Chapter 9 |Another Transferree?|

4K 82 0
                                    

Chapter 9 |Another Transferree?|

"She's now my girlfriend"

The voice echoed in my head and it seems like all my body system shut down in an instant

"She's now my girlfriend"

The voice said again at pakiramdam ko ay nabibingi na ako. Parang sumasakit ang ulo ko na hindi ko maintindihan

"She's now my girlfriend"

The voice said at pakiramdam ko ay bibigay na ang tuhod ko at parang gusto ko nalang umupo sa lapag.

I kept my forced smile

"K-kailan p-pa?" I forced myself to ask while forcing myself to smile. But honestly, sobra-sobrang sikip na ng dibdib ko at pakiramdam ko ay wala na akong hangin na ma-hinga

"Last night. She finally said yes!" Sky beamed at halos malagutan ako ng hininga nang batukan sya ni Alexa

"Ang ingay mo alam mo 'yun?!" Sabi ni Alexa matapos nyang batukan si Sky at si Sky naman ay natawa lang

"A-uhm. Alexa, ikaw ang Secretary of the day ngayon 'diba? Baka lang kasi...ano...'yung attendance" sabi naman ni Zeya at nanlaki ang mga mata ni Alexa

"Ay shet oonga pala! I better go! Bye!" Sabi nya tapos ay kumawala sa kapit ni Sky at matapos nyang magba-bye sa amin ay nagmamadali syang naglakad

"Hala?! Hoy babe hintayin mo 'ko!" Sabi naman ni Sky tapos ay madaliang nag-babye saamin ni Zeya at saka tumakbo palapit kay Alexa

"Bala ka dyan!" Rinig ko pang sabi ni Alexa. Narinig ko naman muli ang tawa ni Sky hanggang sa unti-unti nang nawala ang presenya nilang dalawa

Napahawak ako sa kotse ko agad. Hindi ko alam kung anong unang gagawin ko. Iiyak ba ko? Uupo ba ko? Titingin ba ko kay Zeya? Hindi ko alam. Hindi ko alam ang iisipin ko. Hindi ko alam kung paano ako kikilos. Hindi ko alam.

"JV" rinig kong sabi ni Zeya and the moment I heard her voice, tears began rolling down my cheeks

Ang sakit. Bakit ganon? Ang sakit-sakit? Bakit ang sakit-sakit? Bakit ganito? Akala ko ba okay lang sakin kung anong meron kami ni Sky? Akala ko ba masaya na ako dahil best-friends kaming tatlo nila Zeya? Bakit ganito? Bakit di ko mapigilan ang sarili kong mata?

"Uyy JV" sabing muli ni Zeya nang hawakan nya ako sa magkabilang braso dahil hindi ko na kaya ang bigat ng sarili kong katawan. Gusto ko nalang umupo

Huminga ako nang malalim at saka pinakalma ang sarili ko. Pinunasan ko ang dalawang mata ko pero parang masyado yatang marami ang luha ko ngayon dahil kahit anong punas ang gawin ko, may lumalabas pa rin na luha.

"Zeya ang sakit" ang tanging nasabi ko nalang habang pilit na pinupunasan ang mga mata ko kahit na sa bawat punas ko ay may lumalabas na luha

"Ssshhh" pag-alo sakin ni Zeya at saka nya ako niyakap.

"No Zeya. I'm okay" sabi ko at kumawala sa yakap. Tinignan ko si Zeya at nakita kong nangingilid din ang luha nya kaya pinilit kong ngumiti

"Hindi ka naman okay eh" Zeya said as her voice cracked at nang marinig ko ang sinabi nya ay di ko na napigilan ang sarili kong umiyak

Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang palad ko at patuloy lang na umiyak.

Nakakainis! Nakakainis na mata! Bakit ba ang daming reserbang tubig?! Nakakainis!

"Sshhh JV. Tahan na. Shhh" pag-alo naman saakin ni Zeya habang yakap-yakap nya ako at tinatapik nya ang likod ko

Huminga muli ako nang malalim at pinunasan ko nang marahas ang mata ko.

Arranged MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon