Chapter 10 |Awake|

4.4K 84 0
                                    

Chapter 10 |Awake|

|Jennica's POV|

"...the pain of swallowing that you're already defeated before the game could even start is not something you understand."

Bumabalik sa ala-ala ko ngayon ang mga katagang sinabi sa akin ni Black noon nang unang beses kaming mag-usap. I can still remember how hurt he was, how he stared into nothingness that time dahil sa sobrang sakit na nararamdaman nya. Hindi ko inakalang mangyayari sa akin ang nangyari sa kanya. Hindi ko inakala na mararanasan ko kung ano man ang naranasan nya.

I already lost the game before the game could even start.

Napabuntong hininga ako nang maramdaman kong nagtubig ang mga mata ko. Napalunok nalang ako.

I stared at dad's face that's still sleeping until now. Nandito ako sa hospital dahil ako muna ang nagbabantay kay daddy. Umuwi kasi si mama para kumuha ng ilang mga gamit sa bahay. Vince will be here in any minute para magdala ng pamalit ko ng damit at ng dinner. Dito kasi ako dumeretso after dismissal namin kanina sa school.

As I stare at dad's face, hindi ko mapigilang maalala ang nangyari kanina. Sky's voice is still echoing in my head when he announced that Alexa is already his girlfriend.

Girlfriend....huh.

Napabuntong-hininga nanaman ako.

Alexa Khintomps. That's the girl. We've known her since we were little. Classmate namin sya simula pa grade 4, at alam ko, simula non, crush na sya ni Sky. Alam ko, na sya ang babaeng gusto ni Sky pero wala pa akong paki noon. Lagi kasi silang nag-aaway non ni Sky. Pag napupunta sila sa iisang grupo, lagi silang nagbabangayan. Laging ganon. Isa pa, isang babaeng maton si Alexa, a volleyball player—spiker to be exact. Lagi syang nakasigaw, kung tumawa sya ay akala mo wala nang bukas, halos laging maikli ang buhok nya kasi para sa kanya, hassle ang mahabang buhok sa laro. She's the complete opposite of Sky's ideal girl. Kaya naman akala ko, mawawala rin ang kagustuhan sa kanya ni Sky. But I was wrong.

Years have passed at nagkakaron kami ng shuffling ng students sa iisang section. May mga year kaming hindi namin classmate si Alexa at may mga years na magkakahiwalay kaming tatlo nila Zeya at Sky. Pero simula 2nd year high school hanggang ngayon, nanatili kaming mga magkakaklase sa iisang section. At oo, simula rin noon, classmate na namin si Alexa. At alam ko, simula pa noon, ay nililigawan na ni Sky si Alexa. The whole section knows that Sky likes her but she never gave attention to Sky. Kaya naman hindi ako nawalan ng pag-asa. Back then, I thought that if I'll continue to be Sky's ideal girl, I'll have a shot. Umasa ako na baka someday, magustuhan nya rin ako the way na gusto ko sya. But I guess that's impossible now.

Hindi ko lang talaga maintindihan. I've always been with him. Lagi akong nandyan para sa kanya, lagi akong nandyan sa tabi nya whenever he needs someone, ako lagi ang naga-adjust para sa kanya. Hindi ko lang talaga maintindihan kung paanong after all the efforts I made, iba pa rin talaga ang gusto nya. I changed myself, literally. Ginawa ko ang lahat para lang magustuhan nya, I even gave things up that I like para lang pumasok sa standard nya. Pero wala pa rin.

Gusto kong matawa. Parang naging isang napakalaking joke ng buhay ko ngayon. Alam nyo 'yon? Isa pa, napakatanga ko. I kept on choosing a man who's in the end, will not choose me. I defied my mom, put my dad in this mess, and all of those for nothing.

Pakshet. Naiiyak nanaman ako. Bakit ba kasi napakatanga ko? Kung umasta ako ay akala mo alam ko na lahat ang meron sa buhay. Kung umasta ako ay akala mo, nasa isang movie ako kung saan siguradong-sigurado na ako sa makakatuluyan ko. Napaka-tanga talaga. Akala mo naman ay huli na ang lahat. Akala mo naman ay napaka-importanteng tao ko sa mundo para gumawa ng ganito kalaking problema. Nakakainis! Napakatanga mo Jennica Rhee!

Arranged MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon