Chapter 11 |Unexpected Guest|

4.9K 89 3
                                    

Chapter 11 |Unexpected Guest|

|Jennica's P.O.V|

It's already been a week since dad opened his eyes. Simula no'n, patuloy na ang paggaling ni daddy kaya naman kahapon ay nakalabas na sya ng hospital. He's not completely fine, though. Marami pa rin ang kailangang gawin at hindi pa rin talaga bumabalik ang lakas ni daddy. Kaya naman ngayon ay uuwi na sila ni mama sa Korea. Just like what mom told me last time, she decided na sa Korea na ipagpapatuloy ni daddy ang paggagamot. I guess that's what's best for dad. Manila has too much pollution anyway, and dad needs a break. Sa ngayon, I am helping Mr. Song in managing our hotel. But Honestly, he's doing most of the work. Right now, I feel more in debt to him.

I turned off the shower at saka piniga ang buhok ko. I wiped myself with my towel at saka ko ipinulupot ito sa sarili. I then went out of the bathroom.

Sa loob ng isang linggo na 'yon, lalo kong naramdaman that Sky became distant with us. Dalawang beses lang namin syang nakasabay ni Zeya mag-lunch. The rest of the week ay kasabay nya si Alexa. He planned na sa rooftop kami magla-lunch na apat pero hindi maganda ang kinalabasan. Alexa can't stay exposed to the sun for more than 10 minutes. Namumula ang balat nya at namamantal. Kaya ang end up, she and Sky ate their lunch at the canteen. Nagkaron din kami ng bagong sitting arrangment and guess what, katabi ko ang Impakto at nasa harapan ko si Sky at Alexa na magkatabi. Just thank God na katabi ko pa rin si Zeya. Nasa center isle pa rin si Zeya, then ako, tapos ang Impakto, then ang classmate naming si Andrie, tapos si Lanie.

While I was changing, I heard a knock on my door at narinig ko rin itong bumukas.

"Jen? Kakain na" I heard mom's voice. Sumilip naman ako mula sa walk-in closet ko

"Be there in 5, mom" sabi ko at nag-okay lang si mama.

Tinapos ko na ang pagpapalit ko ng damit then I comb my hair. After that, kinuha ko na ang bag ko at saka na ako naglakad pababa.

Today is the start of our exam week kaya hindi pwedeng distracted ako ngayon. Though, the first day of exam will be tomorrow but we have three long exams today. Hindi talaga pwedeng magpa-petiks ngayong linggo.

Umupo na ako sa usual spot ko sa dining area namin at hindi ko mapigilang hindi mangilid ang luha ko. Eh paano kasi, kompleto na ulit kami rito na kakain ng breakfast. For almost more than a month na walang buhay ang bahay namin, sawakas, parang back to normal na ulit ang lahat.

"Our flight is 3pm today. Hindi ko alam kung kailan kami babalik, pero hangga't wala kami, huwag kayong magpapasaway kay mamang. Naiintindihan nyo ba, Jen at Vince?" Sabi ni mama bigla kaya naman ay napatigil kami pareho ni Vince at tumingin sa kanya. Agad naman kaming tumango bilang response

"You can't drive yet, Vince. You know the rules" sabi naman ni daddy at napa-groan si Vince bigla

"Malalaki naman na kayo. Tulong-tulungan nyo na rin si mamang mag-imis dito sa bahay" sabing muli ni mama at napatawa nang bahagya si mamang

"Marurunong naman ang mga bata sa gawaing-bahay Jessica. Huwag kang mag-alala" sabi ni mamang at tumango-tango si mama at daddy

"Nako mamang. Kurutin mo ang mga iyan sa singit pag mga tamad" sabing muli ni mama at natawa nalang din ako.

"Are you sure ma na hindi na namin kayo ihahatid?" I asked mom at ngumiti naman sya at umiling

"Hindi na. Your dad and I can manage. Mag-focus nalang kayo sa school" sabi ni mama at kahit na labag sa loob ko ay tumango nalang din ako.

Naghabilin pa si mama ng ilang mga bagay sa amin ni Vince bago nya kami yakapin at halikan. My dad did the same. Alam kong malungkot kami pareho ng kapatid ko ngayon but both of us have smiles on our faces. We cannot afford to be sad right now. Lalo pa at para rin naman ito sa kapakanan ni daddy. So, after all the hugs and kiss we could have with our parents, we finally said our goodbye at saka na ako nagdrive papasok sa school.

Arranged MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon