Nakatulala ako habang naka-upo sa kama ni Cedrick at habang suot-suot ko ang bathrobe nya. Nandito kami ngayon sa bahay nila Cedrick. We stayed the night here. Pag dating namin dito kagabi ay nag-aabang na si Vince at mamang. Agad pa akong niyakap ni Vince kagabi pag dating namin.
Ang dami ko pang tanong na hindi pa nasasagot. Pag dating kasi namin dito kagabi, pina-akyat na ako agad ni Cedrick dito sa kwarto nya para matulog. Sumunod nalang naman ako. Sobrang napagod ako kagabi kaya halos isalampak ko ang sarili ko sa kama...pero hindi ako nakatulog.
I tried sleeping pero hindi talaga ako nakatulog. Sobrang gulong-gulo ang utak ko kaya pakiramdam ko ay mas lalo akong pagod ngayon. Mabuti nalang at sabado ngayon.
One thing is for sure. Those men, I'm pretty sure may kinalaman sila sa Red Soul Organization. I still can't confirm if they were really after me, but what are the odds that it will happen after my week of constantly receiving threats? But still, I cannot afford to be mad at Zeya and Sky. Marami lang talaga akong tanong sa kanila but I can't get mad.
I sighed. Naramdaman ko naman agad ang balahibo ni Midnight na kumiskis sa paa ko. Napa-ngiti nalang ako tapos ay binuhat ko si Midnight at ipina-upo ito sa hita ko. Thanks God Midnight is okay.
"I'm okay Midnight. Thank you" Sabi ko sa kanya habang hinihimas pa rin ang balahibo nito. Ikiniskis naman nito ang katawan nya sa bandang tyan ko. Mabuti nalang at natatakpan ng bathrobe ang katawan ko. Mahina naman akong napatawa sa ginawa nya.
Ibinaba ko na si Midnight at saka tumayo. Kinuha ko ang pantalon at loongsleeve-shirt ni Zeya na nakapatong sa ibabaw ng kama ni Cedrick at katabi ko kanina. I removed my bathrobe at sinimulang isuot ang pantalon. Just when the door burst open revealing Cedrick who's only wearing a towel that's covering the lower half of his body. May mga droplets ng tubig na tumutulo mula sa buhok nya pababa. In my instinct, agad kong naibato ang nakataob na picture frame na nahagip lang ng kamay ko na nakapatong lang sa bedside table nya! Agad naman nya itong nasalo at kita ko ang takot sa mukha nya nang saluhin nya ito.
"What the hell?!" Inis na singhal nito sa'kin at hinigpitan ko ang kapit ko sa kumot na ibinalabal ko sa katawan ko matapos kong ihagis sa kanya iyong picture frame!
"Ako dapat ang magtanong sa'yo nyan! Manyak ka! Anong ginagawa mo rito?!" Inis na singhal na sigaw ko rin sa kanya habang nakasandal ako sa bedside table nya. Pinilit ko kasing umatras para mas humaba ang distansya naming dalawa pero wala na akong malalayuan dahil dito sa mesang ito.
Nakita ko namang isinara nya ang pinto sa likod nya. Kumunot ang noo ko sa kanya. Bakit nya sinara 'yung pinto?! Bakit kailangan nyang isara 'yung pinto?!
"Look, I'm sorry. I didn't mean it. Wala naman akong nakita eh!" Sabi nito tapos ay naglakad palapit sa'kin!
Agad akong napatalon sa kama nya tapos ay pumunta sa kabilang side. He has a queen-sized bed and I'm thankful for this dahil medyo Malaki ang distansya naming dalawa. Mahigpit pa rin ang kapit ko sa kumot na nakatapis sa katawan ko. Nakita ko namang nakakunot ang noo nya as he looked at me. Binuksan nya iyong isang drawer ng bedside table nya tapos ay maingat na ipinasok do'n 'yung picture frame.
"Besides, bakit dito ka kasi nagbibihis? May closet room naman ako" tanong nya as he pushed the drawer of his bedside table. Napa-iwas naman ako ng tingin.
Tama sya. May closet room nga sya at doon naman talaga ako dapat magbibihis. I just chose not to. Pakiramdam ko kasi ay mababaliw ako sa closet room nya. There were guns there at kada nakikita ko 'yon ay bumabalik sa ala-ala ko ang mga katawang nakahandusay sa hagdan ng bahay namin kagabi.
"Closet room pala 'yon. Akala ko gun depot" I softly said to him at napansin ko ang kakaibang tingin nya sa'kin. There were emotions in his eyes I couldn't comprehend. Para bang nalulungkot sya na naaawa na nagugulat. Hindi ko alam. He's just staring at me so I averted my gaze.
BINABASA MO ANG
Arranged Marriage
RomanceOn going reconstruction. Author at work. Sorry for the Inconvenience. All my life, I thought everything is perfect. I thought my family is perfect. I thought my friends are perfect. Well, I know there's nothing perfect in this world, but then, every...