Arranged Marriage-Special Chapter
"Mom?" I called out at binuksan ang pinto ng kwarto nila mama. Nakita kong bumangon ang mama ko at binuksan nya ang lampshade na nakapatong sa mesa sa tabi ng kama nila ni daddy. Sunod namang bumangon din si daddy at nagkusot sya ng mata
"Jen? Hey sweetie, what's wrong?" tanong ni mommy at naglakad ako palapit sa kanila ni daddy. Umakyat ako sa kama nila pero bago pa man ako tuluyang maka-akyat ay binuhat na ako ni daddy at inupo sa pagitan nila ni mommy.
"Can't sleep?" tanong ni daddy at tumango-tango ako.
"I had a nightmare. A very bad one" sabi ko at naramdaman kong dumami ang water sa mata ko then the next I knew ay naglalabas na ako ng maliliit na sob.
"Hey" malumanay na banggit ni daddy at sinaklop ang kaliitan ng mukha ko sa dalawang palad nya.
"Baby it's just a nightmare" sabi naman ni mommy pero umiiyak pa rin ako.
This time, niyakap na ako ni daddy dahil hindi ko na mapigilan ang iyak. Sobrang sama lang talaga ng panaginip ko na feeling ko ay totoo.
Sa kalagitnaan ng pag-iyak ko ay napatigil kaming tatlo nila mommy at daddy nang biglang tumunog ang alarm system ng bahay. Nakita kong nagtinginan si mommy at daddy.
"Jess, go get Vince" sabi ni papa at ramdam kong nanginginig ang boses nya. Mas hinigpitan ni papa ang kapit nya sakin samantalang si mama ay lumabas ng kwarto para kunin si Vince.
Ang higpit ng kapit sakin ni daddy. Maingay pa rin ang alarm at ilang segundo lang ay bumukas ang pinto at nakita namin si mama na buhat si Vince, ang nakababatang kapatid ko.
"Daddy?" Banggit ng kapatid ko.
Saglit akong pinakawalan ni daddy para kunin si Vince sa kamay ni mama. Matapos ay dalawa na kaming yakap ni daddy sa braso nya.
Pumasok si mommy sa cr, hindi naman sya nagtagal doon. Lumabas na rin sya agad matapos nyang may kuhanin.
"Mommy, ano pong nangyayari?" Tanong ko.
Sasagutin na sana ako ni mommy nang tumunog ang cell phone ni daddy. Nagtinginan muna si mommy at daddy then tumango si mommy. Binitawan kami ni daddy at sinagot ang cell phone nya. Lumabas sya at naiwan kami nila mommy sa kwarto.
"Mommy?" Tanong kong muli.
Tumingin saakin si mommy at ngumiti. Hinawi nya ang buhok kong nakatakip sa mukha ko at pinisil pisil nya ang pisngi ko.
"Everything's okay baby. No need to worry" mommy said using her dearly voice.
Hindi ako mapakali sa nangyayari. Alam kong may mali pero hindi ko alam kung ano. Masyado pa akong natatakot dahil sa bangungot ko. At isa pa, pakiramdam ko, ang nangyayari ngayon ay ang pangyayari sa panaginip ko.
"Mommy? What's going on?" Tanong naman ng kapatid ko at sa kanya naman tumingin si mommy.
"May kinakausap lang si daddy" sabi ni mommy at tumango nalang si Vince.
"I know!" Biglang sabi ni mommy na pumalakpak pa kaya halos magulat kami ni Vince. "Mommy will tell a story nalang!" Sabi ni mommy habang nakangiti.
Nang marinig ko ang salitang 'story' ay parang gumaan bigla ang pakiramdam ko. I like stories a lot! I love them in fact!
"What story Mommy?" Tanong ni Vince at pumosisyon si mommy na parang nag-iisip.
"Hmmm?" Sabi ni mommy habang nasa ilalim ng baba nya ang isang kamay nya at nakalagay sa bewang nya yung isa pa.
"What if--" naputol bigla ang sasabihin ni mommy nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto.
BINABASA MO ANG
Arranged Marriage
RomanceOn going reconstruction. Author at work. Sorry for the Inconvenience. All my life, I thought everything is perfect. I thought my family is perfect. I thought my friends are perfect. Well, I know there's nothing perfect in this world, but then, every...