabi ni Jack kagabi ay manonood sya ng game. Aabsent daw sya ulit like the last time na game namin. Right now, there's a part of me na gustong huwag nalang syang umattend. Ewan ko, nagseselos ako kahit naman alam kong wala akong karapatan. I've been limiting myself whenever I'm with Jack. Kaso, hindi ko alam kung sadyang gentleman lang talaga ang Jack na 'yon o malandi sya, o sadyang marupok lang talaga ako. Whenever we're together, feel na feel kong jowa ako. Nakakainis lang. Lakas kasi talaga makapagpaganda ng Jack na 'yon! Kala mo naman talaga mahal ako! Kainis!
Napa-buntong hininga nanaman ako.
Ipinasok ko na sa bag ko ang mga extra clothes ko pati na rin ang dalawang water bottles ko. 9 am pa naman ang game namin pero kailangan muna naming pumunta sa school para mag-warm up and such. Wala kasi kaming training kahapon. Lagi naman kaming ganon. Ayaw ni coach na nagte-training pa kami the day before match. Pahinga raw namin 'yon. Kaya naman ngayon ay magiging puspusan kami. Okay na rin 'yon. Kung may training kasi kami kahapon, baka hindi ko nahanap si JV. Hay talaga ang babaeng iyon!
Isinukbit ko na ang bag ko sa dalawang balikat ko at saka ko isinuot ang sapatos ko. Agad naman akong napatingin sa phone ko nang tumigil ang tugtog at napalitan iyon ng ring tone ko. Napakunot ang noo ko.
Sinong tumatawag nang ganito ka-aga?
I grabbed my phone and I groaned nang makita kong si Jack ang tumatawag.
Problema nanaman ng lalaking 'to?
Ibinaba ko muna ang phone ko at inayos ang uniform ko. Muli kong kinuha ang phone ko at sinagot ko ito as I am walking out of my room.
"Oh?" Bungad ko sa kanya and I grabbed the door knob at saka ito pinihit para buksan ang pinto.
"Good morning!" Masayang bati nito. "Ganyan ang bungad sa umaga, Yana. Hindi oh?" Dugtong naman nito na ginaya pa ang pagkasabi ko ng 'oh?'
BINABASA MO ANG
Arranged Marriage
RomanceOn going reconstruction. Author at work. Sorry for the Inconvenience. All my life, I thought everything is perfect. I thought my family is perfect. I thought my friends are perfect. Well, I know there's nothing perfect in this world, but then, every...